Rodrigo : "Tama na iyan, Miss. Mukhang hindi mo na kayang uminom." Kinuha niya sa kamay na babae ang bote na hawak nito pero binawi nito agad sa kamay niya. "A-ano'ng h-hindi k-kaya?" Ik-kaw!" Itinuro siya nito. "Hu-uwag m-mo n-nga a-k-kong p-pakialaman! Hh-hindi p-pa ako l-lashing!" Muli pa nitong tinungga ang alak. Napabuntunghininga na lamang siya. Mukhang wala na itong balak na tumigil. Napasandal siya sa upuan at pinagmamasdan ito. Lango na ito sa alak. Ang itsura nito ay wala na sa ayos. Gusot na ang buhok nito. "Kawawa naman," naisip niya. Siguro ay talagang mabigat din ang problema nito. Bago pa siya tuluyan na kaawaan ito ay ipinasya na niyang magbayad at umalis na sa lugar. Ilan segundo lamang ang lumipas at knock out na ito. Nakaduko na ito sa mesa. "Waiter," tawag niya sa

