7

1810 Words
“Hi Baby, come on in.” Ang dating masayahing Tokyo ay walang siglang pinagbuksan ako ngayon ng pinto ng kaniyang hotel room. Nang makapasok ako ay saka niya ipinagpatuloy ang pag tutuyo ng kaniyang buhok gamit ang maliit na tuwalya sapagkat halatang katatapos lang niyang maligo. Hindi kagaya ng hotel na tinuluyan namin sa Tokyo na may living room, ito ay bedroom lamang at may balkonahe na makikita ang ganda at lawak ng dagat dito sa Kanagawa. “Sa isang kama lang tayo matutulog?” Tanong ko kay Tokyo na ngayon ay may kinukuha sa kaniyang mini fridge. Nang makuha ang hinahanap ay saka niya ako hinarap. “Yeah but don't worry, hindi naman ako tatabi sa'yo.” “Saan ka matutulog? Isang kama lang naman ang nandito.” “I'll sleep in the morning once you are up.” “Haah? Ba't hindi nalang tayo lumipat ng ibang kwarto na may dalawang kama?” “Kasi po hindi sila pwedeng gamitin ngayon because of the social distancing s**t. It doesn't make sense nga eh, I mean, look at us.” “Oo nga.” “Oh well, wala tayong magagawa. It’s the management’s decision so we'll just abide.” “Sigurado kang dito muna ako? Pwede naman akong bumalik nalang sa kwarto ko.” “Yep, dito ka lang para nababantayan kita. Besides, you are having nightmares, right?” “Oo kaso hindi kasi kaya ng konsensya kong mag pupuyat ka.” “Most of the time puyat naman talaga ako. Bakit? Concern ka na ba sa'kin Baby?” Ngumiti siya ng bahagya bago binuksan ang beer in can na kinuha niya kanina saka uminom. Problemado ba 'to? Hindi ako sanay na mababa ang energy niya. “Syempre hindi ko maiwasan hindi maging concern lalo na ngayon. Mukhang ang tamlay mo tapos mukhang may balak ka pang mag lasing.” “Aww.. Sweet naman ng Baby ko. No worries, I'm fine at hindi ako mag lalasing. Gusto ko lang mag release ng stress.” “Bakit ka stress?” “Because my parents and I had a phone call before you came here.” “Ah. Pwede mo akong kausapin kung kailangan mo ng kausap ah.” “Huwag na. Makakadagdag pa ako sa isipin mo. I can handle it.” “Sigurado ka? Akala ko pa naman we're in this together.” “Haha! Oo nga pala. Sorry.” Naupo siya sa single sofa chair saka nag cross legs at ipinagpatuloy ang kaniyang pag inom. “Pinipilit na naman kasi nila akong mag pakasal.” “O? Bakit daw?” “Gusto na nila akong mag start ng sarili kong family. Palagi nilang nirarason sa'kin na tumatanda na raw sila, maging ako. Since nag iisang anak lang ako, gusto nilang masigurong may makakasama raw ako sa buhay.” “Maganda naman pala ang intensyon ng mga magulang mo. Ba't hindi ka pa mag pakasal?” “Kasi po ayaw ko.” Oo nga pala. Hindi nga pala 'to naniniwala sa kasal at forever. Dala ng kyuryosidad, tinanong ko siya kung bakit ayaw niya. “I'm happy and contented with my life. If my parents want grandchildren then I can give it to them. They want someone to look after me then I have my relatives, my friends, or I can even get a nanny for myself even though I'm already 27. Marriage is not the solution. Kung may problema man it would be forcing their decision to me where in my happiness would get compromise.” “Parang ang lungkot naman ng gusto mo.” “What do you mean?” “Iba pa rin kasi yung may sarili kang family. Yung pagka galing mo ng trabaho ay sasalubungin ka ng anak mo, isang yakap lang niya nakakapawi na ng pagod. Tapos madadatnan mo ang asawa mong abala sa pag luluto kasi alam niyang gutom at pagod ka. Mga ganoong bagay. Hindi mo ba talaga nakikita ang sarili mo na magiging padre de pamilya ka balang araw?” “Uh.. No.” “Okay.” Nanahimik nalamang ako matapos malaman ang rason ni Tokyo. Buong buhay ko ay ngayon ko lang napatunayan na may mga lalaki pala talagang takot sa commitment. O baka dahil sa mayaman siya kung kaya’t okay lang na hindi siya mag asawa o mag ka-anak dahil sa isang utos niya lang ay makukuha niya na kaagad ang gusto at kailangan niya. “Ikaw? Diba sabi mo hindi ka single? Kasal ka na ba?” “Hindi. Hindi pa.” “So you have plans on getting married someday?” “Oo. Kapag pareho ng maayos ang buhay namin ni Junno ay doon na siguro kami mag papakasal.” “I see.” Narinig ko ang malalim niyang pag hinga bago siya tumayo upang kumuha ulit ng beer in can sa kaniyang mini fridge at muling bumalik sa kaniyang inuupuan. “Nasaan pala siya?” “Si Junno?” “Yep.” “Nasa Pilipinas. Lilipad na sana siya papunta rito sa Japan kaso inabot siya ng lockdown at wala rin pansamantalang flights ngayon.” “Oo nga. Ako nga muntik pang abutan din ng lockdown sa Pilipinas. Anyway, alam na ba niya ang nangyari sa'yo?” “Hindi. Galit kasi siya sa'kin kaya hanggang ngayon hindi niya ako kinakausap.” “Bakit siya galit?” “Hindi ko kasi siya matulungan na makapunta rito. Ano ba kasi ang maitutulong ko? Lockdown nga.” “Haha! That guy's unbelievable.” Sabay iling niya ng ulo matapos malaman kung bakit galit sa akin si Junno. “And you want to marry that guy? Are you sure?” “Oo. Sanay na ako sa kaniya. Mag kakaayos din kami.” “Fine. Good luck then.” “May good luck talaga?” “I just thought you need it. Anyway, before he arrives here in Japan, I'll make sure your stalker is already taken care of. Mark my words.” Pagkatapos niyang maubos ang kaniyang pangalawang beer ay inakala kong kukuha pa siya ng pangatlo ngunit dumiretso siya sa pinto kung kaya’t napatayo ako ng ‘di oras. “Saan ka pupunta?” “Uh, lalabas.” “Bakit?” “May iche-check lang ako sa CCTV room.” “Sinong kasama mo?” “Ako lang. Bakit?” “Sasama ako.” “Oh no you don't. Just stay here Baby. I'll be quick.” “Mabilis ka lang ah?” “Yeah, I'm fast. Very fast that you won't see me coming. Anyway, I'll go now wifey.” “Wifey?” “Yeah, 'cause you sound like a wife to me.” Tumatawang lumabas si Tokyo ng hotel room at naiwan akong mag isa. Bagama’t napapraning ako kamakailan kaya naman ng makita kong hindi pa nakababa ang mga kurtina ay ibinaba ko ito kaagad. Baka nakikita ako ngayon ng stalker ko. Tiningnan ko rin ang palibot ng kwarto kung may CCTV at mabuti nalang ay wala. Tama nga ang sinabi ni Tokyo, hindi siya mag tatagal dahil heto’t nakabalik na siya kaagad. “O, ba't nakababa ang kurtina? Ayaw mong makita ang dagat?” “Hindi sa ganoon. Baka kasi nandiyan na naman ang stalker ko.” “Nah. Wala na siya.” “Paano mo nasabi?” “May nakita raw ang security team na kahinahinalang kotseng umalis kanina. Pinapatrack ko na yung kotse.” “Ganoon ba?” “Yep kaya itali ulit natin itong kurtina. Ang ganda ng view mula rito tapos hindi mo man lang susulitin.” Lalapit na sana siya ngunit sinabi kong ako nalamang ang mag tatali muli ng kurtina. Habang inaayos ang kurtina ay biglang may nag play na music dito sa loob. Nang lumingon ako’y nakita ko si Tokyo sa tapat ng kaniyang laptop, sumasabay sa awitin at umiinom na naman ng beer. (B.M: Thick and Thin by LANY) “Pangatlo mo na 'yan ah.” “Last na 'to. Gusto mo ba?” “Hindi. Okay lang.” “Sure?” “Sure.” “Okay.” Ipinagpatuloy niya lamang ang kaniyang pag kanta at pag inom na sinasabayan pa ng konting sayaw kaya naman feeling ko lasing na ang lalaking ito. “Lasing ka na. Tama na 'yan.” Imbes na sagutin ako ay kinantahan niya lamang ako at lumapit pa. “You could see your whole life with me baby..” Hinawakan niya ang aking kamay saka niya ako pinatayo. Akala niya nasa club kami kung sayaw-sayawan niya ako ngayon. “Gawain mo siguro 'to para mahulog ang loob ng babae sa'yo noh?” “Hindi. Sila ata ang nahuhulog ang loob sa'kin.” “Maniwala sa'yo.” “Bakit? Nahuhulog na ba ang loob mo sa'kin?” “H-Hindi ah.” “Maniwala rin sa'yo.” Ngumiti siya habang nakatingin sa aking mga mata. Ano kayang gayuma ang meron ang lalaking 'to at ang hirap umiwas kapag nakatingin ka na rin sa kaniyang mga mata? Parang gusto mo nalang titigan siya. Idagdag pa na ang sexy niyang ngumiti. Ayoko sanang ikumpara si Junno ang kaso iba talaga ang dating ni Tokyo. “Natutulala ka na naman sa kagwapuhan ko.” “Hindi kaya. Pero oo, gwapo ka naman talaga. Sa night club nga eh halos lahat ng babae nasa sa'yo ang atensyon.” “Ganoon ba? Hindi ko napansin.” “Wow, ang presko haah.” “No, that's the truth. Hindi ko talaga sila napansin kasi sa isang babae lang ang atensyon ko ng mga oras na 'yun.” Sino kayang babae ang nakakuha ng atensyon niya? Gusto ko sanang mag tanong ngunit baka masabihan na naman akong mukhang asawa niya. “Swerte naman ng babaeng 'yun kung ganoon.” “Yep. Maswerte ka talaga Baby ko.” Nanlaki nalamang ang aking mata ng marinig ang kaniyang ipinagtapat. Tama ba talaga ang narinig ko? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kakaiba na ni minsan ay hindi ko naramdaman kay Junno. “Nakakatawa nga eh. Kahit parang bagong ligo ka lang nang nakita kita kasi nakasuot ka ng bathrobe tapos may nakalagay pa na kung ano sa buhok, for me you are the most beautiful girl I've ever seen in my entire life. Well, apart from my mother. Haha! Tapos ngayon nalaman ko pa kung gaano mo kamahal ang boyfriend mo that you even wanna get married with him despite of his attitude. Deep in me somehow wishes that I am him para naman tumalab ang pang fi-flirt ko sa'yo.” “Pero kung ikaw man si Junno ay hindi pa rin magiging tayo.” “Why is that?” “Kasi ayaw mo nga ng commitment.” Panandaliang nanahimik si Tokyo dahil sa aking sinabi bago siya ngumiti ng konti. “Yeah. You are right. Commitment is not my thing 'cause I know that I can't handle break up and heartache.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD