“Hi, can I sit here?” Nag angat ako ng tingin at bahagyang nagulat ng matagpuang nasa aking harapan ngayon si Gigi De Leon, isa sa mga contestants ng Supramodel at may pangalan na sa pageantry world. Bagama’t nataranta ako kung kaya’t napatayo pa ako saka pumayag. “Thank you.” Ngumiti siya sa'kin at sabay na kaming naupo. Matapos ang aming personality development workshop ay dinala naman kami ng organizers ng Supramodel sa isang restaurant kung saan puro healthy food ang menu. Bagama’t bantay sarado ang aming diet kung kaya't puro gulay at prutas lamang ang aming kinakain ngayon. Buti nalang at hindi na bago sa'kin ang ganitong diet sapagkat noong nasa Japan pa ako ay halos ganito rin ang aking kinakain dahil hindi pwedeng dumagdag ang aking timbang. “Baby, right?” “Opo Miss Gigi.” “

