“Call him!” Bulalas ni Alexia nang makitang maglakad palayo ang dalawa. Parang nanigas ang mga buong katawan ko, ni hindi ko magawang ihakbang ang mga paa ko o di kaya’y igalaw ang aking mga paa. Para akong isang estatwa na nanatiling nakatayo roon habang pinapanuod ang dalawa na sumakay ng escalator. “Damn it!” Malakas na saad ni Mimi. Saka lamang ako natauhan nang makita koi tong tumatakbo papunta sa direksyon ng boyfriend ko. “Run!” Sigaw ni Alexia, mahahalata ang inis sa tono ng pananalita. Hindi ko malaman kung sino ang uunahin kong pigilan, si Alexia na nag-aantay na tumapat sa kanya ang dala at nakahandang batuhin sila ng dala nyang bag o si Mimi na ngayon ay tumatakbo papunta sa escalator. “Aish!” Bulalas ko, hindi malaman ang gagawin. Ilang ulit akong nagpapalit-palit ng tin

