Dalawang araw ang nakalipas mula nang sabihin ni Mimi sa akin ang tungkol kay Kacey. Sa loob ng dalawang araw ay nakakaramdam ako ng takot dahil kahit sabihin kong baka tinatakot nya lang si Mimi ay hindi pa rin maalis sa isip ko na ano mang oras ay baka talagang gawin nya kung ano man ang sinabi nya. Palinga-linga ako sa paligid habang umaandar ang sasakyan, hinahanap kung may kakaiba nga ba sa aming dinaraanan. Nananakot ka nga lang ba Kacey? Dahil kung hindi ay mapipilitan akong labanan ka sa kahit anong paraan para hindi mo lang ulit ako masaktan. “Ang lalim ng iniisip mo?” Rinig kong tanong ni Kuya. Agad na inalis ko ang isipin na iyon nang maalala ang malungkot na mukha ni Mimi. Ngayon ko lang iyon naalala dahil masyadong naabala ang isip ko sa mga gawain namin sa school. Maski

