Tokyo's P.O.V:
After securing the seatbelt, I start the engine of my car and music automatically begins to fill the surrounding before I drive to Tokyo to meet my mom.
(B.M: Put it on me by Austin Mahone ft. Sage the Gemini)
Simula pa kaninang umaga ay bigla-bigla nalamang akong ngumingiti kahit mukha na nga akong tanga sa harapan ng mga staff namin sa hotel. Yung iba ngumingiti rin pabalik at yung iba naman ay umiiwas kapag nakikita ako. Hindi ko alam ba't ang saya-saya ko ngayong araw kahit alam ko namang hindi sinasadya ni Baby na mapayakap sa'kin kanina. Kahit ako ay nagulat din ng makitang nakapulupot na ang braso niya sa'kin at naka hilig pa ang ulo sa aking dibdib. Plano ko sana kaninang mag jogging pero dahil ayokong istorbohin ang tulog niya kaya hinayaan ko nalamang siya. Ang problema nga lang ay nang gumising siya at nakita ang pagmumukha ko maging ang posisyon namin ay kaagad niya akong itinulak rason para mahulog ako sa kama. Hindi niya na rin ako kinausap hanggang sa naka alis ako.
“Girls.”
Napailing nalamang ako but still, I am smiling again like an idiot. Mukhang mas mahaba-habang suyuan ang mangyayari ngayon lalo na't sariwa pa sa kaniya ang iniwan kong marka sa kaniyang hita. Kahit na napatawad na niya ako kagabi alam ko na mauungkat at mauungkat na naman iyon kapag nagkausap na kami. Pero bakit ko nga ba siya susuyuin in the first place? I didn't do anything wrong as far as I can remember. Jeez, what's happening to me? Napapansin ko simula ng makilala ko si Baby may mga bagay akong nagagawa kahit hindi ko naman ginagawa noon. Hindi naman sa nag rereklamo ako bagkus parang nagugulat nga ako sa sarili ko na kaya ko palang maging ganito at ganiyan.
Tanghaling tapat ng makarating ako sa Minato City sa Tokyo kung saan located ang paboritong restaurant ni Mama. Inaayos ko palang ang pagkaka park ng sasakyan ko ng makilala si Brian sa hindi kalayuan. This time ay nakilala ko na siya kaagad kahit nakasuot siya ng face mask. Nasa labas siya ngayon at mukhang may tinatawagan kaya naman kaagad akong tumingin sa aking cellphone ng makita itong nag ring.
“Hello Sir.. I mean, Tokyo. Nasaan ka na raw sabi ng mama mo?”
“You can't see me but I can see you.”
Inilibot ni Brian ang kaniyang paningin hanggang sa natagpuan niya ang aking sasakiyan kaya pareho na naming pinutol ang tawag. Nag suot din muna ako ng face mask bago bumaba ng kotse at nag lakad palapit sa restaurant.
“Why so serious Brian?”
“Hindi ka na talaga nag babago. Maloko ka pa rin. Pumasok ka na.”
Pagkapasok namin sa restaurant ay naka social distancing din ang mga mesa at upuan. Nakapunta na ako sa restaurant na 'to ngunit ngayon ay pansin kong nilimitahan din nila ang pwedeng kumain dito para na rin siguro sa kaligtasan ng lahat. Well, better to follow safety protocols than to totally close the business.
“Tokyo, anak!”
Itinaas ni Mama ang kaniyang kamay at tinawag ako para paupuin sa upuang katapat niya. Nang makalapit ay hahalik na sana ako sa pisnge niya subalit pinigilan niya ako dahil bawal daw muna kung kaya’t naupo nalamang ako.
“Oh my god anak, mabuti nalang at naisingit mo ako sa schedule mo. Sa wakas.”
“Syempre naman. Ikaw pa ba Ma.” Biglang nangunot ang noo ni Mama kaya nagtaka ako kung may masama ba akong nasabi.
“Tokyo, may sakit ka ba?”
“Wala po. I feel good. Why?”
“I don't know. You seem different. But in a good way.”
“Huh? I don't understand Ma.”
“Dati ayaw mong kumakain sa labas kasama ako. Tapos ngayon parang ang aliwalas ng awra mo.”
“Talaga? Hindi ko pansin.”
“Mag aasawa ka na ba anak? Sinasabi ko na nga ba, balang araw ay mag babago ka rin. Sinagot na ng Diyos ang panalangin ko.”
“Ma! Stop. You’re overthinking again.”
“Nagbibiro lang naman.”
Sabay inom ng tea niya ngunit nasa mukha pa rin niya ang kagustuhang makapag asawa na ako at pagkakataon nga naman ay biglang nag pop up sa isip ko ang mukha ni Baby.
“s**t!”
“Tokyo Lee!”
“Sorry. By the way ma, how's Papa?”
“Maayos naman ang Papa mo. May katigasan nga lang ang ulo pero napag sasabihan naman. Hindi pa raw niya oras kaya sinisikap niyang mag pagaling agad lalo na't mag isa ka lang namamahala ngayon sa kumpanya.”
“I see. Huwag niya na muna kamong isipin ang kumpanya. Ako na ang bahala.”
“Sigurado ka ba anak? Dalawa ang pinapatakbo mong kumpanya. Yung sa'yo at ang kay Papa mo. Kung kailangan mo ng tulong sabihin mo lang sa'kin. Your Papa is willing to help also.”
“I'm okay. I can manage. Besides, sooner or later magiging parte rin naman talaga ako ng kumpanya ni Papa. Laking pasasalamat ko talaga sa inyo na pinayagan niyo akong mag tayo rin ng sarili ko in line with my passion.”
“Ano ka ba, syempre kung saan ka masaya susuportahan ka namin. You are our unico hijo. Sa katunayan nga, pinag aralan muna ng Papa mo kung papatok ba ang kumpanya mo sa Pilipinas.”
“Really?”
“Oo. Mukhang okay naman kaya pumayag din siya.”
“Wow. I owe him big then.”
“Kaya sana pag isipan mo rin ang kagustuhan namin para sa'yo. Para naman iyon sa ikabubuti mo.”
Hindi mo ba talaga nakikita ang sarili mo na magiging padre de pamilya ka balang araw?
Pero kung ikaw man si Junno ay hindi pa rin pwedeng maging tayo kasi ayaw mo nga ng commitment.
Oo nga, ayoko sa commitment bumuo pa kaya ng pamilya? But on the other hand, hindi ko maintindihan kung bakit habang tumatagal ay nag iiba ang pananaw ko sa mga bagay-bagay and that all started when Baby starts staying with me. Kahit si Amber ay nag sisimula na ring pag dudahan ako kaya naman kinikilabutan tuloy ako ngayon. Pinipilit kong iwaksi sa isipan ang pag aasawa ngunit.. ano ‘tong nag lalarong lazer sa noo ni Mama?
“Ma, get down!”
Nag madali ako sa tabi ni mama saka siya kaagad na pinadapa. Saktong pag dapa namin ay may tumagos na bala sa glass window ng restaurant kung kaya’t niyakap ko ng mahigpit si mama.
“Anak, anong nangyayari?”
“Hindi ko alam ma. Brian!”
Nanatiling naka dapa lamang si mama habang tinatawag ko si Brian. Nang makarating si Brian sa posisyon namin ay ibinilin ko si Mama sa kaniya bago nag madaling tumayo.
“Saan ka pupunta anak?”
“I'm gonna catch that bastard. Brian, stay with Mama and call the police.”
“Copy Tokyo.”
Tinatawag pa ako ni Mama ngunit binilisan ko na ang aking kilos upang makalabas ng restaurant. Sa labas ay agad kong tiningnan ang lugar kung saan nanggaling ang bala.
“Where do you think you're going dickhead?”
Tumakbo ako papunta sa sasakiyan ko't sumakay saka hinabol ang sasakiyang kapareho ng nakita ko sa CCTV sa resort. Jeez, bukod pala sa akin ay maging ang magulang ko ay gusto ring idamay ng walang hiyang stalker ni Baby. This guy is good to be honest. Ilang linggo na namin siyang sinusubukang i-track pero malinis at walang bakas ito ng ebidensya. But not this time, I'm gonna make sure that I'll catch him no matter what.
While chasing the car, my phone suddenly rings and see Seijuro’s name. Tinawagan pala siya ni Brian kaya nalaman niya ang nangyari kanina sa restaurant at on the way na rin daw siya para back up ko.
“Nakikita mo ba Tokyo ang plate number ng kotse?”
“Hindi nga. The bastard's fast. I'm still trying to catch up.”
“Try harder. I need the plate number so I can I give it to Kotaro now.”
“Fine.”
This would be fun. Napangisi ako at diniinan ang gas pedal upang makahabol sa sasakiyan. Also, hindi rin ako nag kamali ng prediction. Tatlo na kami ngayong nag hahabulan. Me chasing the suspicious car and there’s the police chasing me but I don't care about the police right now. I can deal with them later. Nang makalapit na ako sa aking hinahabol ay nakikita ko na ang plate number ng kotse.
“Seijuro, I can see it now.”
“Konnichiwa Tokyo-nii chan.”
Nasa three-way call na pala kami ngayon nila Seijuro kung kaya’t narinig ko na rin ang boses ni Kotaro. Binasa ko sa kanila ang plate number and within two minutes ay nahanap kaagad ni Kotaro ang nag mamay ari ng sasakiyan.
“The car belongs to the Yamamura's.”
“Sinasabi ko na nga ba Tokyo, si Genji ang hinahabol mo ngayon.”
“Diba sabi mo racer 'to?”
“Oo. Naka on ba ang GPS mo?”
“Yes.”
“Good. Sinusubukan na rin ni Kotaro na itrack kayo. For the meantime tatawagan ko na ang Uncle niyan ng matigil na ang kahibangan.”
“Yeah do that lalo na ngayong hinahabol din kami ng mga pulis.”
“Haha! Damn, I can't wait to be there. Hindi kompleto ang pelikula kapag wala ang bida.”
“Gago. Sige na, mamaya nalang.”
Matapos ang pag uusap namin ay tiningnan ko sa rearview mirror kung nakabuntot pa rin sa amin ang mga pulis. Mukhang napag iiwanan na sila kaya naman sinubukan kong bilisan pa ang pag mamaneho hanggang sa halos naka dikit na ang sasakiyan ko sa sasakiyan ng walang hiyang Genji. Subalit humiwalay din ako kaagad sapagkat..
“Fucker! Watch out!”
Walang tigil ang kotse ni Genji kahit na naka pula ang traffic lights kung kaya’t sa isang iglap ay lumipad sa ere ang kaniyang kotse hanggang sa paulit-ulit itong gumulong sa kalsada. Nasira rin ang harapan ng truck na nakabunggo sa kaniya at sa tingin ko sugatan din ang driver ng truck. Hindi nag tagal ay nakahabol na ang mga pulis sa amin kaya naman bumaba na ako upang isuko sana ang aking sarili ngunit mas pinag tuonan nila ng pansin ang aksidenteng nangyari. And there, I feel trembles in my hand until it radiates throughout my body. Although I know it was clearly an accident but my conscience keeps on telling me that I am responsible.. that I just killed a man on this very day.