Patuloy lang akong naglakad habang lumuluha. Ang pakiramdam na nasa ganitong sitwasyon nanaman ako ay parang pumapatay sa puso ko. Halos isang taon na mula nang una akong maglakad sa kawalan pero ngayon mas masakit ang puso ko. Kung noon kalayaan ang dahilan kung bakit naglalakad ako sa kawalan, ngayon puno na ng sakit ang bawat paghakbang. Bawat paglapat ng paa ko sa malamig na semento ay nararamdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib. Ang katotohanang nanggaling ang lahat ng masasakit na salita mula kay Kuya ay hindi ko matanggap. Sa tingin ko naman ay hindi ganon kalaki ang nagawa kong kasalanan para magsalita sya ng ganon sa harap pa ni Mama at Manang. Ramdam ko ang malamig na hangin na pilit akong niyayapos at ipinararamdam sa akin ang pag-iisa ko. Hindi ko naisip na may mas isasak

