6 Months After.. Isang kaaya-ayang umaga ang sumalubong sa araw ng mga puso kung kaya't hindi maitatago ang kagalakan sa mukha ng mga taong nakapalibot sa amin. Bukod sa magandang panahon, puno rin ng bulaklak at tsokolate ang kapaligiran kaya naman hindi ko tuloy maiwasang malungkot sa aking nakikita. Tatlong araw bago ako isinugod dito sa ospital ay buong araw akong sumuka hanggang sa nawalan na naman ako ng malay. Ang araw ding iyon ang pinaka malala kung kaya't hindi na nag dalawang isip si Tokyo na dalhin ako rito sa ospital. Kung pwede lang araw-araw ay matulog lamang ako para hindi ko maramdaman ang pagkahilo at pag baliktad ng sikmura ay ginawa ko na ngunit hindi iyon maaari dahil kailangan kong doblehin o triplehin ang fluid at vitamin intakes ko para sa ikabubuti namin ni Paris

