Si Alex naman ay kasalukuyan na muling nagbalik sa kwarto. Pinaghahandaan na niya ang pagsasabi kay Rodrigo ng tungkol sa ama ng dinadala niya. Aaminin na niya rito ang buong katotohanan. Handa na rin siya sa galit nito kapag nalaman nito ang totoo. Abala siya sa pagpa-practice ng sasabihin kay Rodrigo nang katukin siya ni Rina. Sinabihan niya kasi ito na sakaling dumating si Rodrigo ay sabihan siya. At kasalukuyan na nga raw na nasa sala ito na kasama ang nagpakilalang Tiya nito. Ipinasya na niyang bumaba upang makaharap din naman ito. Dahil kamag-anak ito ni Rodrigo ay maige na pakiharapan niya rin ito bilang siya ang asawa ng pamangkin nito. Sa taas pa lamang siya ay nakita na niyang kasalukuyan na nagkakamustahan ang asawa niya at ang kanyang Tiya. Umasim pa ang mukha niya nang makita

