9

1880 Words
“You don't like it?” Tanong sa akin ni Tokyo. Kasalukuyan akong nag hahanap ng pamalit mula sa paper bags. Lahat ay maganda kaya nga hindi ko alam kung anong isusuot ko pansamantala habang pinapatuyo ang t-shirt at shorts kong nabasa. “Nagustuhan ko. Ikaw ba ang pumili nito?” “Nah. Krista chose it.” Hindi na nakapagtataka kung bakit ganoon nalamang ang pag tataray niya sa akin kanina. Nang medyo natatagalan na ako sa pag pili ay si Tokyo na mismo ang kumuha at pumili para sa akin. Napili niya ang isang puting summer dress at yellow bikini saka niya ito iniabot sa akin. “Salamat.” “You're welcome. Go change now.” Tinulak-tulak pa niya ako papasok sa isang kwarto para makapag palit. Pagkapasok ko ay ini-lock ko muna ang pinto bago pinagmasdan ang loob ng kwarto. Isang twin size na kama, aparador, at isang malaking salamin lamang ang nandito kaya naman nang mag simula akong mag hubad ay kitang-kita ko ang aking sarili. Ewan ko ba at parang nakaramdam ako ng hiya ng makita ang sariling repleksyon na walang saplot sa salamin. Para hindi ako mauwi sa pag iyak ay kaagad na akong nag bihis at lumabas ng kwarto. Sa labas ay nakita ko namang nakapag palit na rin ng swimming attire si Tokyo. Isang pinag halong yellow at white board shorts ang kaniyang suot ngunit wala siyang suot pang itaas kaya yung hiya ko kanina ay tuluyan ng lumabas ngayon lalo na't tumambad sa aking mga mata ang kaniyang well-toned muscles at abs. Kasalukuyan siyang nag lalagay ng sunblock at ng makita ako ay tinawag niya ako't pinalapit. “Will you look at that? I am absolutely right, you are 34-23-35.” “Paanong..” “Don't ask. You don't wanna know. Anyway, would you mind putting sunblock on my back please?” Iniabot niya sa akin ang hawak niyang sunblock kaya kinuha ko ito saka nag lagay sa aking kamay. Ikinalat ko muna ito sa aking palad bago nilagyan ang kaniyang likod. Sinamahan ko na rin ng konting masahe para marelax siya. “Ang gaan pala ng kamay mo. Ginagawa mo rin ba 'to sa boyfriend mo?” “Minsan kapag sa bahay niya ako natutulog.” “Natutulog nga lang ba?” Makahulugang tanong niya kung kaya’t diniinan ko ang kamay ko sa likod niya rason para umaray siya't mapatayo. “Nagtatanong lang naman. Ang brutal mo.” “Ayusin mo kasi ang mga tanong mo. Sige na, pwede ka ng lumangoy.” “Ikaw? Hindi ka magpapalagay ng sunblock?” “Hindi. Kaya ko na 'to.” “Sure?” “Sure.” “Is that your final answer?” “Oo, final na.” “Hmm.. Okay. If you say so.” Nag lakad siya papuntang pinto at lumabas para mag tungo sa dagat subalit habang nag lalakad ay nakikita kong kinakausap pa niya ang kaniyang sarili. Umiling-iling nalamang ako at nag punta sa dining table saka nag simulang kumain. Mula sa dining area ay kitang-kita naman ang labas kaya nakikita ko ngayon si Tokyo na nag sisimulang mag enjoy ng sarili sa dagat. Minsan sumisilip-silip din siya rito sa loob pero patuloy lang siya sa pag langoy hanggang sa napatayo ako ng makitang palayo na siya ng palayo sa tabing dagat. “Hoy Tokyo, huwag kang lalayo.” Hindi niya ata ako narinig at kumaway lamang siya sa akin sabay sisid hanggang sa hindi ko na siya nakikita. Ilang segundo na pero hindi pa rin siya umaahon kaya naman napilitan akong puntahan na siya. “Tokyo! Huwag kang mag biro ng ganiyan. Hindi nakakatuwa.” Nangangalahati na ang aking katawan na nakalubog sa tubig pero wala pa rin si Tokyo. Nag sisimula na tuloy akong kabahan. Dalawa pa man din lang kaming nandito sa isla at walang tutulong sa amin bukod sa aming mga sarili. Tatawagin ko na sana siyang muli ngunit biglang may kumagat sa aking hita kaya agad akong umahon at nag punta sa dalampasigan. “Aray!” Bagama’t mas nakatuon ako sa nag dudugo kong hita ay hindi ko na napansin ang pag lapit sa akin ni Tokyo. “What the f**k happened?” “Tinatawag sana kita kasi hindi ka pa umaahon kaso bigla nalamang may kumagat sa'kin.” “s**t! Wala pa naman akong dalang first aid kit. Let me see.” Ibinukas ko ang aking hita ng sa ganoon ay makita niya ang sugat. Malapit kasi ito sa aking p********e kaya naman nangunot kaagad ang kaniyang noo hanggang sa nag mura siyang muli ng makita ang patuloy na pagdurugo nito. “Take off your dress Baby then tie it around your thigh. I'll just get something to clean your wound.” “Uwi na tayo Tokyo.” “Yes Baby but we'll clean your wound first before we go home.” Nagmadaling umalis si Tokyo sa aking tabi at patakbong bumalik ng beach house. Ako naman ay hinubad ang suot na beach dress at itinali sa aking hita. Wala na akong paki alam kung naka bikini lang ako ngayon basta magamot lamang ako. Pagkabalik ni Tokyo ay dala na niya ang isang bote ng alcohol, tuwalya at isang bote ng mineral water. Muli, ay naupo siya sa aking gilid at tiningnan ang sugat. “Jeez. Hindi mo ba talaga nakita kung anong gumawa nito sa'yo?” “Hindi. Nag madali na kasi akong umahon.” “I see. Anyway, just to make sure, would you like me to suck your thigh?” “Haah?” “Don't haah me. Hindi mo alam ang nakasugat o kumagat sa'yo. Who knows, baka may kamandag pala..” “Oo na, sige na. Gawin mo na basta mabuhay lang ako.” “Okay. Sure?” “Sure.” Para magamot ako ng maayos ay napag pasiyahan naming bumalik sa beach house dala ulit ang pang first aid sa aking sugat. Binuhat niya ako pabalik at pumasok kami sa kwarto na pinag bihisan ko kanina. Inihiga niya rin ako sa kama bago niya ako inutusang pag hiwalayin ang aking mga hita. “Wider Baby.” “Eh.. Hindi pa ba 'yan wide?” “No. Do you want to get better or not?” “Syempre gusto.” Ibinukas ko lalo ang aking hita bago siya lumuhod sa pagitan ko at nilagay ang kanang binti ko sa kaniyang balikat. Syete! Nakaka asiwa man ang posisyon namin ngayon ngunit kailangan gawin kesa naman tuluyang kumalat ang kamandag sa akin kung meron man. Nilinisan niya muna ang aking sugat ng mineral water bago ginawa ang kailangan niyang gawin. “Alright, here I go.” Kaagad akong napapikit ng maramdaman ko ang mga labi ni Tokyo sa aking hita na unti-unting sinisipsip ang aking sugat. Medyo masakit subalit bakit parang nag iiba ata ang aking pakiramdam? Napakapit tuloy ako sa kaniyang buhok. “Uhhh.. Tokyo.” “Hmm?” Takte! Ano ba ito? Nag mumukhang mali ang aming ginagawa kahit hindi naman. Sinubukan kong tingnan si Tokyo at saktong nakita ko ang pag hagod ng kaniyang mapupulang labi sa aking hita hanggang sa tinapos niya ang kaniyang ginagawa at tumayo upang lumapit sa bintana. Iniluwa niya sa labas ang nasipsip niya mula sa akin saka muling bumalik sa aking harapan para hugasan ang aking sugat. Hindi rin nagtagal ay nilagyan niya na ng alcohol ang aking sugat na siyang nagpaiyak sa akin dala ng sobrang hapdi. ∞∞∞ “I said I'm sorry, Baby.” Ganiyan ba ang humihingi ng paumanhin? May pangiti-ngiti pa? “Naku, kung hindi mo lang ako sinagip kanina hindi kita patatawarin.” “Yeah right. So, am I forgiven?” “Oo na.” “Yes! Thank you, Baby ko.” Matapos akong malapatan ng first aid ni Tokyo kanina ay agad na kaming bumalik sa hotel at nag patawag ng doktor na titingin sa amin. Kailangan niya rin mag patingin sapagkat baka may nakapasok din sa katawan niyang kamandag dahil sinipsip niya ang sugat ko kanina. Pareho lamang kami nakahinga ng maluwag ng malaman naming hindi ahas ang may gawa sa aking sugat. “Looking at the wound, probably a fish had bit you and luckily it's not lethal. There's no venom in your body but what I'm actually worried about is the mark around your wound. Looks like a hickey to be honest. I have no idea that a fish can also do this.” Nagpabalik-balik pa ng tingin ang doktor sa aming dalawa pero hindi na ito nag salita pa hanggang sa tuluyan na niya kaming nagamot. Kaya ngayon, bukod sa may sugat na ako, may chikinini pa akong kailangan gamutin. Ang nakakainis pa ay malapit ito sa 'ano' ko. Nag hahanda na ako para matulog ng makitang may kausap si Tokyo sa kaniyang cellphone. Base sa tono ng pakikipag usap niya ay mukhang malapit sila ng babae na kung tama ang pagkakarinig ko ay Amber ang pangalan. “Wow! Really? I am so happy for the both of you. Hopefully this is it, no more break ups and shit.” “Naku, sana nga talaga pero Tokyo Lee.” “Yes? What's with the full name?” “Tokyo naman. May pandemya ngayon, may bitbit ka pa rin?” “Oh.. Her?” Nag iwas ako ng tingin ng lumingon si Tokyo sa aking direksyon. Ipinag patuloy ko lamang ang pag aayos ng kama hanggang sa nahagip ng peripheral ko ang pag labas ni Tokyo ng kwarto kausap pa rin ang magandang babae sa cellphone. Ilang minuto rin siyang nawala bago bumalik dito sa loob. “Matutulog ka na?” Tumango lamang ako saka inayos ang kumot na nakatakip sa akin. Napagod ako sa araw na ito kung kaya’t hindi ko maiwasang humikab. Mukhang si Tokyo ay napagod din sapagkat pagkaupo niya sa single sofa ay sunod din siyang humikab. “Pinsan mo rin ba yung magandang babae?” “Amber? No, she's my bestfriend. Siya yung tinutukoy ko sa'yo kaninang may sea sickness.” “Ah. Hindi ka pa ba matutulog? Diba aalis ka mamaya?” “Matutulog. Dito sa upuan.” “Ayaw mong tumabi sa'kin?” Nagulat ata si Tokyo sa aking tanong dahil ang pangalawang hikab niya sana ay naudlot. Malaki itong kama at sa isang side lang naman ako natutulog. Hindi rin ako malikot matulog kung kaya’t pwede naman siyang tumabi. Noon ko pa sana gustong sabihin 'to sa kaniya ngunit tuwing gabi ay abala siya sa pag tatrabaho o kaya pag lalaro sa kaniyang laptop. “It’s okay Baby. I can manage.” “Pero pagod ka rin ngayong araw. Kailangan mong mag pahinga ng maayos. Sige ka, nakakabawas ng kagwapuhan ang palaging puyat.” Natawa siya ng bahagya sa aking sinabi hanggang sa pumayag na rin siyang tumabi sa akin. Nag palitan din kami ng good night bago ako humarap sa kabilang side ng kama at pumikit. Sa sobrang pagod ay dirediretso ang aking tulog at laking pasasalamat ko nalamang ng hindi ako dinalaw ng masamang panaginip sa buong magdamag. Ang kaso, ang hindi ko ngayon maintindihan ay bakit parang ang tigas ng unang yakap ko ngayon? Dahan-dahan akong nag mulat ng mga mata hanggang sa tumambad sa akin ang isang makahulugang ngiti ni Tokyo. “Good morning, Baby. Having fun cuddling me?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD