"Hey. Are you okay?" Tanong sa akin ni Alexia nang manatili akong nakatulala. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang pagkagulat sa biglaang pagpapakita ni Charles. Ipinagtataka ko kung saan at paano nila nalaman na nandito ako. For a moment, I was unable to speak. Ni hindi ko rin maramdaman ang lakas sa mga tuhod ko para humakbang palayo. Hindi ko alam kung paano sila nakapunta dito pero nasisiguro ko na hindi sila sa gate ng resort pumasok dahil lahat ay pinagbilinan ni Kuya na wag papapasukin si Charles kapag nagkataon. "Careful." Saad ni Lucas nang alalayan nya ako mula sa likuran. Kung noon ay plinano kong sundan sya, ngayon ay kakaiba nanaman ang nararamdaman ko nung nakita ko sya lalo na nang mahagip ng mata ko si Kacey sa di kalayuan. Gusto kong kwestyunin ang mga kilos ni Luc

