Matapos ang natanggap kong nakakatakot na tawag mula sa aking stalker ay hindi na ako makatulog ng maayos. Madalas pa akong dalawin ng masamang panaginip na tipong pagka gising ko ay namamalayan ko nalamang tumutulo na pala ang aking mga luha. Kagaya nalamang kanina, nakatali raw ako sa kama at humihingi ng saklolo ngunit tanging bulungan at nakakakilabot na tawanan lamang ang naririnig ko hanggang sa may pumasok na tatlo o apat na lalaki sa kwarto. Lahat sila ay walang saplot at papalapit sa akin.
“Baby... Hey...”
Napukaw ang aking atensyon ng mag snap ng daliri si Tokyo sa aking harapan. Nandito kami ngayon sa restaurant ng resort at inaantay si Seijuro. Mabuti at pupunta siya rito ngayon para malaman ko rin kung kumusta na ang kalagayan ni Jenna. Ang huling balita ko ay kinuha ni Seijuro si Jenna mula sa apartment namin dahil iyon ang utos ni Tokyo.
“Tulala ka na naman Baby. Alam ko namang nakakatulala talaga ang kagwapuhan ko pero hindi mo naman kailangan ipahalata.”
Matipid na ngiti lamang ang aking tugon sa sinabi ni Tokyo. Madalas niyang sinasabi 'yan kapag nadadakip niya akong nakatingin sa kawalan. Alam ko namang nag bibiro lamang siya pero hindi naman maikakailang gwapo talaga siya kahit saang anggulo pa siya tingnan.
“Ano bang iniisip mo ngayon?”
“Naalala ko lang kasi yung panaginip ko kanina.”
“What about it?”
Sumandal si Tokyo sa kaniyang upuan habang umiinom ng juice at matamang pinag masdan ako. Mukhang handa nga siyang makinig kung kaya’t ikinuwento ko sa kaniya ang mga panaginip ko.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung makakatulog pa ako mamaya dahil habang tumatagal lalong lumalala ang mga nangyayari sa panaginip ko. Pakiramdam ko rin kapag mag isa ako ay ano mang oras pwedeng may kumuha sa'kin.”
Biglang nabasag ang aking boses kaya naman kaagad kong kinagat ang pang ibabang labi ko. Ayokong umiyak. Pagod na akong umiyak, ang sakit na sa ulo at dibdib.
“Why didn't you tell me that? Mag katapat lang ang hotel rooms natin. I'm just one knock away.”
“Nahihiya ako.”
“Why? Ngayon ka pa ba mahihiya sa'kin? I mean, not because I saw your power duo but all this time that we're together, I thought we already have this special connection you know.”
Ang luhang nag babadiya sa mata ko kanina ay hindi na nakapag pigil at tuluyan ng kumawala..
“Hahahahahaha!” Hindi ko talaga napigilan ang matawa. Idagdag pa na ang seryoso ng mukha niya ng sabihin niya iyon sa akin. Siguro dalawa o tatlong minuto rin akong tawa ng tawa hanggang sa huminahon ang aking kaluluwa.
“Sorry, hindi ko lang talaga napigilan.”
“This is the second time around na binasted mo ako. Mapanakit ka pala ng damdamin.”
“Hindi ah. Ikaw naman kasi, akala ko seryoso ka na kanina.”
“I was serious for your information. Well, at least napasaya kita kahit sinaktan mo ang ego ko.”
“Thank you, Tokyo.”
“No problem, Baby ko.”
Baby ko. Napangiti ako sa tinawag niya sa akin. Kahit papaano ay nabawasan ang takot at kaba na nararamdaman ko sa tulong ni Tokyo. Alam kong kahit na ilang beses akong mag pasalamat sa kaniya ay hind iyon sapat para tumbasan ang tulong niya sa akin. Kung tutuosin nga hindi niya dapat ito ginagawa dahil hindi niya ako lubusang kilala.
“Baby!”
Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Jenna. Patakbo rin siya sa aking direksyon kaya naman napatayo ako sa kinauupuan at sinalubong siya. Niyakap niya ako at kaagad na tinanong kung maayos lang ako. Sa likod naman niya ay si Seijuro na may kasama na dalawang lalaking mukhang mga miyembro ng men in black.
“Salamat sa Diyos at ligtas ka. Nalaman ko kung anong nangyari sa'yo. Sorry talaga girl kung hindi kita inantay nang gabing 'yun. Hindi ka sana napahamak.”
“Ano ka ba, wala kang kasalanan Jenna. Ako rin naman ang nag pumilit sa'yong umuwi na. Ang importante ay okay ako ngayon at okay ka rin. Sila Mamang ba, nakausap mo?”
“Oo. Maayos naman sila. Hindi ko sinabi sa kanila kung anong nangyari sa'yo kasi 'yun ang pakiusap sa'kin ni Seijuro.”
“Ganoon ba?”
Nang marinig naming tumikhim si Seijuro ay pareho namin siyang nilingon. Nakangiti naman siya at kagaya ni Jenna ay kinumusta niya rin ako.
“I'm glad you are looking okay Baby. Marunong naman palang mag alaga ng babae itong pinsan ko.”
“Mag pinsan kayo?” Sabay naming tanong ni Jenna kay Tokyo at Seijuro.
“Yep. Mag kapatid ang nanay namin.” Sagot ni Seijuro.
“Hindi ba halata? Sabagay, ‘di hamak kasing mas gwapo ako kay Seijuro.”
Pag yayabang ni Tokyo kung kaya’t binigyan siya ni Seijuro ng dirty finger bago kami muling kinausap.
“Anyway, Baby and Jenna, kausapin ko lang 'tong feeling gwapo kong pinsan. Hindi naman kami mag tatagal.”
“Feeling daw. Hindi mo lang matanggap eh. But yeah, you girls can stroll for the meantime while me and Seijuro are talking.”
“Pero Tokyo..”
“It's okay Baby. I asked our security to check the perimeter. Kalat din ang security sa labas kaya you are safe.”
“S-Sige.”
“Don't worry, I'm just here. If you need me, I'll come running when you call my name.”
Kumindat pa siya sa akin sabay ngiti kaya naman pumayag nalamang ako at sabay na kaming lumabas ni Jenna sa restaurant. Nag tungo kami malapit sa swimming pool at pagkakataon nga naman ay walang tao ngayon dito kaya okay lang na pumarito muna kami.
“Grabe girl. Alam mo bang hindi ako makapaniwala ng malaman kong may gustong kumidnap sa'yo?”
“Ako nga rin. Hindi ko akalaing aabot pa sa ganito.”
“Sigurado akong si Genji ang may pakana niyan.”
“Hindi naman siguro.”
“Anong hindi? Siya lang naman ang matagal ng nagkakandarapa sa'yo. As in patay na patay. Hindi naman ganiyan ang ibang taga hanga mo sa night club eh.”
“Alam ko naman 'yan pero sigurado akong hindi siya.”
“Paano mo nasabi? Aber?”
“Nakausap ko yung stalker ko. Alam niya ang number ko kaya tinawagan niya ako. Iba ang boses niya kesa kay Genji.”
“Malay mo iniba niya lang ang boses niya. Sa totoo lang natakot ako noon kay Genji. Buti nalang dumating ang knight in shining armor mong si Tokyo.”
“Mabuti na nga lang.”
Hindi ko maiwasang mangiti ng maalala ang pangyayari ng gabing 'yon. Nag mukha nga siyang knight in shining armor ko, napaka gwapong knight in shining armor.
“Pero ba't ka nangingiti riyan Baby?”
“Haah? Hindi ah.”
“Sus, na crush at first sight ka noh? Sinasabi ko na nga ba.”
“Hindi ako na crush at first sight, okay?”
“Ano pala? Na love at first sight? Hoy Baby, baka nakakalimutan mong may Junno ka na. Speaking of Junno, kumusta ang flight niya papunta rito sa Japan? Alam niya ba ang nangyari sa'yo?”
“Delayed ang flight niya dahil sa pandemic at hindi niya alam ang nangyari sa'kin. Galit siya sa'kin ngayon. Ilang araw na niya akong hindi kinakausap.”
“Ano?! Ba't siya galit sa'yo?”
“Hindi ko kasi siya natulungan sa flight niya papunta rito. Gusto kasi niyang lumipad na kaagad dito eh hindi naman pwede. Wala naman akong magagawa sa ganitong bagay.”
“Takte namang jowa mo 'yan. Gusto mong hanapin ko ang utak niya? Nasa peligro na nga ang buhay mo ganiyan pa siya sa'yo. Putcha naman.”
“Hayaan mo na Jenna. Mag kakaayos din kami. Kailangan niya lang siguro ng space at mag palamig na rin ng ulo. Naiintindihan ko naman ang kagustuhan niyang makapunta rito.”
“Ay ewan. Kung ako sa'yo hiwalayan mo na 'yan. Ang toxic. Hanap ka nalang ng iba. Malay mo, andiyan lang pala sa tabi-tabi ang para sa'yo. Tawagin mo nga lang daw ang pangalan niya at pupuntahan ka na kaagad. Diba ang sweet?”
“Loka ka talaga Jenna. Hindi pwede.”
“At bakit naman?”
“May Junno na nga ako at saka kahit hindi ko boyfriend si Junno hindi pa rin kami pwede ni Tokyo. Remember, kliyente natin siya.”
“Eh ba't ka sumama kung alam mo naman ang rules natin sa night club?”
Oo nga, ba't nga ba hindi ako tumutol o nag reklamo kay Tokyo ng sinabi niyang manatili muna ako sa kaniya?
“'Ta mo, hindi ka makasagot diyan. Okay lang 'yan, hindi naman ako mag susumbong. Ako nga eh, nasa condominium ako ni Seijuro ngayon nakatira.” Humahagikhik pa ang bruha na animo'y kinikiliti ang talampakan.
“Take note. Kaming dalawa lang ang nandoon. Akala ko nga nandoon din nakatira yung palagi niyang ka-date na blandina pero hindi naman.”
“Kaya pala parang kakaiba ang aura mo ngayon. Kasama ba naman sa iisang bubong si inspiration.”
“Bakit ikaw hindi ba? Halos isa o dalawang linggo na kayong mag kasama ng Tokyo mo ah.”
“Tokyo ko?”
“Yes Baby ko?”
Nagulat nalamang ako ng marinig ang boses ni Tokyo kaya naman ng lumingon ako ay nakita kong nakangiti siya sa akin. Kagaya nga ng sabi nila, mabilis lamang ang kanilang pag uusap. Bagama’t abala kami ni Jenna sa chismis at tuksuhan kung kaya’t hindi namin napansin na nakalapit na pala silang dalawa ni Seijuro.
“I told you I'll come running when you call my name.”
“Eh..ano.. Hindi.. Kasi Tokyo..” Putang inang dila naman 'to oh. Ay puto, nakapag mura tuloy ako ng ‘di oras. Sorry po Papa Jesus.
“May kailangan ka? Namiss mo ba ako?”
“Oo namiss ka niyan ni Baby.”
“Talaga?” Isa pa 'tong si Jenna eh kaya lalo lamang namangha si Tokyo.
“O awat na muna sa ka-sweetan ninyong dalawa. Maya niyo na 'yan sa kama.. este, sa kwarto ituloy.”
Wala na, pag tulungan ba naman ako. Ang kaso kaagad na nalipat ang aking atensyon sa cellphone ko ng tumunog ang message tone nito.
From: 080-0910-****
I'm getting impatient Baby. Surrender yourself to me. You don't want me to hurt Tokyo Lee, do you?
Agad kong ipinakita kay Tokyo ang text message na natanggap ko ngunit imbes na matakot ay ngumisi pa siya at umiling-iling.
“Impressive. That person has no idea what I'm capable of. Seijuro, get this number and tell Kotaro to track this motherfucker.”
Kinuha ni Seijuro ang cellphone number ng aking stalker at hindi nag tagal ay nag paalam na rin sila ni Jenna para bumalik ng capital.
“Tokyo, siguro kailangan ko ng umalis dito.”
“Bakit naman?”
“Dinadamay ka na niya ng dahil sa'kin.”
Lumapit siya sa akin hanggang sa hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Ikinulong niya ang aking mukha sa kaniyang palad at pinatingin niya ako sa kaniya.
“Okay lang Baby. We're in this together, okay? That's why tonight you're moving in to my room.”