Dumating na ang araw para sa Supramodel competition. May ilang kinakabahan, ilang masaya, at may ilang nalilito. O baka ako lang talaga ang nalilito? Dalawang araw ang makalipas ay nag kita kami ni Tokyo sa bar kung saan naganap ang good luck party para sa aming event. Noong una’y akala ko kung sino ang tinutukoy ni Gigi na gustong makipag usap sa akin. Masaya na sana ako sapagkat buong akala ko ay may agency ng interesadong kumuha sa'kin ngunit halos malaglag ang aking panga ng makilala ang kasama ni Miss Cora. Hindi kagaya sa'kin ay kalmado lamang si Tokyo na sumulyap sa aking direksyon sabay tungga ng kaniyang alak. Nag excuse na rin si Miss Cora sa'min kaya naman kaming dalawa nalamang ang naiwan sa VIP table. “Paanong?..” “Don't ask me. This is purely coincidence. Again. Have a seat

