Naiwan akong mag-isa sa park habang patuloy na pinagmamasdan ang katahimikan ng paligid. Naging laman ng isipan ko ang mga salitang sinabi ni Lucas. Maski ang lungkot sa mga mata nya ay kinukwestiyon ko pa rin hanggang ngayon. Ang mga huling sinabi nya ay nag-iwan ng katanungan sa akin. Ibig sabihin may namatay syang kapatid? Ilang minuto pa akong nanatili roon bago nagpasyang umuwi. "Amarah!" Agad na yumakap si Mama sa akin nang pumasok ako sa bahay. Ang higpit ng yakap nya ay nagsasabi kung gaano sya nag-aalala nang umalis ako. "Where is he?" Tanong ko kay Mama ng bumitaw sya sa pagkakayakap. Agad na hinanap ng mata ko si Kuya pero wala sya dito sa baba. Maski si Manang ay wala at mukhang natutulog na. Si Mama na lang yata ang nag-aantay sa akin dahil hating-gabi na rin. Nginuso ni

