Abala ako sa pag lalaba ng makarinig ng mga katok kung kaya’t pansamantala ko munang iniwan ang aking ginagawa at nagtungo sa pintuan.
“Kukunin ko lang ang ibang gamit ko.”
“Mabuti naman kung ganoon.”
Binuksan ko ng tuluyan ang pinto upang makapasok si Junno. Mabuti nalang nang nakauwi ako mula sa bahay nila Tokyo kahapon ay wala na siya rito. Nang makitang nakapasok na si Junno sa aking kwarto para kunin ang mga naiwan niyang gamit ay isinara kong muli ang pinto pero hindi na ako nag abala pang i-lock ito para makaalis siya kaagad. Ako naman ay binalikang muli ang naiwang labahin. Kailangan ko na palang mag madali sapagkat magkikita kami ngayon ni Mamang Beauty upang makapag usap tungkol sa bago kong trabaho. Habang nag lalaba ay bigla nalamang may pumulupot sa tiyan kong mga braso kaya naman dala ng alarma ay nasiko ko si Junno na kaniya namang ikinaatras.
“Anong ginagawa mo?!”
Ngumisi siya at tumayo ng tuwid matapos makabawi sa sakit na naidulot ko sa kaniyang sikmura. Humakbang din siya palapit na siyang aking ikinaatras ngunit sa hindi inaasahan ay bigla nalamang niya akong sinapak na siya kong ikinatumba. Hindi lang sapak ang inabot ko kay Junno dahil mabilis niya ring hinablot ang aking buhok at hinila papasok ng kwarto.
“Aray! Ano ba Junno, nasasaktan ako!”
“Tingnan natin kung saan aabot ang tapang mo ngayon, Baby. Ano? Por que nakahanap ka ng mayaman ganiyan ka na kung umasta? Mas nauna ka pa palang nagloko!”
“Kung meron man sa'ting nag loko, ikaw 'yon. Bitiwan mo nga ako!”
“Ah, sumasagot sagot ka pa haah.”
Ibinalibag ako ni Junno sa kama at nag hubad siya ng kaniyang suot na t-shirt at umibabaw sa akin. Bagama’t lalaki si Junno kung kaya’t balewala sa kaniya ang lakas at pag pupumilit kong makawala lalo na ng sapilitan niya akong halikan.
“Ang likot mong putang ina ka!”
Isang sampal na naman ang aking inabot mula sa kaniya bago niya ako kinuyumos ng halik. Nag simulang umagos ang aking mga luha habang abala si Junno sa aking labi. Naramdaman kong ipinipilit niyang ipasok ang kaniyang dila ngunit nag matigas ako kung kaya’t kinagat niya ng mariin ang aking bibig rason para mag bukas ito ng hindi sinasadya. Nang maipasok ni Junno ang kaniyang dila ay kasabay din nito ang pag pasok ng dugo mula sa sugat na idinulot niya kaya nalasahan ko ang mapaklang lasa nito. Hindi ko na maramdaman ang sakit sapagkat namamanhid na ang aking bibig sa sobrang pwersa ng pag halik ni Junno. Ipinasok niya na rin kaagad ang kaniyang kamay sa suot kong t-shirt kung kaya't lalo lamang akong naiyak ng marahas niya ring nilamas ang isa sa mga alaga ko.
“Ano? Pinahawak mo na rin ba 'to doon sa lalake mo?”
“Tama na Junno, parang awa mo na..”
“Mag tigil ka nga ng kaartehan mo. Akala mo naman kung sino kang virgin. Natikman na kita ng ilang beses Baby at higit sa lahat ay halos ibalandra mo pa nga ang katawan mo sa night club na pinapasukan mo noon. Ngayon ka pa talaga mag mamakaawa at mag iinarte?”
Parang isang punyal ang sumaksak sa'kin sa mga paratang ni Junno. Mas masakit pa ito sa ginawa niyang pag sasapak, pag sabunot, at pang babastos niya sa'kin ngayon. Oo, halos ipakita ko na ang lahat-lahat sa'kin ng dahil sa pera. Oo, siya ang pinagkatiwalaan kong makauna sa'kin na ngayon ay pinag sisisihan ko. Pero wala siyang karapatan na pag sabihan ako ng ganiyan dahil una sa lahat, tinanggap ko ang trabaho para sa aking pamilya. Kinalimutan ko ang hiya at dangal para mabuhay ng maayos ang pamilya ko sa Pilipinas. Nag mahal lang din ako at nag tiwala ng sobra sapagkat ang buong akala ko ay naiintindihan niya ako at mahal niya rin ako kagaya ng pag mamahal ko sa kaniya.
Wala na atang makaka awat pa sa pang babastos sa’kin ni Junno. Pinunit niya rin ang suot kong t-shirt kaya lantad na sa kaniya ang dalawa kong alaga na ngayon ay papalit-palit na hinahalikan niya. Ang lahat ng lakas ko sa katawan ay nag laho na parang bula at tanging pag mamakaawa nalamang ang lumalabas sa aking bibig kasabay ang walang humpay na pag agos ng aking mga luha.
“Tama na.. Maawa ka..”
Halos panawan na ako ng pag asa ng may marinig akong mabibigat na mga yabag papalapit sa kwarto. Narinig din ito ni Junno kung kaya’t natigil siya sa kahalayang kaniyang ginagawa. Parehong nadako ang aming paningin sa pinto ng biglang lumitaw ang isang lalaking bakas ang gulat sa naabutang eksena rito sa kwarto. Kaagad din itong tumingin sa akin bago nalipat ang kaniyang mga mata kay Junno na nasa ibabaw ko pa rin.
“You motherfucker!”
Mabilis na tinawid ni Tokyo ang pagitan ng pinto at kama kung kaya't hinila niya si Junno mula sa aking ibabaw at ibinalibag ito sa sahig. Sa isang iglap ay nawala ang palangiti at masayahing Tokyo na nakilala ko sapagkat matapos niyang ibalibag si Junno sa sahig ay kaagad niya rin itong kinubabawan at pinag susuntok. Gustohin mang gumanti ni Junno ngunit hindi niya magawa dahil sunod-sunod ang mga suntok na natatanggap niya mula sa kamao ni Tokyo.
“Tokyo.. Tama na..”
Hindi pinansin ni Tokyo ang aking pag mamakaawa kung kaya't kahit binabalot pa ako ng takot ay pinilit kong makalapit sa kaniya. Doon lamang siya natigil at nilingon ako subalit bakas pa rin sa kaniyang mukha ang galit at pang gigigil na puruhan si Junno. Nang tingnan ko naman si Junno ay halos duguan na ang mukha nito at mukhang nabali rin ang kaniyang buto sa ilong kung kaya't pinilit ko ng patayuin si Tokyo.
“Ilayo mo na ako rito, Tokyo.. Pakiusap..”
Isang tango lamang ang tugon niya sa'kin bago siya umalis sa ibabaw ni Junno. Kinuha niya rin ang aking kumot upang ipantakip sa aking kahubaran saka niya ako inalalayang makalabas ng kwarto. Bago pa man kami tuluyang makalabas ay tinapunan niya muli ng nakamamatay na tingin si Junno na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabawi sa tinamong sakit ng katawan mula kay Tokyo. Pagkalabas namin ng apartment ay may mangilan-ngilang kapit bahay ang nakatingin sa aming direksyon. Yumuko nalamang ako bago kaagad na pinasakay ni Tokyo sa kaniyang sasakiyan saka siya sumunod.
“Byōin.”
“Hai, bocchan.”
Agad na pinaandar ng driver ni Tokyo ang kotse saka umalis sa tapat ng aking apartment. Tahimik lamang ako sa loob ng kotse ng iabot sa'kin ni Tokyo ang isang pulang hoody jacket.
“Mamaya mo na isuot bago tayo pumasok ng hospital.”
“S-sige. Pero bakit kailangan pa nating pumunta ng ospital?”
“Kasi po papa check-up-an kita.”
Hinaplos niya ng marahan ang aking mukha at pinakatitigan ang putok kong labi. Nakita ko ang pag sasalubong ng kaniyang kilay at pag iigting ng panga kung kaya’t nagulat ako ng bigla niya akong hinila palapit sa kaniya upang yakapin ng mahigpit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko’t umiyak na ako sa kaniyang balikat. Kahit na sinungitan ko siya noong huli naming pagkikita dahil hindi ako sang ayon sa gusto niyang plano ay heto, sinagip niya akong muli sa isang masalimuot na sitwasyon.
“Baby ko, I'm right here now my dear so breathe easy.”
“Salamat Tokyo.. Maraming salamat.”
“You're very much welcome.”
Matapos niyang punasan ang aking mga mata gamit ang kulay gray niyang panyo ay muli kong nasilayan ang kaniyang mga ngiti. Parang gamot ang mga ngiti niya para sa’kin kaya agad na nabawasan ang sakit at bigat na aking nadarama sa aking dibdib. Nang marating namin ang ospital ay pinalabas muna ni Tokyo ang kaniyang driver para maisuot ko ang jacket na pinahiram niya sa'kin.
“Ikaw? Saan ka pupunta?”
“Lalabas din. Mag bibihis ka diba?”
Parang hinaplos ang aking puso sa kaniyang sinabi. Kahit na may nangyari na sa'min ay nirerespeto niya pa rin ako kaya tumango nalamang ako at nag bihis. Nang makapag bihis ay lumabas na rin ako. Hinawakan kaagad ni Tokyo ang aking siko at hinapit palapit sa kaniya ng sa ganoon ay maalalayan niya ako sa pag lalakad.
“Nakakalakad naman ako ng maayos.”
“Sure?”
“Sure.”
“Okay.”
Kung kaya’t bumitaw siya sa'kin ngunit hinablot niya naman ang aking kamay saka ngumiti ulit sabay kindat. Bumalik na siya sa dati. Kanina lang ay halos hindi ko siya makilala sa sobrang galit niya kay Junno. Kung hindi ko siguro siya inawat ay hindi ko alam kung anong kahihinatnan ni Junno mas lalo na ni Tokyo. Ayoko na siyang masangkot pa sa mga gulong dumarating at nangyayari sa aking buhay.
Pagkapasok namin sa ospital ay dumiretso kami sa isang private clinic imbes sa Emergency room. Bagama’t hindi pa rin humuhupa ang kumakalat na virus kung kaya't minabuti ni Tokyo na puntahan ang kakilala niyang doktor na titingin sa akin. Hindi naman daw malala ang mga natamo kong sugat ayon sa doktor ngunit hinikayat niya akong mag therapy o sumubok ng mga recreational activities para raw marelax ang aking utak at mailabas ang mga tinatago kong sama ng loob. Matapos makapagpagamot ay lumabas na kami ni Tokyo at bumalik sa kotse.
“Tamang-tama Baby. Baka gusto mo ng sumama sa'kin mag scuba diving sa Kanagawa kasama yung pating na nakita mo.” Sabay tawa niya. Maging ako ay medyo natawa rin ng maalala ang mga pinagsasabi ko noon sa sobrang phobia ko sa pating.
“Ewan ko sa'yo. Magkano ang nagastos mo kanina? Babayaran ko nalang. Pasensya na, sa pag mamadali natin hindi ko na nakuha ang wallet ko.”
“Baby ko, hindi naman kita sinisingil diba? Just chill. Magpagaling ka nalang.”
“Pero..”
“No buts.”
“Sige. Salamat ulit.”
“You're welcome.”
“Ba't ka pala pumunta kanina sa apartment? Ang ibig kong sabihin syempre nag papasalamat akong dumating ka pero nagtataka lang ako.”
“Gusto kong humingi ng tawad. Hindi kasi natatahimik ang konsensya ko. Gusto kong bati lang tayo, ayokong galit ka sa'kin Baby. Naiintindihan ko kung bakit nagalit ka sa desisyon ko. Hindi nga tama ang lokohin sila Mama at Papa at lalong hindi tama na gumawa ako ng plano ng hindi kumukunsulta muna sa'yo. I'm just so desperate Baby. I cannot lose my company in the Philippines. That company of mine is something that I can finally be proud of. Alam mo 'yun? Walang influence galing sa pamilya ko ang natatamong success ko sa gaming industry sa Pilipinas. And just because of Genji's incident, all of my hardwork will be dissolved in a snap of a finger.”
Kung maalala ko ang kaniyang kwento, nagkagulo raw ang mga board members ng Papa niya nang malaman ang insidente. Sapagkat ayaw ng Papa ni Tokyo na ibigay ang posisyon nito bilang Chairman sa kahit na kanino bukod sa kaniyang anak ay masakit na inutos nito sa kaniyang unico hijo na ipasara na ang gaming company nito sa Pilipinas nang sa ganoon ay maituon ni Tokyo ang buong atensyon nito sa kumpanya nila rito sa Japan. Para na rin daw manahimik na ang mga board members nila at itigil ang pag dududa sa kakayahan ni Tokyo.
“Ang hindi ko maintindihan Tokyo ay bakit kailangan mong mag pakasal?”
“I was about to say that to you but you walked out.”
“Pasensya na.”
“It's okay. I understand. Anyway, marriage was an additional proposal by my mother that’s why there was another twist on the plan. Bukod sa pag ha-handle ng kumpanya ko at kumpanya ni Papa, gusto na nila akong maikasal. Kung magawa kong mahandle ang parehong kumpanya within 6 months without a problem plus naikasal na ako then hindi na ipapasara ang kumpanya ko sa Pilipinas.”
“Pero bakit ako?”
“Kasi po Baby ko..”
Napakamot si Tokyo sa kaniyang ulo bago niya sinabi sa akin ang rason na halos kunin ulit ang buong lakas sa aking katawan.
“May CCTV footage pala tayo doon sa isla na pinuntahan natin sa Kanagawa. Nagulat nga ako na may CCTV pala doon at yung CCTV footage na 'yun ay nakarating kila Mama at Papa. Gustong-gusto ka nilang makilala, Baby.”