Nagsimula ang klase na hindi na muling nagpakita pa si Charles. Araw-araw rin akong sinasamahan ni Kuya Marcus sa tuwing lalabas ng bahay. Siya na rin ang personal na naghahatid sa akin sa tuwing papasok ako sa unibersidad. Kakatwang kolehiyo na ako pero heto at ipinagmamaneho nya pa rin ako. "Excited ha?" Saad ni Kuya habang diretsong nakatingin sa daan. Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa buong byahe. Ang isiping mag-aaral akong muli ay parang bago sa aking pakiramdman. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. Kinakabahan ako pero natutuwa. Natatakot ako pero naroon ang excitement sa akin. Ito na ang ikalawang araw ng klase pero dahil kaunti pa lang ang pumasok kahapon ay hindi ako nagkaroon ng kahit isang kaibigan man lang. Panay kasi may circle of friends na an

