“Good morning.” Masayang bati ko nang madatnan silang lahat sa dining room. Humalik muna ako sa pisngi nila Mama bago tuluyang naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi ni Kuya. “Good morning Kuya.” Nakangiting bati ko sa kanya. Nanatili lamang syang nakatingin sa akin, nangungusap ang mga mata. Sabado ngayon at paniguradong nagtataka sila kung bakit hindi pa ako nakaayos gayong maaga dapat ang klase ko ngayon. Hindi ko ata nasabi sa kanila na walang pasok kaya ganito na lang ang mga tingin nila sa akin ngayon. “What are you doing?” Tanong ni Kuya nang iniwas ko ang aking paningin sa kanya at saka sumandok ng pagkain. “Amarah, what are you doing?” Pag-uulit nya nang hindi ako sumagot. Nagtataka ko naman syang nilingon. “Kakain?” Patanong kong sagot sa kanya. “I mean may pasok ka ngayon

