“Is she okay?” Kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon kahit hindi ko idilat ang mga mata ko. Ramdam ko ang p*******t ng bawat parte ng aking katawan, maski ang talukap ko ay tila ba sobrang bigat para idilat ko pa ang aking mga mata. “Amarah? Anak?” Rinig kong tawag sa akin ni Mama nang pilitin kong bumangon. Agad na naramdaman ko ang pag-alalay ni Mama nang hawakan ko ang aking sintido dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. “Anak anong nararamdaman mo?” Tanong ni Mama, nag-aalala ang tono ng pananalita. “Anong oras na po Ma?” Tanong ko pabalik sa kanya. Paulit-ulit na minamasahe ko ang aking sintido nang sa gayon ay mabawasan ang p*******t ng aking ulo pero ganoon na lang ang gulat ko nang maramdaman ang mainit na temperatura ng buong katawan ko. Hanggang ngayon? Dalawang araw na a

