Ilang ulit na akong tumatawag kay Junno ngunit hindi niya pa rin sinasagot ang aking mga tawag o chat. Sinubukan ko ring tawagan ang kaniyang mga kaibigan subalit iisa lamang ang sagot nila at ‘yun ay huwag ko raw munang tawagan si Junno. Dalawang araw ko na itong ginagawa at nakakalungkot dahil kung kailan ako naman ang may kailangan sa kaniya saka naman siya umiiwas. Hindi ko na rin sasabihin sa pamilya ko kung anong nangyari sa'kin dahil mag aalala lamang sila. Ang importante ay ligtas ako ngayon at buhay.
“What's with the face?”
Kapapasok lamang ni Tokyo sa kwarto at kasalukuyang kumakain ng taiyaki ng abutan niya akong nanlulumo. Sa kabilang kamay naman niya ay isang paper bag na sa tingin ko ay taiyaki rin ang laman dahil naaamoy ko ito at mukhang bagong gawa palang. Inabot niya ang paper bag sa akin bago siya naupo tabi ko.
“Salamat.”
“You're welcome. Kainin mo na habang mainit pa.”
Kagaya ng kaniyang sabi ay kumuha ako ng isang piraso at kumagat. Teka..
“Yema ang laman?”
“Yep. Sarap diba?” Nag taas baba pa ang kaniyang kilay saka kumuhang muli sa paper bag na hawak ko at kumain.
“Saan mo 'to nabili?”
“Wala. Pinagawa ko 'yan sa pastry chef namin dito sa hotel. Exclusive lang 'yan for the two of us. Sweet ko diba?”
Pilyong ngiti niya bago nilunok ang kaniyang kinakain. Pastry chef namin? Alam kong mayaman si Tokyo dahil nakapasok nga siya sa Birds of Paradise pero dahil hindi ko pa siya gaanong kilala kaya hindi ko maiwasang magtanong.
“Pwede ba akong mag tanong?”
“Nag tatanong ka na actually. Haha! Kidding. Anong tanong mo?”
“Hindi pa kasi kita gaanong kilala. Tapos dalawang araw na tayong mag kasama rito sa hotel..”
Pinatigil niya ako sa pag sasalita gamit ang kaniyang hintuturo kaya naman parang nahalikan ko tuloy ang kaniyang daliri. Kaagad ko namang iniwas ang bibig ko at nakaramdam ng hiya.
“Alam ko na ang tanong mo.”
“Talaga?”
“Yeah. You want to know if I'm single and ready to mingle with you. Well, the answer is a big fat yes Baby.”
“Haah?”
Nyemas, ang presko pala ng taong 'to. Akala niya siguro dahil sa gwapo siya ay pumayag akong mag payakap sa kaniya at dahil nandito ako sa hotel room niya ngayon ay nangangahulugang patay na patay na ako sa kaniya.
“Actually hindi. Hindi 'yan ang tanong ko. For your information din hindi ako single at mas lalong hindi ako ready to mingle.”
Umakto siyang parang nasaktan ngunit kaagad din naman siyang tumawa. Ang gulo niya.
“That's a sad news for me. Oh well, wala namang forever.”
“Hindi ko alam na ang bitter mo palang tao.”
“Hindi naman bitter. I'm just being realistic. I mean, forever doesn't apply in relationships. Mag asawa nga napag hihiwalay, mag boyfriend-girlfriend pa kaya.”
“Iba ang sitwasyon pag mag boyfriend-girlfriend palang kumpara sa mag asawa na. Kaya nag papakasal ang mga tao kasi sigurado na yung taong 'yon sa kaniyang mapapangasawa. Sigurado na siya na yung taong iyon na ang makakasama niya sa pang habang buhay.”
“Eh.. Wrong. Aren't you forgetting something? The 'til death do us part thing? That vow, or statement, or whatever you call it, that just clearly means mag hihiwalay pa rin sila kapag ang isa sa kanila namaalam na sa mundong ito. Wala talagang forever Baby so just give up.”
Ngumisi pa siya ng hindi na ako sumagot. Walang patutunguhan ang pakikipag debate sa kaniya lalo na kung hindi naman naniniwala ang taong 'to sa pag-ibig at kasal. Parang hindi ko tuloy maiwasang maawa sa babaeng mag mamahal sa kaniya. Napailing nalamang ako. Matapos ang pag de-debate namin ay kumuha ulit siya ng taiyaki bago nag paalam na lalabas muna ng kwarto.
“Shoot! I almost forgot. Pack your things now. We'll transfer to another hotel.”
“Bakit?”
“Because this hotel is a quarantine facility. We cannot stay here FOREVER.” Tumatawa pa siya bago tuluyang lumabas ng hotel room. Aaaah!
“Mga lalaki talaga, nakaka stress. Hmp!”
Dala ng frustration kung kaya't ibinuhos ko nalamang sa taiyaki ang nararamdaman ko bago nag ayos ng gamit para sa pag lipat namin ng hotel. Mag a-alas kwatro na ng hapon kami nakapag check out ng hotel na nalaman kong pag aari pala ng pamilya ni Tokyo. Taga pag mana pala siya ng isa sa mga pinaka malaking chain of hotels dito sa Japan. Hindi kasi halata lalo na’t mukha siya yung tipo na “enjoy life” lang.
“Saan tayo pupunta Tokyo?”
“Sa Kanagawa.”
Kasalukuyan siya ngayong nag mamaneho at naka focus sa daan samantalang ako ay nandito sa passenger seat at may hawak ulit na paper bag ng taiyaki. Ang dami kasing nagawa ng pastry chef nila kanina kaya naman ang iba ay pinabaon pa sa amin.
“Ba't doon tayo pupunta at ba't mag ho-hotel ulit? Wala ba kayong bahay dito?”
“Easy with the questions. I’m driving kaya mahina ang kalaban. Anyway, may bahay kami rito sa Japan pero nasa Osaka pa. Hindi ako pwedeng umuwi muna kasi ako ang namamahala ng kumpanya namin pansamantala habang nag papagaling si Papa. Kailangan kong mag hotel for now kasi po nasa Tokyo ang main office namin.”
“Ah. Okay.”
“Also, kasama kita. Hindi kita pwedeng iuwi sa'min. My parents will go berserk if they'll see us.” Napailing pa siya na para bang may iniiwasan siyang mangyari.
“You'll love Kanagawa for sure. The beach, the sunset, the atmosphere. Kaya doon ang napili kong lipatan natin dahil marerelax ka. Napapansin ko kasi from the past few days palagi kang tense just like a while ago before I gave you the taiyaki.”
Napapansin niya pala 'yun kahit palagi ko siyang nakikitang nakatutok sa kaniyang laptop o kaya nag ce-cell phone. Deep inside ay natouch tuloy ako. Ilang araw palang kaming nagkakakilala pero sobra-sobra na ang nagagawa niya para sa akin.
“Salamat talaga Tokyo.”
“Aww.. You're always welcome Baby. Matulog ka muna. Mukhang matatagalan tayo bago makarating sa resort. I can see traffic ahead.”
At ganoon na nga, natulog muna ako sa byahe. Hindi ko na namalayan kung anong oras kami nakarating sa tutuluyan namin pero pagka gising ko’y gabi na. Tiningnan ko ang paligid at mukhang nandito na kami sa tutuluyan namin sapagkat nakikita ko na ang magarang entrance ng hotel. Nang lumingon ako sa driver's seat ay wala si Tokyo kung kaya’t kaagad akong nabahala at lumabas ng kotse pero buti nalang ay nakita ko siya kaagad sa hindi kalayuan at may kausap sa cellphone.
Habang hinihintay si Tokyo ay iginala ko ang aking paningin. Unang beses ko rito sa Kanagawa dahil hanggang Tokyo, Japan lamang ako. Wala naman kasi kaming oras at pera para gumala man lang sa labas ng capital. Mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko rin kung gaano kalaki ang hotel at resort na ito.
“Ang yaman pala talaga ni Tokyo.”
Biglang sumagi tuloy sa aking utak kung hiring sila ngayon. Sapagkat wala nga akong trabaho ngayon kaya naman kung kailangan kong kapalan pa lalo ang mukha ko ay gagawin ko. Mag tatanong ako sa kaniya kapag hindi na siya busy. Matapos makipag usap ni Tokyo ay nilingon niya ako kung kaya’t kumaway siya at tinawag ako para palapitin sa kaniya.
“Kanina pa tayo nandito?”
“Yeah. Around 5:30 in the afternoon.”
“Ganoon? Mag a-alas syete na ng gabi ah. Ba't ‘di mo ako ginising?”
“Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hinayaan nalang muna kita. Besides, kahit nakanganga ka kanina maganda ka pa rin pala.”
Ramdam ko ang pag akyat ng dugo sa aking mukha ng dahil sa sinabi ni Tokyo subalit humagalpak lamang siya ng tawa. Napapadalas ata ang pang aasar ng taong 'to sa'kin kung kaya ‘t babalik na sana ako ng kotse nang pigilan niya ako't iniharap sa kaniya.
“Kidding aside, of all the girls I've met and had seen sleeping with mouth wide open, you're the only one who can manage to still look beautiful and oh so damn tempting.”
Mula sa aking mata ay bumaba ang kaniyang titig sa aking mga labi. Maging ako ay nadako rin ang mga mata sa kaniyang mga labi at nakita ko kung paano niya kinagat ang kaniyang pang ibabang labi na animo'y nang aakit at handa ano mang oras na sakupin ang aking bibig. Ang hindi ko pa maintindihan ay kung bakit ko siya inaantay kahit alam kong mali. Natigil lamang kami ng may lumapit na hotel staff at sinabing handa na raw ang hotel rooms namin.
“Let's go Baby.”
“Ah.. O-oo.”
Nauna siyang nag lakad habang nakasunod naman ako sa kaniya ngunit natigil ako ng mag ring ang aking cellphone. Hindi ko na tiningnan kung sinong tumatawag sapagkat hindi pa ako maka move on sa nangyari kani-kanina lang.
“Hello?”
“You must be enjoying the resort right now.”
“Haah?”
Sinilip ko kung sinong tumatawag pero unknow number ito. Hindi rin sa akin familiar ang boses ng nasa kabilang linya kung kaya’t tinanong ko kung sino ito ngunit imbes na sagutin ang aking tanong ay isang halakhak lamang ang narinig ko sa kabilang linya.
“Do you know you are still sexy in your shirt and pants? Oh Baby, I can't wait to rip that shirt of yours and taste every inch of your body.”
Nag simulang bumalot ang takot sa akin kaya naman iginala ko ang aking paningin at nagbaka sakaling makita ang kausap ko ngayon ngunit wala akong makitang kahina-hinala sa paligid.
“I don't know who you are and please stop calling me.”
“No, no, no Baby. I will not stop until I f**k you and hear you screaming and begging. You can't escape from me. Remember that.”
Natapos ang tawag ng nanginginig ang aking buong katawan at pagkatao. Hindi ko na rin namalayang nakalapit na pala si Tokyo. Nang ilagay niya ang kaniyang kamay sa aking balikat ay nagulat pa ako at napaatras kung kaya’t nag taka siya sa aking ikinilos.
“Baby, what's wrong?”
“T-Tokyo...”
Lumapit pa siya sa akin at hinawakan akong muli sa mag kabilang balikat. Seryoso na siya ngayong nakatingin lamang sa akin.
“You are trembling. Can you tell me what the f**k is going on?”
“Yung.. Yung gustong kumidnap sa akin tumawag. Nandito siya Tokyo. Alam niyang nandito ako. Hindi raw siya titigil hangga't hindi niya ako.. Hindi niya ako naikakama.”
Isang malutong na mura ang lumabas sa bibig ni Tokyo saka tinawag ang security team ng resort. Nag bigay siya ng instructions sa mga ito bago niya ako inayang pumasok kaagad ng hotel.