11

1756 Words
3 Months Later... Isinarado kong mabuti ang pinto ng apartment at iniwang mahimbing na natutulog si Junno saka nag punta kila Mr. and Mrs. Uchida. Sa kanila ako pansamantalang nag tatrabaho bilang housekeeper habang inaasikaso nila Mamang Beauty ang papeles ko na mahanapan ng panibagong trabaho rito sa Japan. Hindi na kasi ako pwedeng bumalik sa Birds of Paradise. Matapos ang insidente tatlong buwan ang nakalilipas, bukod sa aksidenteng pagkamatay ni Genji ay nalaman din nila ang pag sama ko kay Tokyo. Masakit man daw na pakawalan nila ako ngunit kailangan dahil lumabag ako sa patakaran ng night club. Naiintindihan ko naman kung bakit kailangan nilang gawin 'yon at laking pasasalamat ko nalang din sapagkat tutulungan daw nila akong mahanapan ng panibagong trabaho. Alam nila na kailangan kong kumayod at hindi pa ako pwedeng umuwi ng Pilipinas. Isa pa, kararating lang ni Junno dito sa Japan last month. Nagulat pa nga ako ng biglang tumawag siya sa'kin matapos ang dalawang buwan na hindi pag paparamdam. Ang sabi niya ay naging abala raw siya sa pag papadali ng papeles niyang makapunta rito kaya nawalan daw siya ng oras para kausapin ako. Nasaktan man ako dahil kahit isang tawag lang sana para kumustahin ako ay hindi niya nagawa ngunit mas pinili ko nalamang na hindi mag salita dahil ayoko ng mag away pa kami. Wala na rin akong balak pang sabihin sa kaniya ang nangyari sa'kin dahil wala ng saysay kung malaman niya pero alam niya na wala na ako sa night club. ‘Yun nga lang, wala siyang alam kung anong rason ba't ako umalis o napaalis at sa tingin ko’y mukhang wala rin siyang balak alamin. Nakarating ako sa bahay ng mga Uchida at as usual ay naabutan kong nag didilig ng halaman si Mrs. Uchida samantalang si Mr. Uchida naman ay nakatayo sa may pinto at pinapanood ang kaniyang asawa. Kahit na matatanda na sila ay kitang-kita pa rin sa kanilang mga mata kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Yung tipong mapapa sanaol ka nalang. “Ohayou Gozaimasu!” “Ohayou Gozaimasu.” Sabay na nakangiting bati sa'kin ng mag asawa. Hindi ko pa man naibababa ang aking mga gamit ay kinuha ko na ang maliit na lagadera kay Mrs. Uchida. “Didn't I tell you to wait for me?” “She is stubborn Baby. I am trying to stop her but she won't listen.” Sumbong sa'kin ni Mr. Uchida na halatang nag aalala sa kaniyang asawa. Kagagaling palang kasi sa lagnat ni Mrs. Uchida. Mabuti nalang at wala siyang virus kaya mga tatlong araw lamang ay gumaling na siya. Kinailangan ko pa noon matulog muna rito sa kanila para mabantayan siya dahil hindi naman pwedeng mag puyat si Mr. Uchida. Ngumiti lamang ng alanganin sa'kin si Mrs. Uchida bago hinubad ang kaniyang gardening gloves. “I'm sorry Baby. I just want to help.” “It's okay Mrs. Uchida. You can help of course but not now. You need to recover first and when you are okay already, we can take care of your plants again.” “Hontou?” “Hai, hontou desu. Yakusoku.” “Domo.” Pagkatapos maiabot sa'kin ni Mrs. Uchida ang kaniyang gardening gloves para raw magamit ko ay pumasok na ang mag asawa sa loob ng bahay para mag tsaa. Ako naman ay nag simula na ring mag trabaho. Abala ako sa pag didilig at pag tatanggal ng tuyong dahon ng mapansin ko ang isang asul na kotse na nakaparada malapit lamang dito. Paanong hindi mapapansin ang kotse eh ang gara-gara. Kahit nga yung mga dumadaan ay hindi rin maiwasang mapalingon. Ewan ko rin ba pero pakiramdam ko ay parang may nakatingin sa aking direksyon mula sa loob ng kotse o pwedeng guni-guni ko rin lang dahil hindi pa ako nag aalmusal. Nakapag luto naman ako bago umalis ng apartment pero dahil mahuhuli na ako kaya hindi na ako kumain. Pinag walang bahala ko nalamang ang aking kutob at isiniksik sa aking kukote na dala lang ng gutom ang aking iniisip. Sino pa bang mang iistalk sa'kin? Wala na si Genji. “Baby, koko ni kite kudasai.” “Hai.” Tinapos ko ang aking pag wawalis saka nag punta sa pinto ngunit bago ako pumasok ay nilingon kong muli ang asul na kotse pero wala na ito. Nag kibit balikat nalamang ako bago tuluyang pumasok. Sa loob ay amoy na amoy ang miso soup na niluto ni Mrs. Uchida. Naabutan ko ang dalawang matanda na naka upo sa hapag kainan at mukhang hinihintay din nila ako. “Yes Mrs. Uchida?” “Come here. Eat.” “Oh. It's okay. I'm still full.” “No no. Eat first Baby.” Itinuro nila ang upuan kung saan ako uupo at nakita kong may nakahanda na rin doong pagkain. Bukod sa miso soup, meron din kanin, itlog, vegetable salad, inihaw na isda, natto, at fresh orange juice. Traditional na almusal ng mga hapon kaya naman mas nakakahiyang hindi ko kainin ang inihanda nila lalo na't pinag hirapan ata nilang dalawang lutuin ang mga pagkain. Sakto pang tumunog ang aking tiyan kaya nag katawanan kaming tatlo bago ako lumapit sa hapag kainan para sabayan sila. Habang kumakain ay panay kwento rin ang mag asawa sa'kin ng napanuod nilang sitcom kagabi. Kapag hindi ko naiintindihan ang nabibitawan nilang salita sa nihonggo ay nag tatanong ako at sinasalin naman nila sa Ingles. Buti nalang at marunong din sa Ingles ang mag asawa bagama't parehong propesor ang dalawa noon sa isang tanyag na unibersidad dito sa Osaka. Propesor din ang isa sa anak nila pero nakabase ito sa Tokyo samantalang ang isang anak naman nila ay nasa ibang bansa at nag tatrabaho bilang researcher. “Oishi desu ka?” “Hai, oishi desu.” “Yokatta.” Bagama’t malayo ang mga anak kaya siguro parang anak na rin kung ituring ako ng mag asawang Uchida kaya nag papasalamat ako sa kanila. Matapos naming kumain ay inilagay ko na sa lababo ang mga pinagkainan at nag simulang mag hugas. Patapos na ako sa pag huhugas ng tumunog ang doorbell kaya naman nag presinta akong ako na ang lalabas. Pagkalabas ko't pagka lapit sa gate ay nakita kong may delivery ng sariwang mga gulay at prutas na aking ipinagtaka dahil wala naman sinabi sa'kin ang anak ng mag asawa na may ipapadala sila ngayon. Tinanggihan kong kunin ito at sinabing wrong address ngunit ipinakita sa'kin ng lalaking mag dedeliver ang record nila kung kaya’t nagulat ako ng makita ang aking buong pangalan. To: Billie Jean Rosas From: Old Friend Old friend? Si Jenna ba 'to? Wala naman siyang sinabi sa'kin na mag papadeliver siya at bakit dito sa bahay na 'to? Paano niya nalaman ang address ng mga Uchida? Weird. Wala na akong nagawa kaya pumirma nalamang ako't tinaggap ang delivery para sa akin. Sakto, bukod sa ipagluluto ko ng tinolang manok ang mag asawa, dadagdagan ko na rin ng chopsuey para matikman nila ang mga luto sa Pilipinas. Matagal na nila akong kinukulit na ipag luto sila ng pagkaing Pinoy kaya ngayong araw mismo ay tutuparin ko ang kahilingan nila. Maging sila Mr. and Mrs. Uchida ay nag taka rin sa mga gulay at prutas na dumating. Sinabi ko nalamang na pinadala ng kaibigan ko para sa kanila ng sa ganoon ay lumakas ang kanilang resistensya. “And to make you more beautiful and handsome.” Muli ay nag tawanan kami at ganoon nga ang nangyari, matapos kong makapag linis ng bahay ay ipinagluto ko sila ng tinolang manok at chopsuey. Naparami nga ang niluto ko kaya ibinilin sa’kin ng mag asawang huwag na raw akong mag luto ng kanilang hapunan at ilagay ko nalamang daw sa container para imicrowave nalamang daw nila mamaya. Laking tuwa ko rin ng nasarapan sila sa aking mga inihanda at naparami pa sila ng kain. Ipagluto ko pa raw sila ng iba pang pagkaing Pinoy na sinangayunan ko naman. Bandang ala sais na ng gabi ng mag paalam ako sa kanilang dalawa. Nag bilin ulit ako sa kanila na kapag may emergency ay tawagan ako kaagad tutal hindi naman masyadong malayo ang apartment namin ni Junno sa bahay nila. Pagkalabas ng gate ay napansin ko ulit ang asul na kotse na nakaparada sa parehong lugar kung saan ito nakaparada kaninang umaga. “Baka may bagong salta lang dito.” May house for rent kasi sa tabi lamang ng bahay ng mga Uchida kaya baka ang nag mamay ari ng kotse na 'to ay ang bagong nakatira sa kabila. Ang kaso wala namang ilaw sa loob. Hmm.. “Siguro may dinaanan lang.” Nag simula akong mag lakad pauwi sa'min at bago umuwi ay dumaan muna ako sa convenience store upang bumili ng bento box para hapunan namin ni Junno. Hindi na kakayanin ng oras kung mag luluto pa ako dahil dapat nasa bar na si Junno ng alas siyete ng gabi. Pagkagaling sa convenience store ay dirediretso na ako sa aming apartment. “Mahal, pabukas.” “Teka lang.” Rinig ko sa labas ang mabibilis na kilos at yabag ni Junno kaya naman hindi ko maiwasang mag salubong ng kilay. Nang pag buksan niya ako ay hingal at pawisan pa siya na lalo kong ipinagtaka. “Ba't parang nag marathon ka?” “Haah? Hindi ah. Nag linis lang ako. Alam ko namang pagod ka sa trabaho mo kaya ako na ang nag linis muna.” “Ah. Sige. Kain na tayo.” “Sige.” Hahalik sana ako sa kaniyang pisnge ngunit agad siyang umiwas at nag tungo sa kusina. Simula ng dumating siya rito sa Japan ay ibang-iba na siya. Kakausapin niya lang ako kapag may kailangan siya. Kapag day off ko naman ay umaalis siya at kapag tatanungin kung saan siya pupunta ay gusto niya lang daw maging pamilyar sa lugar. Hindi na rin siya sweet sa'kin. Hindi ko siya maintindihan sa totoo lang. “Baby, asan na ang pagkain?” Kaagad kong pinunasan ang aking mga luha bago nag tungo sa kusina. Tahimik lamang kaming kumakain hanggang sa nauna siyang natapos at nag handa para sa trabaho. Matapos makapag handa ay umalis na siya ng walang paalam na para bang hangin lang ako na kaniyang dinaanan. Pagkalapat ko ng pinto at makapag lock ay doon nag simulang muli mag unahan ang aking mga luha. Sa mga panahong ganito, bukod sa parang gusto ko nalamang bumalik sa Pilipinas, nakakaramdam din ako ng pangungulila. Pangungulila hindi mula sa aking pamilya pero pangungulila mula kay Tokyo. “Namimiss na kita Tokyo...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD