14

1761 Words
Naiwan ako sa kwarto na naguguluhan sa mga binitawang salita ni Tokyo ilang minuto ang nakalipas bago siya nag paalam na lalabas muna at tutungo sa kanilang mini bar. Gusto ko man sumunod sa kaniya ngunit wala akong ideya kung ano at unang sasabihin sa kaniya. Umurong ang aking dila kanina matapos niyang hayag-hayagang sabihin na gusto niya akong maging misis. Wala naman siyang lagnat. Hindi rin naman siya lasing kanina at mas lalong hindi siya naka droga at nasiraan ng bait. Nag pabalik-balik pa ako mula sa kama patungong pinto bago napag desisyonang matulog nalamang. “Tama, baka pinag titripan niya na naman ako.” 'Yun nga lang ay medyo parang sumobra ngayon na muntik pa akong maniwala. Mabuti sigurong kausapin ko siya tungkol dito para malaman niya ang limitasyon niya sa pang titrip sa akin. Habang patuloy kong kinakausap ang sarili ay nag ring ang aking cellphone kung kaya’t tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Agad nalamang nag dilim ang aking paningin ng makitang si Junno ang tumatawag kung kaya't ini-off ko ang cellphone ko sabay higa at hila ng kumot upang makapag pahinga naman ako sa mga nangyari sa araw na ito. Dala ng pagod physically at emotionally ay mabilis din akong nakatulog at dinalaw ng panaginip. Naalimpungatan lamang ako ng makarinig ng kaluskos mula sa kabilang dulo ng kwarto kaya agad akong bumangon at hinarap ang pinagmumulan ng ingay. “Hey sleeping beauty.” Isang lasing at nakangiting Tokyo ang nakita kong nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader. Hindi niya na ata kaya ang kaniyang sarili at hindi na siya umabot dito sa kama kaya naman nagkusa na akong lumapit sa kaniya upang tulungan siyang tumayo. “Ba't ka nag lasing haah? Kung may problema ka rin sinabi mo nalang sana sa'kin kesa lumaklak ka ng alak.” Tinawanan niya lamang ako sabay sinok kaya ikinuha ko muna siya ng tubig sa kaniyang water dispenser rito sa kwarto saka naupo sa tabi niya para iabot ang tubig. Habang nilalagok niya ang inumin ay dahan-dahan ko namang hinahagod ang kaniyang likod. Hindi ko nga alam ba't ko ito ginagawa eh hindi naman siya umiyak o kaya nabulunan. “Okay ka na? Kaya mo ng tumayo?” “Yes, yes. Let's go.” “Okay. Kapit ka na sa'kin.” Dahan-dahan ko siyang inalalayang tumayo at inilagay ang kaniyang braso sa aking balikat para gamitin niyang suporta. Pagkalapit sa kama ay agad ko na siyang inihiga ng maayos at tiningnan. Mukhang tulog na kaagad siya sapagkat bukod sa nakapikit ang kaniyang mga mata ay wala na rin ako ni isang salita na narinig pa mula sa kaniya. Bago bumalik sa pagtulog ay kinuha ko muna ang basong naiwan niya sa sahig at inilagay sa centre table. Mamayang umaga ko nalamang ito huhugasan pagkatapos naming mag almusal. Pagkabalik ko sa kama ay iba na ang posisyon ng pagkakahiga ni Tokyo. Kani-kanina lang ay naka tihaya siya pero ngayon ay nakaharap naman siya sa kaliwa kung saan siya nakapuwesto. Naalala ko tuloy noong unang nag tabi kami. Kampante pa naman akong hindi ako malikot matulog subalit halos gusto ko ng mag palamon sa dagat noon ng matagpuan ang sariling nakayakap kay Tokyo. Itinulak ko pa siya sa kama samantalang nag magandang loob na nga siya na huwag akong gisingin para makatulog ako ng maayos. Napapailing nalamang ako sa ala-alang iyon kung kaya't para masigurong hindi na mauulit ang nakakahiyang pangyayari ay inilagay ko sa gitna namin ang unang ginagamit ko. Pagkalagay ay sinilip kong muli si Tokyo kung maayos pa siya. “Good night, Tokyo. Sweet dreams.” Nahiga ako at humarap sa kanan kung saan ako nakapuwesto saka ini-unan ang aking braso sabay pikit ng aking mga mata. Ngunit hindi pa man lumalalim ang aking tulog ay naramdaman kong may gumalaw sa kama. May pumatong din na braso sa aking tiyan kaya naman iminulat kong muli ang aking mga mata. “Tokyo, ba't ka nandito? Diba doon ka sa kabila?” Napansin ko rin na nawala na ang barikada sa gitna namin kaya dikit na dikit siya sa'kin at inaamoy amoy pa ako. “Namiss kita Baby ko.” Puno ng pag lalambing niyang sambit sa'kin kung kaya't ang kilig na naramdaman ko ay halos umabot ng langit. Inutusan niya rin akong humarap sa kaniya upang makita niya raw ako. Nang makaharap ay seryoso ang kaniyang mukha na nakatitig lamang sa akin, mga titig na unang nakita ko noong unang pagkikita namin sa night club. Mapang akit na para bang habang tumatagal ay lalong nakakabihag at hindi na matatakasan pa. Mula sa aking mata ay bumaba ang kaniyang tingin sa aking ilong hanggang sa napirmi ito sa aking mga labi. “Alam mo ba na masaya ako ngayon? And I don't understand why I am feeling this way.” “Masaya ka pala ba't ka nag lasing?” “So that I can have the courage to do this again Baby..” Akmang sasagot na sana ako nang bigla niya akong kinabig at muli ay nag tagpo ang aming mga labi. Sa pagkakataong ito ay sinalakay niya ako ng mapupusok na halik kung kaya't parang naparalisa ang aking katawan sa gulat. Nang makabawi ay dahan-dahan ko ng isinara ang aking mga mata at walang pag aalinlangan tumugon sa mga halik niya hanggang sa ibinukas ko ang aking bibig para makapasok siya. Sa loob ay pinag sawa ni Tokyo ang kaniyang dila na siya ring nag udyok sa aking dila na lumaban. Mali.. Maling-mali ang ginagawa mo Billie Jean. Tumigil ka na! Saway ng aking isip subalit hindi ko magawang tumigil bagkus lalo akong nahuhumaling sa bawat hagod at pagsipsip ng mga labi ni Tokyo. Ipinulupot ko na rin sa kaniyang leeg ang aking mga braso para lalo siyang mapalapit sa'kin. Hindi ko alam kung ilang minuto na kami sa ganitong posisyon pero ramdam ko na nangangapal na ang aking labi sapagkat minsan ay kinakagat niya ako, marahan at banayad lamang. “Anong ginagawa mo sa'kin Tokyo..” Pansamantala kaming tumigil para makasagap ng hangin bago niya ako inihiga ng maayos sa kama. Ginawaran niya rin ako ng mabilisang halik bago siya nag simulang mag hubad ng kaniyang t-shirt sa aking harapan. Masyado sigurong halata ang aking pag hanga sa kaniyang katawan kung kaya't isang nakakalokong ngiti ang kumawala sa mga mapupulang labi niya bago niya binalikan at sinakop muli ang aking bibig. Ramdam ko kung gaano kabilis ang agos ng aking dugo sa aking mga ugat na ngayon ko na naman lang naramdaman. Hindi na ako nakapag pigil at dala ng init ng aking damdamin kung kaya't pinatigil ko muna siya sa pag halik sa'kin saka nag hubad na rin ng aking suot. Pinakatitigan ni Tokyo ang aking dibdib at kitang-kita ko ang pag kagat niya ng kaniyang mga labi. “Uhh..” Napasinghap ako ng lusubin ni Tokyo ang isa sa aking kambal. Ikinulong rin ng kaniyang mapag parusang mga labi ang perlas sa tuktok nito habang ang isang kamay naman niya’y dahan-dahang minasahe ang kabila. Ang init na nararamdaman ko ay lalong tumindi ng pag mulat ko ay nagkasalubong ang aming mga mata. Matamang pinapanood pala ni Tokyo kung gaano ako natutuliro sa kaniyang ginagawa. Hindi ko akalaing napaka pilyo pala ng kaniyang bibig na nag simula ng magpapalit-palit sa aking kambal. “Tokyo..” “Yes Baby?” Bumalik siya sa aking bibig at muli ay pinasok niya ito at nakipag espadahan sa aking dila. Medyo nagulat pa ako ng bigla niya akong buhatin at ipader malapit lamang sa kama. Sinimulan niya na ring hubarin ang suot kong pang ibaba habang patuloy na bumababa ang kaniyang mga halik mula sa aking bibig patungo sa aking tiyan. Nang matanggal ang aking pang ibabang kasuotan ay tanging panty nalamang ngayon ang nagsisilbing barikada sa pinaka maselang parte ng aking katawan. “You're wet. What should we do about that?” Ngumisi siya bago tuluyang tinanggal ang huling tela na bumabalot sa aking kabuohan. Hindi pa man ako nakakabawi ng ulirat ay muling napunta na naman ako sa kalangitan ng simulang halikan ni Tokyo ang itinatago ko sa’king pagitan. Ipinatong niya rin ang isa sa mga binti ko sa kaniyang balikat habang patuloy niyang ninanamnam ang aking p********e. Pakiramdam ko nangangatog na ang aking tuhod sa sobrang sensasyong hinahatid niya sa sa akin kung kaya’t napasabunot ako sa kaniya upang suporta sapagkat baka tuluyan akong mag collapse rito. “Tokyo.. Hindi ko na kaya..” “Hold it Baby.” Tumingala siya sa akin kung kaya’t kitang-kita ko kung gaano kakintab ang kaniyang bibig ngayon bago siya tumayo at walang babalang tinanggal sa aking harapan mismo ang suot niyang pajamas. Napalunok ako ng makita ang itinatago niyang sandata. Buhay na buhay at kung sa giyera ay handa ng sumugod ano mang oras. Hindi ko tuloy maiwasang mapamura sa aking isipan sapagkat alam ko at alam niya na above average siya sa normal na Pilipino at Hapon. “Don't worry Baby, he's a gentle giant.” Isang kindat ang iginawad sa akin ni Tokyo saka niya ako muling ibinalik sa kama at inutusang dumapa. “Bend over.” “Haah?” “Tuwad.” Harujusko! Kaya ko ba 'to? Mag kahalong kaba at pananabik ang bumabalot sa akin ngunit nanaig ang pananabik kung kaya’t sinunod ko ang kaniyang utos. “You trust me Baby?” “O-oo.” “Sure?” “Sure.” “Feel my thrust then.” Mula sa aking likod ay kaagad na ipinasok ni Tokyo ang kaniyang ipinagmamalaki. Halos maiyak pa ako sa sakit kaya naman kinailangan niyang tumigil pansamantala. “S-sige lang, Tokyo. Dahan-dahanin mo lang muna.” Ginawaran niya ako ng halik sa aking labi bago siya muling gumalaw. Slowly but surely ika nga hanggang sa matiwasay siyang nakapasok sa aking b****a. Nag simula na rin siyang gumalaw hanggang sa pareho na naming nakuha ang tamang ritmo. “I'm gonna move faster now.” “O-okay..” At ganoon nga.. Pabilis ng pabilis na siya hanggang sa naiibsan na ang kirot na aking nadarama at napapalitan na ng sensasyon. Lumalalim na rin ang aming pag hinga at tanging pangalan ng bawat isa nalamang ang namumutawi sa aming mga labi. “Can you feel the pressure, Baby? I'll make it feel like your first time. s**t, you're so tight.” “Tokyo.. Hindi ko na talaga kaya..” At sa gabing iyon ay sabay naming inabot ang rurok ng kaligayahan kahit na sa likod ng aking isipan ay may malaking tandang pananong kung ano na ba talaga kami ni Tokyo. Mag kaibigan o magka-ibigan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD