Dumiretso na ako sa trabaho ko, dito lang naman malapit sa school namin isang fast food chain na nagngangalang " Barrio Fiesta", a Filipino dishes na affordable lalo na sa mga estudyante sayang din kase ang kita pambili ng mga project na kelangan ko. "Hi Annie," sabi ko isa sa kasamahan ko dito na kagaya ko ding working student. Dumiretso na ako sa locker at nagpalit maraming customer, busy sila dahil maraming mga estudyante na kumakain. "Bilisan mo Jenny maraming tao bhe" sabi ni Annie. "Andiyan na bhe, kumusta bakasyon mo sabi ko. "Ok naman, ikaw kumusta ka na...anong balita sayo? sunod sunod na tanong niya. The same as usual laging trabaho kelangan eh, sagot ko. "Ang bait bait mo talaga bhe" sabay akbay sakin. Nagtatawanan kaming lumabas, "good morning madam" sabi ko kay ma'a

