Tatlong araw ko ng napapansin ang kotseng asul na palaging naka park malapit sa bahay ng mga Uchida at sa tatlong araw na iyon ay ni hindi ko pa nakikita ang driver o nag mamay ari ng kotse. Kahit nga siguro ang mga tao rito kapareho ko ring binabalot ng kyuryosidad dahil hanggang ngayon ay panay lingon pa rin ang mga dumadaan sa magarang kotse.
Nasa garden ako ng tumunog ang aking cellphone at nakitang tumatawag si Jenna kung kaya’t sinagot ko kaagad para na rin mag tanong kung siya ba ang nag padala ng mga gulay at prutas noong isang araw.
“Baby!”
“Oy girl. Kumusta?”
“Okay naman. Heto kumakain ng mansanas na isinawsaw sa patis. Ikaw, kumusta ka na?”
Parang nangasim tuloy ang aking dila ng marinig ang kinakain ni Jenna. Dalawang buwan na siyang buntis at sinong mag aakalang nagka hulugan ng loob si Jenna at Seijuro kaya kahit si Jenna ay wala na rin sa night club. Wala naman daw sa kaniyang problema tutal ayaw na rin naman siyang pag trabahuhin ni Seijuro kaya full time housewife na siya ngayon. Muntik pa nga akong mag tampo sapagkat hindi man lang niya ako inimbitahan sa kanilang kasal pero naintindihan ko naman kalaunan dahil ang kwento niya noon ng malaman nila ni Seijuro na buntis siya ay kaagad nag patawag si Seijuro ng abogado para ikasal din sila sa araw ding iyon mismo. Biglaan man ang mga pangyayari pero masaya ako sa kalagayan ngayon ni Jenna.
“Okay din naman ako. Siya nga pala, may itatanong ako sa'yo bago pa man lumalim ang chikahan natin. Ikaw ba ang nag padala ng gulay at prutas dito sa bahay ng mga Uchida?”
“Hindi. Hindi ko alam ang bahay ng pinag tatrabahuhan mo ngayon. Ang alam ko lang ay ang address niyo ng magaling mong jowa. Bakit mo natanong?”
“May nag deliver kasi rito noong isang araw. Nagulat pa nga ako kasi buong pangalan ko mismo ang nakasulat sa recipient.”
“Oh.. Ay syete Baby. Baka meron ka na namang stalker? Nawala na nga si Genji, may pumalit naman.”
“Naku, huwag naman sana.”
“Sana nga lalo na't hindi na kayo mag kasama ni Tokyo.”
Tumigil ang aking mundo ng marinig ang pangalan niya ulit. Matapos umalis ni Tokyo para makipagkita sa kaniyang mama ay hindi ko akalaing 'yon na rin pala ang huli naming pagkikita. Ang tanging bumalik nalamang noon sa resort ay si Seijuro para sunduin ako at ilayo sa lugar na 'yon. Naalala ko pang nakikipag matigasan ako noon kay Seijuro na hindi ako aalis hangga’t hindi ko nakikita si Tokyo ngunit si Tokyo na raw mismo ang nag utos sa kaniyang ilayo na ako dahil wala na si Genji. Ligtas na raw ako at pwede na raw akong makapag bagong buhay dito sa Japan. Nag aalangan man ay huminga ako ng malalim at saka nag lakas loob na mag tanong kay Jenna kung may balita ba siya kay Tokyo.
“Maayos naman siya. Minsan dumadalaw dito. Siya nga ang nagdala nitong mga mansanas na kinakain ko ngayon eh.”
“Talaga ba? Mabuti naman pala kung ganoon.”
“Minsan din may kasama siyang babae pag pumupunta rito.”
Biglang may tumusok sa aking puso ng marinig na may iba siyang kasamang babae. Alam kong hindi ko dapat 'to nararamdaman ngunit tinatrydor ako ng aking puso. Isa pa, pakiramdam ko parang pagtataksil ito kay Junno dahil siya ang aking nobyo. Naguguluhan ako.
“Oy girl, ba't hindi ka nag sasalita riyan?”
“Ay sorry. May naisip lang. Anong sabi mo nga ulit?”
“Ang sabi ko mabuti nalang talaga hindi siya nakulong. Napatunayan naman kasi ng kampo nilang walang kasalanan si Tokyo sa pag kamatay ni Genji. 'Yun nga lang, suspended ang lisensya niya at may binayaran silang multa dahil sa over speeding.”
“Teka, tama ba ang narinig ko? Muntik siyang makulong?”
“Oo. Pero huwag mo sabihin kay Seijuro na sinabi ko sa'yo ah. Si Seijuro lang naman ang nagkwento sa'kin na ayaw ipasabi sa'yo ni Tokyo kung bakit hindi na siya nag pakita sa'yo noon.”
“Ah ganoon? Ang unfair niya.”
Nakakasama ng loob. Bakit kailangan niyang solohin ang problema na 'yon eh hindi naman sana siya madadamay kung hindi dahil sa'kin? Nakakainis. Nag paalam na si Jenna matapos ang matagal naming chikahan dahil pauwi na raw si Seijuro. Baka maabutan siyang chinichismis sa'kin ang mga nalaman niya at malalagot daw siya.
“Medyo hindi ko pa man feel mag pa breastfeed ngayon.”
“Haah? Wala pa nga ang anak ninyo may breastfeed kaagad?”
“Ay naku Baby. Hindi sa anak namin, Si Seijuro. Pag may nagawa kasi akong hindi niya nagustuhan nireresbakan niya sila Julio at Julia.”
Napailing nalamang ako sa nalaman pero natawa rin bago nag paalam kay Jenna. Dahil malapit na rin lumubog ang araw ay dumiretso na ako ng kusina para ipag handa ng hapunan sila Mr. at Mrs. Uchida. Pinadalhan pa nga ako nila ng niluto ko para raw sa'min ni Junno.
“Mata ashita.”
Kumaway ako sa mag asawa na parehong nasa pinto at nakangiti sa'kin bago ko isinarang maayos ang kanilang gate. Nang lumingon ako ay saktong may pumasok sa asul na kotse ngunit dahil mabilis lamang ito ay hindi ko nakita ang mukha pero at least ngayon ay alam kong lalaki ang may ari ng kotse. Hindi ko na 'to pinansin pa dahil nag madali na akong umuwi para makakain na si Junno. Ang kaso pag dating ko sa apartment ay nakaalis na siya.
“6:30 palang ng gabi. Ang aga na naman niya.”
Sa mga nag daang araw, kung hindi siya maagang umaalis ay huli naman siya kung umuwi. Nang minsang tanungin ko siya kung bakit maaga o huli siyang umuuwi ay nagalit pa siya. Hindi nga raw niya ako pinapakialaman kaya huwag ko raw siyang pakialaman. At muli, nanahimik nalamang ako. Kung sasagot kasi ako sa kaniya ay wala ring patutunguhan dahil kilala ko si Junno. Sarili niya lang ang kaniyang pinapakinggan. Pero dahil nag aalala pa rin ako sa kaniya na baka hindi pa siya kumakain kaya lumabas akong muli ng apartment at nag tungo sa bar kung saan siya nag tatrabaho. Ihahatid ko lang 'tong pagkain niya tapos uuwi na rin ako para makapag pahinga. Pagkarating sa bar ay nakilala naman ako ng mga katrabaho niya kaya agad nila akong pinapasok. Halos mga Pinoy din ang mga nandito kaya kahit papaano ay panatag akong hindi nila pababayaan si Junno.
“Asan si Junno?” Tanong ko sa isa sa mga bouncers ng bar.
“Ang alam ko nasa dressing room. Pagkain ba 'yang dala mo Baby?”
“Oo. Niluto ko kanina. Gusto mo rin?”
“Sige ba, hindi 'yan tinatanggihan.”
“Sige. Punta ka nalang sa dressing room. Sabihan ko si Junno na tirahan ka tutal marami naman ito.”
“'Yun oh. Salamat Baby.”
Ngumiti ako sa kaniya bago dumiretso sa loob. Binati rin ako ng iba pang mga nag tatrabaho rito sa bar maging ang mga kabanda ni Junno na abala ngayon sa pag se-set up ng kani-kanilang instrumento. Nang nasa tapat na ako ng pinto ng dressing room ay may narinig akong nag tatawanan sa loob. Isa na doon si Junno pero yung isa ay boses babae kaya lumakas ang kabog ng aking dibdib. Huminga muna ako ng malalim bago pinihit ang pinto hanggang sa napaawang nalamang ang aking bibig ng maabutan kong nakaupo sa kandungan ni Junno ang kabanda niyang si Larissa. Kiliting-kiliti si Larissa habang abala si Junno sa pag halik sa leeg nito at panay himas pa sa pwet ni Larissa. Dahil sa hindi inaasahang tanawin ay nabitawan ko ang dala kong pagkain na nag patigil sa ginagawa nilang dalawa.
“Baby..” Tumayo agad si Junno na muntik pang ikahulog ni Larissa subalit kaagad na akong tumalikod at nag lakad paalis.
“Baby, sandali..”
Ang lakad ko ay unti-unti ng napalitan ng pag takbo lalo na ng marinig kong bumilis ang yabag ni Junno. Maging sa loob ng bar ay natigil ang mga tao ng tawagin akong muli ni Junno ng pasigaw.
“Baby! Mag usap tayo.”
“Wala na tayong pag uusapan Junno.”
Nakalabas man ako ng bar ngunit ang pagkakataon nga naman ay umuulan pa. Sumasabay din siya sa pag agos ng aking mga luha. Nanatili lamang si Junno malapit sa entrance ng bar at pilit akong pinapalapit sa kaniya subalit nanatili lamang ako sa labas at patuloy na pinapaliguan ng ulan.
“Halika na rito Baby. Magkakasakit ka sa ginagawa mo, malaking problema pa 'yan.”
“Wow, ako pa pala ngayon ang malaking problema? Hayop ka! Pagkatapos ng lahat ng sakripisyo at pag mamahal ko sa'yo, gagaguhin mo lang pala ako. Mang gagamit ka!”
Wala na akong paki alam kung anong sabihin o isipin ng ibang tao sa akin ngayon. Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Kaya lalo lamang bumuhos ang aking mga luha kahit natatakpan ito ng ulan.
“Baby, halika na sabi rito. Huwag kang mag eskandalo. Nakakahiya.”
“Putang ina mo! Ngayon ka pa talaga nahiyang hayop ka.”
Dahil sa pag mamatigas ko kung kaya’t napilitan si Junno na mag pa-ulan at hinawakan kaagad ang aking braso para hilahin papasok ng bar. Ngunit nagulat nalamang ako ng biglang may humapit sa akin palayo kay Junno kaya naman napabitaw si Junno sa akin. Parang nangyari na 'to.. Hindi, nangyari na talaga 'to.
“You okay Baby?”
At kagaya ng dati ay nakangiti na naman ang lalaking 'to sa akin bago tinapunan ng nakamamatay na tingin si Junno.
“Tokyo?”
“Yes Baby ko?”
Hindi ako makapaniwala na nandito na siya. Kung kanina ay naiyak ako dahil sa sakit na dulot ni Junno ngayon ay napalitan na ito ng saya ng masilayan ko siyang muli.
“Sino kang gago ka? Huwag kang makikialam sa away naming mag syota.”
Singhal ni Junno ng makabawi sa pagka gulat ng dumating si Tokyo. Pero imbes na magalit ay ngumisi lamang si Tokyo kay Junno bago ako muling hinarap.
“Close your eyes Baby.”
Ang bilis ng pangyayari. Hindi ko pa man naisasarado ng tuluyan ang aking mga mata kagaya ng utos niya ay natagpuan ko nalamang ang sarili ko na nakalapat na ang mga labi sa labi ni Tokyo. Ramdam ko ang pagkurba paitaas ng kaniyang mga labi bago niya isinara ang kaniyang mga mata at tuluyang inangkin ang aking mg labi. Ewan ko ba pero bigla nalamang ako nakaramdam ng mga paru-paro sa tiyan kaya ipinikit ko na rin ang aking mga mata at dahan-dahang tumugon sa mga halik ni Tokyo.