"Bakit hindi mo masabi sa akin kung sino ang ama niyan?! Kilala ko ba siya? Ano?!" sunod-sunod na tanong nito. "Hindi! H-hindi ko pa pwedeng sabihin sa'yo kung sino, Rodrigo. Sa tamang panahon ay sasabihin ko rin." "Wow! May tamang panahon pa pala para malaman ko ang lalaki na kinasangkapan mo sa ginawa mong pagtataksil sa akin!" Alam niyang litong-lito ito sa klase ng dahilan niya. Ngunit kahit siya ay naguguluhan na rin kung ano ang tamang gawin. "Hindi sa ganoon. Darating ang panahon at mauunawaan mo ang dahilan ko." Pahina nang pahina ang tinig niya. "Sa tingin mo talaga ay mauunawaan ko ang dahilan mo?!" Napahalukipkip ito "Alam mo ba?" Patlang ay huminto ito at kinakalkal sa isip ang nais nitong sabihin. "Akala ko ay magiging maayos na tayo, Alexandria. Pero hindi pala. Masyad

