CHAPTER FIFTY-SIX

3298 Words

Tahimik lang ako sa byahe habang pinapanuod ang mga punong tila ba sumasayaw sa himig ng hangin. Papasok ako ngayom sa school at hindi ko pa rin alam kung paano kong haharapin si Lucas matapos nang naging tagpo namin sa mall. Ni hindi ito tumawag o nagtext sa akin para magpaliwanag nitong nagdaang araw kaya naman hindi ko maisip kung ano pa nga ba ang posisyon ko sa buhay nya. “We're here.” Pilit ang ngiting nilingon ko si Kuya. Wala silang kaide-ideya kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Alam kong may hula na siyang hindi kami okay dalawa dahil sa nangyari nung nagpunta kami sa night market pero nasisigurado kong tampuhan lang ang alam nyang nangyayari sa aming dalawa. Sa ikinikilos nya, natitiyak kong wala pa ring sinasabi si Mimi sa kanya tulad nang ipinakiusap ko nung nakaraan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD