“Mi wala ka bang gustong sabihin sa amin?” Tanong ni Carl. Nag-angat naman ng tingin sa kanya si Mimi, nagtatanong ang mga mata nitong nagpapalit-palit sa amin. Palihim na sinipa ko ang paa ni Carl nang magtangka syang magsalita ulit. Kahit kalian talaga ay napakachismosa ng taong to. Inaamin kong gusto ko rin malaman ang namamagitan sa kanila ni Kuya pero ayoko namang ipilit na magsabi sya gayong halata naming hindi pa sya handa. “Kung hindi mo pa kayang mag-open sa amin okay lang.” Nakangiting saad ko. Wala namang ibang nagawa ang dalawa kundi sumang-ayon sa akin. Nakangiting tumango si Mimi at saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nakailang iling pa ako sa dalawa dahil nahahalata kong may balak ang mga ito na muling magtanong sa kanya. “Mauna na kayo. Nagpapasama pa sa akin si Amarah sa

