Matapos kong malaman ang rason kung bakit ayaw ni Tokyo ng commitment ay hindi na ako nag tanong pa o nag komento kahit napuno ako ng kyuryosidad ng gabing iyon. Sa isang kagaya ni Tokyo, hindi mo aakalaing pag-ibig pala ang kaniyang kahinaan. Sinabi ko nalamang sa aking sarili na baka may nasaksihan o naranasan siya noon kung kaya’t na-trauma siya sa pag-ibig. Sabagay, may kaniya-kaniya naman tayong kahinaan.
Kasalukuyan akong nag papahangin sa balkonahe ng pumasok si Tokyo sa aming hotel room. Kagagaling palang niya sa virtual board meeting kasama ang general manager ng hotel na 'to. Gusto sana niya akong isama kanina pero ako na ang tumanggi dahil bukod sa wala naman akong maiaambag sa usapan nila ay mukhang bad shot pa ako sa general manager dito. Ang sama lang makatingin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kaniya.
“I'm back Baby ko!”
Nakangiting tawag sa akin ni Tokyo. Hindi pa rin naman siya nag babago ng pakikitungo sa'kin kahit nalantad ang isa sa kaniyang kahinaan. Isa pa, nasasanay na rin ako sa pag tawag niya sa akin ng ganiyan. Kung ganito lang sana ka-sweet si Junno. Haay.. Bigla na naman tuloy siyang sumagi sa aking isipan. Mag iisang buwan na niya akong hindi kinakausap. Ganoon ba talaga katindi ang galit niya sa'kin at kaya niya akong tiisin?
“Hey, tulala ka na naman diyan.”
“Hindi naman. Kumusta ang meeting mo?”
“It went well. Mag papaalam pala ako sa'yong aalis ako bukas pero hindi kita pwedeng isama.”
“Bakit? Saan ka pupunta?”
“Si mama kasi nasa Tokyo ngayon. Gusto niya akong makita kasi namimiss niya raw ako.”
“Ah. Sige.” Bukod sa takot sa pag ibig, mama's boy din pala itong si Tokyo. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa mga nalalaman ko tungkol sa kaniya.
“But don't worry, Jenna will be here tomorrow so she can accompany you. I know you hate being alone that is why hiniram ko muna siya kay Seijuro.”
“Grabe ka naman sa hiniram. Tao kaya si Jenna, hindi bagay.”
“Sorry. Si Seijuro kasi, ayaw pang pumayag. Ang possessive.”
“Talaga?”
“Yeah. Knowing that cousin of mine, hindi iyon nagiging possessive unless may nangyari sa kanila ni Jenna.”
Napatakip ako ng aking bibig ng maintindihan ang ibig sabihin ni Tokyo kung kaya’t pilyo siyang ngumiti sa akin.
“Hindi naman siguro.”
“Well, nasa legal age naman silang dalawa kaya okay lang 'yan basta may consent lalo na mula kay Jenna.”
“Alam ko naman 'yan pero baka pag pinatagal nila 'yan eh masaktan lamang si Jenna.”
“Masasaktan talaga siya. Sa una lang naman pero habang tumatagal naiibsan naman. Depende kay Seijuro.”
Pinukol ko ng matalim na tingin si Tokyo kaya naman natigil at nawala ang kaniyang pilyong ngiti sa mga labi. Inayos niya rin ang kaniyang pagkakatayo at niluwagan ang necktie sa kaniyang leeg.
“Anyway, mag palit ka ng damit Baby. Aalis tayo.”
“Saan mo na naman ako dadalhin?”
“Sa kabilang isla. Swimming tayo.”
“Haah? Huwag na. Dito nalang tayo. Delikado sa labas.”
“Hindi delikado sa pupuntahan natin. Private property ang islang 'yon. Nag paalam na ako sa uncle ko na pupunta tayo kaya halika na. Ang ganda pa naman ng panahon ngayon.”
“Eh.. may virus.”
“Walang virus doon. Tara na.”
Hinawakan pa niya ang aking kamay at hinila papasok ng kwarto upang makapag bihis kami. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Mukhang hindi rin naman 'to magpapapigil kung kaya’t nag palit nalamang ako kagaya ng kaniyang utos saka nag handa rin ng ilang gamit na dadalhin sa kanilang isla. Nang matapos ay saka kami bumaba. Sa baba ay nag hihintay ang dalawang staff ng hotel, ang isa ay may hawak na basket na naglalaman ng pagkain habang ang isa naman ay may hawak na dalawang paper bags. Si Tokyo na ang nag bitbit ng mga dadalhin namin kung kaya’t kinuha ko nalamang sa kaniya ang dala niyang backpack.
“Here's the key to the boat, Sir.”
“Thank you Krista.”
Pagkaabot ng susi ni Krista, ang general manager dito, ay ngumiti ito ng pagka tamis-tamis kay Tokyo. Sa sobrang tamis nga pwede ng langgamin bago niya ako pinasadahan ng kaniyang mga mata sabay irap ng mapilantik niyang pilikmata.
“May galit ba sa'kin ang babaeng 'yon?”
“Paano mo naman nasabi?”
“Hindi mo ba napansin? Ang sama makatingin eh.” Tiningnan ni Tokyo si Krista na ngayo'y nag ca-catwalk pabalik sa front desk bago niya ulit ibinaling ang kaniyang mata sa akin.
“Nag seselos 'yon.”
“Ano naman ang ikinakaselos niya?”
“Let's just say Krista and I had history.”
Tumawa ng bahagya si Tokyo bago siya nag simulang humakbang palabas ng hotel. Mag ex sila? Diba sabi niya hindi siya nakikipag relasyon? Ang gulo naman.
“Teka.”
Ang bilis naman niyang maglakad kaya halos takbo-lakad ang aking ginawa makasunod lamang sa kaniya. Nang makarating kami sa tabing dagat ay may nag hihintay ng speedboat sa amin. Unang sumakay si Tokyo at inilapag ang mga dala niya bago niya inilahad ang kaniyang kamay sa akin. Inabot ko naman ito sabay sampa sa speedboat.
“Marunong kang mag patakbo nito?”
“Oo naman. May lisensya ako kaya legit ang driver mo.”
“Okay, sabi mo eh.”
“Takot ka ba sa dagat?”
“Hindi naman.”
“May seasickness?”
“Wala rin.”
“Good. Yung bestfriend ko kasi may seasickness kaya hindi ko tuloy masama-sama sa beach travels ko.”
Matapos naming maisuot ang life jackets ay binuhay ni Tokyo ang makina ng speedboat at umalis. Habang siya’y nag mamaneho, ako naman ay nakatutok sa ilalim ng dagat. Nang una ay nakikita ko pa ang iba't ibang bato at sea shells sa ilalim ng dagat hanggang sa may nakikita na akong iba't ibang uri ng isda at seaweeds. Gustohin ko man ilublob ang aking kamay ngunit baka may bigla nalamang magpakitang pating at kainin ang kamay ko.
“Enjoying the view?”
“Oo. Ang ganda.”
Ibinalik kong muli ang aking paningin sa dagat at halos madilim na sa ilalim hudyat na may kalaliman na sa parteng ito kung kaya’t napakapit ako ng maigi sa aking kinauupuan. Ewan ko nga rin kung totoo o guni-guni ko lamang pero parang may nakita akong malaking isda sa ilalim.
“Tokyo, may pating ba rito?”
“Yep.”
Diyos ko! Sana makarating kami kaagad ni Tokyo sa isla. Hindi pa ako handa para maging pagkain ng mga pating na 'to. Nakita ata ni Tokyo ang pag iba ng timpla ng aking mukha kaya naman tumawa siya.
“Relax, hindi ka naman nila sasaktan.”
“Anong hindi sasaktan? Pating po 'yan for your information.”
“You know, that's the misconception about sharks. Yes, they do bite and eat humans but according to studies and research, sharks prefer to eat fishes and other marine mammals. They only attack if they’re confuse and of course, if they got hurt.”
“Ewan. Kahit anong sabihin mo pating pa rin 'yan.”
“Do you want me to prove it to you?”
“Haah?”
“Look behind us.”
Halos tumalon ang aking puso ng mapagtanto kong may nakasunod pala sa aming pating. Ito namang si Tokyo ay parang wala lang at patuloy lang sa pag mamaneho.
“Bilisan mo! Maaabutan na tayo.”
“Relax ka nga lang. Hindi 'yan. Confuse lang siya. Lalayo rin siya mamaya.”
“Eh hindi 'yan lalayo hangga't wala siyang nakakain sa ating dalawa.”
“Haha! Nasosobrahan ka ba sa panunuod ng Jaws or Deep Blue Sea noon?”
“Tokyo naman. Hindi 'to oras para mag biro.”
“I'm not joking. I swear, they are nice. I met them few times already.”
Ikinuwento niya sa akin na noong 16 years old siya ay isinama siya ng kaniyang uncle at ama para mag scuba diving dito mismo sa dagat na ito. Nang mga panahong iyon ay hindi niya alam na may mga pating pala rito kung kaya't tuwang-tuwa siyang lumalangoy hanggang sa binigyan siya ng kaniyang uncle ng hand signal na huwag gumalaw. Noong una ay hindi niya maintindihan kung bakit siya pinatitigil ng kaniyang uncle hanggang sa biglang dumaan sa kaniyang tabi ang isang pating.
“It was one of the scariest yet fun experience in my life to the point I did it again. Haha! Pretty cool right?”
“Cool? Kabaliwan kamo. Kabaliwan ang ginawa mo.”
“Grabe naman. Hindi kaya ‘yon kabaliwan. Subukan mo muna kasi.”
“No, thanks.”
Sinilip kong muli ang pating na nakasunod sa amin pero wala na ito kung kaya’t kahit papaano ay nakahinga na ako ng maayos hanggang sa nakarating kami sa isla na pag mamay-ari ng pamilya nila Tokyo.
“May tao ba rito bukod sa'tin?”
“Wala. Tayong dalawa lang pero pinalinis ko na ang beach house kanina. Baka nga may pagkain din sa loob kahit hindi ko naman inutos.”
“Ah. Wala naman ditong leon o tigre o lobo diba?”
“Baby, anong tingin mo sa'tin, Mowgli? Wala tayo sa Jungle Book. Nandito tayo para mag enjoy at mag relax.” Sinimulan na naman niya akong pag tawanan habang bitbit ang basket at paper bags patungo sa beach house.
“Naniniguro lang naman ako ah. Masama ba?” Aniya ko sa sarili bago sumunod kay Tokyo.
Pagkapasok namin sa beach house ay malinis na nga ito at may nakahanda pa na iba't ibang klase ng pagkain. Natakam tuloy ako lalo na ng makita kong may crispy patang nakahain.
“So, are we going to swim or eat first?”
“Kakain lang ako. Ikaw, kung gusto mong mag swimming kasama ng mga pating mo pwede naman.”
“What? Don't tell me you won't go for a swim which is actually the purpose why we're here.”
“Ayaw ko. Baka mamaya niyan may bigla nalamang humila sa akin o kaya kumagat kaya dito lang ako. Babantayan nalang kita.”
“Nah uh. You'll come with me.”
Kabababa ko lamang ng mga bagaheng dala ko ng bigla akong binuhat ni Tokyo in bridal style saka siya tumakbo papuntang dagat. Huli na para ipagpatuloy ko ang aking pag poprotesta dahil hinulog niya na ako sa tubig.
“Ano ba, nakakainis ka. Sabi ko namang hindi nga ako mag su-swimming.”
“Too late. Can't you feel the right temperature of the sea?”
Maganda nga naman ang temperatura ng dagat ngayon pero kaya nga wala akong balak maligo sa dagat dahil wala akong dalang pampaligo.
“Presko nga pero wala akong dalang damit. Sasamahan lang talaga sana kita rito.”
“Sinong nag sabing wala kang pampaligo at mga damit?”
“Anong ibig mong sabihin?”
Nalaman ko na ang dalawang paper bags na bitbit niya pala kanina ay nag lalaman ng aking mga damit. Kasali na doon ang iba’t ibang kalse ng beach dress at syempre, hindi na mawawala roon ang bikini.