Nakabalik na siya sa mansyon. Naglalakad na siya pabalik sa kanilang silid nang biglang lumitaw si Pia sa isang pasilyo. "Ygo, kanina pa ako nag-aalala sa'yo, alam mo ba?" Hinawakan nito ang kanyang mukha. "Pia, hindi mo kailangan na mag-alala sa akin. Paraanin mo na ako. Gusto ko ng matulog." Nabigla siya nang hawakan nitong bigla ang kanyang pinakasentro sa katawan. "I really miss, this, Ygo," pagkuwan ay wika nito. Ramdam niya ang awtomatikong pagtayo niyon nang hawakan nito. "I guess, miss din niya ako," may ngisi sa labi na wika nito. "Pia, please. Tigilan mo na itong kabaliwan mong ito!" "Hindi ko kaya, Ygo. Sinubukan ko naman. Pero hindi ko talaga kaya. Mahal pa rin kita." "Pia, may asawa na'ko. Ilan beses ko bang dapat na sabihin sa'yo iyan?" Samantala, nagising si

