“Amarah!” Agad na napalingon ako nang marinig ang pagtawag sa aking pangalan. “Good morning.” Maganda ang pagkakangiti na bati sa akin ni Alexia. Halos pinatitinginan na rin kami dahil napakalayo pa nya pero sumisigaw na sya para alamng batiin ako. Sa ikinikilos nya pa lang ay nasisigurado kong kukulitin nanaman ako nito tungkol kay Alexia. Mula kagabi ay hindi na nila ako tinigilan. Kahit sabihin ko na may nagugustuhan na yung isa, umo-okay pa rin sila dahil wala pa naman nga daw karelasyon si Alex. “Bakit ba tumatakbo ka?” Tanong ko nang tuluyan syang makalapit. Humahangos na humawak sya sa aking braso at saka humugot ng malalim na hininga. “Give me his number na kasi.” Napapikit ako nang sabihin iyon ni Alexa. I knew it. Hindi na dapat ako nagtangka pang tanungin sya. “Hindi nga p

