Nakatitig lamang ako kay Lucas hanggang marinig nya ang kanyang pwesto. Nangingibabaw pa rin ang gulat sa akin. Natapos na ang klase pero hanggang ngayon ay parang hindi pa rin nagsisink in sa akin ang ikwinento nya. Ako iyon. Hindi ko na kailangan pang kumpirmahin dahil bawat detalye sa kwento na iyon ay may kinalaman sa akin. Ako iyong babaeng iniligtas nya. Ako iyong babaeng iniwan sya para iligtas ang sarili. Rinig ko ang impit na kilig ng mga kaklase namin. Muling nanlabo ang mga mata ko nang makita syang maglakad palapit sa akin. Bawat hakbang nya ay mas lalong gumaganda ang kanyang mga ngiti. "Yie." Hindi ko na pinansin ang panunudyo ni Alexia at nanatili lamang na nakatingin kay Lucas. Nagsimulang tumulo ang luha ko. Hindi dahil natatakot ako na baka sumbatan nya ako sa ginawa

