Hindi rin pala madali ang pagiging modelo. 'Yan ang napagtanto ko habang nagsasanay kami para sa Supramodel. Noon, akala ko basta lumakad ka lang sa entablado ay okay na pero hindi pala. May mga techniques pa palang kailangang malaman kung paano ang tamang pag lalakad, paano ang tamang pag project sa camera, paano manamit, at higit sa lahat paano pahalagahan ang sarili. “Hello? Baby? Are you still with me?” “Haah? Oo naman.” “Anong huling sinabi ko?” “Tungkol sa boyfriend mo?” “Tama pero ano specifically ang sinasabi ko tungkol sa boyfriend ko?” “Ah.. ano..” “Baby naman eh. Lalo tuloy akong nalulungkot. Hindi mo pala ako pinakikinggan.” Sabay iyak ni Gigi at tungga ng iniinom niyang alak. Andito kami ngayon sa bar ng isang hotel kung saan may inorganize na party ang Supramodel. Par

