Pagkatapos ng pasok deretso uwi na siya at may trabaho pa siya mamaya. Dahil graduating na sila kaya halos wala na siyang pahinga sa dami ng mga ginagawa niya. Pagka- uwi niya naligo siya at nagbihis lang umalis na agad. "Hello ate Salve," sabi ko sa likod niya na ikinagulat ni ate Salve. "Santisima kang bata ka, wag mo akong gulatin." saad niya. Tawa ako ng tawa dahil sa hisura ni ate Salve. Hinampas niya tuloy ako sa balikat. "Ate nakauwi na ba sila tita?" Tanong ko noong humupa na ang tawa ko. "Hindi pa naman anak," sagot din ni ate Salve. "Baka mamaya pa ang uwi ng tita at tito mo." Dumaan lang kanina dito si Mher my kinuha lang daw sa kwarto niya at umalis din agad. Kumuha lang ako ng sandwich at aalis na sana pero sinabihan ako ni ate kung kakain ba daw ako at iayos niya na ang

