"Walk, Amarah!" Inis na saad ni Alexia habang hinihila ako papunta sa room. "We'll be late if you won't hurry." Dagdag nya. Ramdam ko ang kagustuhang mas bagalan pa ang paglalakad dahil sa sinabi nyang iyon. Edi late na kung late. Ayoko naman talagang sumali kasi sa event na to. Ni hindi na ako nagsosorry sa mga nakakabanga namin dahil sa sobrang pagmamadali. Maaga pa naman kasi pero itong mga kaklase ko mga excited na ayusnan ako. "What took you so long?" Tanong ni Lyka nang marating namin ang room. Agad nya kaming hinila at basta na lamang tinulak papasok ng room. Matapos non ay saka sya nagmamadaling lumabas. Laylay ang balikat na pinabayaan ko na lamang ang aking sarili na tangayin ni Alexia nsa kug saan saan. Lahat ng naroon ay busy na sa kai-kanilag mga gawain. Ang iba naman ay

