15

1824 Words
“Baby-san?” Nasa kasarapan pa ako ng tulog ng may naririnig akong tumatawag sa akin. Kahit na mabigat pa rin ang aking mga mata ay pinilit kong buksan ang mga ito at tumambad sa'kin ang isang babaeng naka uniporme. Naka ngiti rin ito sa'kin at may dalang tray. Teka nga. Tiningnan ko kaagad ang sarili sa ilalim ng kumot at naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi lang 'yun, naalala ko rin na may trabaho pa ako ngayon kaya naman kaagad akong bumangon at hinila ang kumot para matakpan ang aking kahubaran. Nang tingnan kong muli ang babae ay nakangiti pa rin ito sa'kin. Parang walang malisya lamang ang tanawing ito sa kaniya samantalang ako ay hindi makagalaw ng maayos dahil bukod sa wala akong saplot ay medyo masakit din ang aking katawan ngayon. Mga ilang ulit din kaming nag talik ni Tokyo sa isang gabi lamang. Hindi nga ako makapaniwala sa kaya niyang itagal kung kaya’t ako na ang unang sumuko. “Ocha?” “Hai. Arigatou.” Inilagay ng babae ang dala niyang tray sa side table at nag paalam ng lalabas. Ngunit pinigilan ko siya para itanong kung nasaan si Tokyo. “Shita no kai.” “Sou ka.. Arigatou.” “Dou Itashimashite.” Ngumiting muli ang babae sa'kin saka nag bow. Nang makalabas siya ay tiningnan ko muna ang aking cellphone at napagtantong alas nuebe na pala ng umaga. Huli na ako at nakakahiya kila Mr. at Mrs. Uchida kaya tumawag ako sa kanila upang mag paliwanag. Ilang ulit na akong tumatawag ngunit hindi pa rin nila ako sinasagot kaya naman nag aalala ako. Kailangan ko ng mag madali para makapunta sa kanila kaagad. Bumangon na ako ng tuluyan at bago maligo ay tinanggal ko muna ang kobre kama maging ang pillowcase at kumot saka itiniklop ito ng isa-isa. Hindi ko alam kung saan nakalagay ang mga bagong labang punda at bedsheet kung kaya't mamaya ko nalamang itatanong ito kay Tokyo bago ako umalis para mapalitan ko ng bago ang nagamit namin kagabi. Inubos ko rin muna ang dalang tsaa para sa’kin na nagbigay ng kaginhawahan sa aking katawan bago nag tungo sa banyo upang maligo. “Oo nga pala, nasaan kaya yung mga damit ko?” Sa pagkaka alala ko ay kinuha ang aking damit ng isa sa mga housekeepers dito para malabhan daw kaya tuloy ang ginamit kong damit kagabi ay damit ni Tokyo. 'Yun nalang din siguro muna ang gagamitin ko kesa naman lumabas akong naka bathrobe lamang. Pag katapos maligo ay nag suot akong muli ng isa sa mga bathrobe na naka hanger dito sa banyo at lumabas para simulang patuyuin ang aking buhok. “Asan na 'yun?” Bukod sa wala na ang itiniklop kong mga bedsheet, kumot, at punda ay wala na rin ang isinuot ko kagabi. Nakaramdam tuloy ako ng takot at baka may ibang elemento sa kwartong ito. Wala naman akong narinig kaninang pumasok sa kwarto kung kaya't hindi na ako nakapag tuyo ng buhok at lumabas na para hanapin si Tokyo. Nakakahiya man ang aking itsura ngayon ngunit mas nanaig ang takot na aking nararamdaman. Sumakay ako sa escalator na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sapagkat first time kong makakita ng bahay na meron nito. Sa tingin ko nga ang bayarin nila Tokyo sa kuryente ay sobra pa sa aking kinikita noon sa bar. Nang makababa sa first floor ay saktong may dumaan na isa sa mga housekeepers kaya tinawag ko ang kaniyang pansin. Kagaya ng kaninang nag hatid sa'kin ng tsaa, nakangiti rin ang babae sa'kin at parang walang malisya na ganito lamang ang aking suot na naka bathrobe at halos tumutulo-tulo pa ang basang buhok. Mag tatanong palang sana ako pero agad niyang itinuro ang isang direksyon sapagkat nandoon daw si Tokyo. Nag pasalamat ako sa kaniya at nag simula muling mag lakad. Palapit pa lamang ako sa direksyong itinuro sa'kin ay rinig na rinig ko na ang musika at ang mga malulutong na mura ni Tokyo. (B.M: Savage Love by Jason Derulo) “s**t! Ouch! f**k! Ouch!” Pagkapasok ay naabutan ko si Tokyo na nag luluto. Parang ako ang nahihirapan sa kaniyang sitwasyon ngayon dahil bukod sa atras abante siya sa kawaling nakasalang sa electric cooktop ay tumatalon-talon pa siya pag may tumatama sa kaniyang mantika. Bagama’t naaawa ako sa kaniya kung kaya’t lumapit na ako para tulungan siya. “Oh, hey Baby. Good morning.” Babatiin ko palang siya ng biglang bumaba ang kaniyang mukha at ginawaran ako ng isang halik sa aking mga labi na siyang ikinagulat ko. Hindi ko kasi inaasahan 'yun. “Malapit na 'tong maluto Baby. Konting tiis nalang.” “Kanina ka pa ba gising?” “Siguro. I woke up around 5 or 5:30 this morning then I started cooking.” “Ba't ikaw ang nag luluto?” “Kasi po gusto kong ako mismo ang gagawa ng breakfast mo.” Parang hinaplos tuloy ang aking puso sa sinabi at ginagawa ni Tokyo ngayon. Kahit halatang hindi siya marunong mag luto, para mag effort siya ng ganito ay talagang nakakatuwa. Ni minsan hindi man lang 'to ginawa ni Junno sa'kin. Napansin ko rin ang maraming trial and error niya sa gilid ng counter at ang butil-butil na pawis sa kaniyang noo kaya naman tiningnan ko muna ang kapaligiran kung may tao bago itinaas ang laylayan ng suot kong bathrobe para punasan ang pawis ni Tokyo. “Ba't ngiting-ngiti ka riyan?” “I didn't know you are so naughty Baby. Walking around without your undies. Ready for another round here in the kitchen?” “Tse! Mag tigil ka. Nawawala ang mga damit ko kaya hindi pa ako nakakapag bihis, okay?” “Oh. Kinuha na ata nila Kaori. Nakita ko sila kaninang may dalang basket.” “Ganoon ba? Akala ko pa naman may multo sa kwarto mo kanina. Bigla nalang nawala maging yung tinanggal kong kobre kama at kumot. Saan pala nakalagay ang bagong bed sheets, pillowcase, at kumot mo para mapalitan ko?” Tinawanan lamang ako ni Tokyo at umiling-iling bago muling napaatras ng biglang tumalsik ang mantika patungo sa kaniya. “Ako na nga lang ang mag luluto. Parang nahihirapan ka na eh.” “No. Ako na. Hindi ako nahihirapan. Anyway, huwag mo ng alalahanin ang pag papalit. Malamang ngayon ay napalitan na yung bed sheet pati yung comforter at pillowcase. Yung damit mo naman, nasa walk in closet. Ipakita ko sa'yo pag natapos ko na itong niluluto ko.” Sapagkat ayaw niya talagang tulungan ko siya kaya naman pinanood ko nalamang siya sa kaniyang ginagawa. Mag a-alas onse na ng matapos siyang makapag luto kaya malamang itong mga niluto niya ay diretso ng pananghalian. Una niya akong pinakain para sabihin ko raw sa kaniya kung kumusta ang lasa. “Mmm.. Masarap ah.” “Really?” Parang siyang bata ngayon na kumikinang-kinang pa ang mga mata ng sabihin kong masarap ang kaniyang niluto kahit na simpleng hotdog, itlog, sinangag, at banana pancake ang niluto niya. Pero kahit simple lamang ito para sa kagaya kong marunong sa kusina, para sa'kin ay espesyal pa rin ito dahil pinag alayan ng oras at effort ito ni Tokyo. At oo, pawis na rin dahil pawis na pawis siya ngayon. “Kumain ka na rin dito para makaligo ka na. Ang bantot mo na eh.” “Hala. Hindi naman ako mabantot.” Inamoy-amoy pa niya ang sarili bago sumabay sa'kin sa pag kain. Alam ko namang hindi siya mabantot. Sa katunayan nga ang bango-bango pa rin niya kahit na pinag pawisan siya. Matapos naming makapag almusal/tanghalian ay nag presinta na akong mag huhugas ngunit pinigilan lamang ako ni Tokyo at ipag uutos nalamang daw niya 'yun sa mga housekeepers nila saka ako hinawakan sa kamay at sabay na bumalik sa kwarto. “Asan na ang damit ko? Aalis na ako.” “Huh? Where are you going?” “Doon kila Mr. at Mrs. Uchida. Huli na nga ako eh.” “No. You're not going back there. I already sent someone who will help them so you'll stay here with me.” “Haah? Hindi kita maintindihan.” “I'll just take a shower then we'll talk later. Your clothes are there.” Itinuro niya sa'kin ang isang sliding door malapit lamang sa pinag lalagyan ng TV bago niya ako iniwan at pumasok sa banyo upang maligo. Ako naman ay pumasok sa sliding door at hinanap ang switch pero wala akong mahagilap. “Switch. Asan ang switch?” Nagulat nalamang ako ng biglang mag bukas paisa-isa ang mga ilaw dito sa loob kung kaya't doon ko napansin na may naka install pala ritong virtual assistant dahil binati pa ako ng “good morning”. Nang makita ang loob nitong walk in closet ay halos lumuwa ang aking mata sa sobrang dami ng damit. Naka ayos din ito mula pambahay, pantulog, damit pang lamig, damit pang summer, at iba pa. Sa kanang bahagi ay mga damit pang babae habang sa kaliwa naman ay mga damit ni Tokyo. “Ba't hindi ka pa nag bibihis?” Tanong ni Tokyo na hindi ko namalayang tapos na palang maligo at nakapasok na rito sa loob ng walk in closet. “Asan yung damit ko?” “'Yang nasa kanan. Pili ka nalang although I prefer seeing you naked.” Nag taas baba pa ang kaniyang kilay bago kinuha ang isang polo sleeves na gray at isang maong pants. “Tokyo naman. Bilis na, asan na yung damit ko?” “Hindi ko alam. Baby, actually sa'yo iyang lahat. Diba sinabi ko naman sa'yo starting today misis na kita kaya whatever you need, I'll provide.” “Seryoso ako Tokyo.” Ibinaba niya muna ang hawak niyang damit sa mesa at hinarap ako. Medyo nadistract pa ako sapagkat ang baba ng pagkakatakip ng tuwalya niya sa kaniyang pagka lalaki kaya kaagad kong itinuon ang aking mga mata sa kaniyang mga mata. “It seems that you cannot wait and I can see the curiosity on your face. Alright, listen to me. I know you are not yet ready for another relationship because you just broke up with your ex while me, you know that I don't like commitment, right?” “Oo. Kaya nga hindi kita maintindihan. Hindi mo naman ako kailangang pakasalan dahil sa may nangyari sa'tin kagabi. Gumamit ka rin ng condom kaya hindi mo ako mabubuntis.” “I know Baby but what I am trying to say here is that I would like to offer you a job.. No, not offer. I need you to accept the job. I really need you to become my wife. Please pretend to be my wife for 6 months and both of our problems will be solved.” Dala ng gulat ay nawalan ako ng isasagot sa kaniya. Matapos ang ilang buwan na hindi kami nagkita, ganito pa ang gusto niyang mangyari? Nababaliw na ba siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD