"It's okay. Wag mo ng ikwento kung hindi mo pa kaya." Nakangiting saad ni Mimi sa akin. Nanatili pa kami doon nang ilang oras bago mapagdesisyunan na pumasok sa isang subject. Nakayuko ako nang pumasok ako sa room. Gulat kong iniangat ang ulo ko nang marinig ang pangangamusta ng ilan. Hindi ko na napigil ang luha ko nang isa-isa nilang sabihin na hindi sila naniniwala sa mga nakasulat sa blog na iyon. "See? Marami kaming naniniwala sayo." Nakangiting saad ni Mimi at saka pinunasan ang mga luha ko. Masayang tinanguan ko sila at saka pinanuod ang mga kaklase ko na magkagulo. Hindi na ako muli pang nagsalita at hinayaan na lang ang sarili ko na lunurin sa dagat ng lungkot. Ang mahihinang pagkirot ay nararamdaman ko pa rin sa puso ko. Feeling ko may maliliit na kutsilyo ang sumasaksak don.

