“Tokyo, hindi ako nag bibiro.” “I know. Stop worrying, Paris and I will be fine. Isn't that right my boy?” Nakatutok lamang ang mga mata ni Paris sa kaniyang ama habang nilalaro naman ni Tokyo ang maliit at cute na kamay ng aming anak. Kahit ayaw ko sanang iwan si Paris ngunit kailangan sapagkat pinapatawag ako ng aming modelling agency. May mahalaga raw kasi silang sasabihin kung kaya't ang maiiwan lamang dito sa apartment ay sila Tokyo at Paris. Si Brian kasi naka day off ngayon kaya wala siya buong mag hapon. Hindi ko maiwasang kabahan tuloy. “You're going to be late Baby if you'll just stand there and watch us.” “Kaya mo ba talagang alagaan si Paris?” “Of course. Kaya nga ako nagkaroon ng crash course kung paano mag alaga ng sanggol para sa ganitong sitwasyon.” Totoo ang kaniyang

