"Let's give a round of applause for our campus band! Nemesis!" Malakas na pagpapakilala ng host. Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa kawalan dahil sa sinabing iyon ni Lucas. Hanggang saan ba ang nakita nya? "Uhm Lucas?" Nag-aalinglangang tawag ko sa kanya. Agad ko syang kinalabit nang mapansin na hindi nya ako narinig dahil sa earpods na nasa tainga nya. "Why?" Tanong nya na hindi makatingin ng diretso sa akin. Nanatili akong tahimik dahil nilamon ako ng hiya magtanong. Ang hindi maipinta kong mukha ang syang nagbigay ng kasagutan sa kanya. "I'm sorry. Hindi ko sinasadya. I was about to ask you something kaso wala pala sa timing. Hindi ko naman alam na nagbibihis ka pala dyan." Diretsang sagot nya. Madiin akong napapikit nang masiguro ko na tama nga ang hinala ko. May nakita nga t

