Chapter 52

1675 Words

"Baka nagkakamali ka lang, Tiya at nagkakamali ka lamang ng iniisip na ako ang nariyan sa litrato na iyan at hindi sila ang mga magulang ko." "Hindi ako maaaring magkamali, Rodrigo. Ikaw at wala ng iba ang bata na hawak ni Donya Margareth na unang asawa ni Don Amado. Heto, tingnan mo ang kuha ninyo rito ng Nanay mo," wika nito sabay abot sa kanya ng isang litrato. Kuha nilang dalawa ng kanyang Inay nang naroon sila sa terminal ng bus. Hawak-hawak siya nito. Pinagkumpara niya ang parehong kuha at masasabi nga niya na magkamukha ang dalawang bata. "Isa pa ito," tukoy nito sa hawak na lampin. "Sa'yo ito... Marco ang pangalan ng anak ni Don Amado at Donya Margareth." Nasapo niya ang kanyang ulo at napayuko siya dahil sa pagkalito. Hindi niya maaaring basta tanggapin na lamang ang mga sina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD