"Oh my gosh! What a wonderful couple!" Rinig ko ang bawat papuri ng karamihan sa mga manunuod nang kami na ang naglalakad ni Lucas. Totoo ngang kapag ikaw na mismo ang nasa stage ay hindi mo na mapapansin kung gaano karami ang tao sa baba. Ang malakas na ilaw na nagbibigay liwanag sa buong stage ang nagsisilbing kasangga ko para hindi makita kung ilang mata ang nanunuod sa akin ngayon. Imbis na masilaw sa liwanag ay ipinapapasalamat ko ang pagiging malakas nito at sentro sa gitna dahil nabawasan ang kaba ko. "Couple ba?" "Bagay na bagay sila." "Yieeeee ang gwapo at ang ganda!" Kaliwa't kanan ang naririnig kong papuri sa mga manunuod. Napangiti ako nang iba sa iniisip ko ang kinalabasan ng event na ito. "Go, baby!" Napalingon ako sa gawing kanan nang marinig ang malakas na boses ni K

