Nanatili akong nakatitig kay Lucas matapos nyang sabihin ang bagay na iyon. Mukhang hindi rin naman iyon inaasahan ng lahat dahil tulad ko ay nanatiling tikom ang mga bibig nila. I really like her. I really like her. I really like her. I really like her. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa aking pandinig ang sinabi nyang iyon. Gusto kong kwestyunin ang lakas ng loob nya para sabihin ang ganoong bagay sa mga magulang ko. Ang katotohanang hindi ko mabasa ang bawat kilos nya, kung seryoso man o hindi ang bagay na iyon ay nakakadagdag ng pagkagulat sa akin. Gulat na hindi ko maunawaan kung dahil ng aba hindi ko ito inaasahan o kung dahil tama nga ang iniisip ko noon sa mga ipinapakita nya. "Yieeeee." Agad akong bumalik sa reyalidad nang marinig ang impit na kilig ni Alexia. Kunot

