AMARAH'S POV Dalawang linggo na ang lumipas matapos akong makita ni Alex at makabalik sa bahay. Dalawang linggong hindi nagigising sa isang sampal o sipa. Ang unang linggo ay talagang ginugol ko raw sa pagpapahinga, ni hindi man lang raw ako nagbigay ng senyales noong unang araw kung gigising pa ba ako. Isang linggo na mula nang magising ako sa mahabang pahinga. Kitang-kita ko ang tuwa sa mukha ni Kuya marcus nang makita akong ngumingiti na sa harap nya. Ang kagustuhang muling bumalik ako sa dating sigla ay makikita sa lahat ng mga kilos nya. Wala itong ibang ginawa kundi ang samahan ako at pasayahin sa lahat ng oras. Napatunayan ko ang pagmamahal ng aking mga magulang sa kabila ng pagtalikod ko sa kanila nang oras na iminulat ko ang aking mga mata na naroon sila sa aking tabi. Ang hi

