CHAPTER 3

3614 Words
** Sometimes, human feelings were really unpredictable.... you can feel happy often times but some moment was extremely uninvited that made your emotions decry. ** SHANNON'S POV** It's been a month since my last conversation with Johann, after niyang sabihin ang tungkol sa kasal ay hindi na'ko nagkaroon ng pagkakataong tanungin siya sa sinabi niya dahil biglang pumasok si Maria para iinform ito sa susunod na meeting. Hindi na rin nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap kami dahil umalis ito papunta sa Singapore kinabukasan ng araw na iyon para sa isang business conference. "Shannon! What's up!" That's my brother who shouted, sabay lapit nito sakin at humalik sa pisngi. Sino pa nga ba ang nag-iisang taong kilala ko na ganyan kundi siya lang naman. "Anong nakain mo at pumayag kang pumunta dito? Let me guess, new car?" I asked sarcastically, alam kong hindi siya yung klase ng taong susunod na lang dahil sinabi sa kanya. Malamang ay sinuhulan na naman siya ni Papa kaya ganyan yan. Ngayon kasi ang uwi nila dapat, biglaan nga eh, last week papa called me to inform na nagkaroon daw ng problema ang branch namin sa pampanga kaya baka hindi sila makasunod dito agad pero kahapon lang ay tumawag ito na si Kuya daw ang pupunta dito at wala naman akong magagawa kapag si Papa ang nagsabi. "Grabe ka naman little sis! What made you think na ganun akong tao? I'm just concern about you" Saad naman nito na parang nang-uuto. Kilala ko na siya at alam kong hindi yan susunod ng walang kapalit. "Lokohin mo ibang tao pero ako hindi mo ko maloloko" saad ko naman sa kanya samantalang siya ay napakamot lang sa ulo na tila ay nahuli ko sa kasalanan niya. Hindi ko lubos maisip na siya ang mas matanda samin dahil parang ako pa ang mas tumatayong panganay eh. Ano ba naman itong lalaking ito! Pumasok nalang kami at hindi ko na siya tinanong pa ng kung ano-ano. What for? Hindi naman yan sasagot ng maayos at mas maganda kung si Papa nalang ang tatanungin ko tungkol sa luhong hiningi ng kapatid kong immature. "Wala ka man lang hinandang pagkain?" Reklamo niya. Hindi na kasi ko nakapagprepare dahil kakauwi ko lang rin galing sa trabaho. "You can cook anything you want merong pagkain dyan sa ref." I suggested. Pwede naman siyang magluto dahil nakapamili na'ko ng food last friday. "Magpapadeliver nalang ako ng pizza, tinatamad akong magluto" Nagkibit balikat nalang ako at hinayaan siyang gawin ang gusto niya. Pumasok muna ako sa kwarto para ayusin ang ilang gamit ko at nilinis ko na din ang kwarto ni Papa. Bahala na si kuyang linisin ang kwarto niya masyadong maarte pa naman yun kapag pinakialaman ko kasing linisin yun at hindi siya satisfied baka instead na thank you ang marinig ko ay reklamo pa kaya wag nalang. Pagkalabas ko ng kwarto ni Papa na nilinis ko ay nakita ko naman si Kuya na kinakain na yung pizza na pinadeliver niya kaya lumapit ako. "Kuya, kailan ba balik ni Papa dito?" Tanong ko sa kanya sabay kuha ng isang slice ng pizza. "Sa makalawa pa. Kakausapin ka pa nun tungkol dun sa Kas-" Bigla naman itong napahinto sa sinasabi nito. Naguluhan naman ako kung ano yung Kas? Na hindi niya nasabi. "Bakit daw ako kakausapin? saka anong kas?" "Ahh hehe wala yun Shan, k-kakausapin ka d-daw ni papa tungkol dun sa Kas...ano... mga Kas..amahan mo sa trabaho. Tama! yun nga yun." Hindi naman ako kumbinsido sa sinabi niya dahil parang may iba siyang gustong iparating pero ipanagsawalang bahala ko nalang baka nagloloko lang ang lalaking iyon kaya pumasok na'ko sa kwarto ko pero bago ko tuluyan siyang iwan ay kumuha pa ko ng isang slice ng pizza. Narinig ko pang nagreklamo siya bago ko pumasok. ** Lumipas ang 2 araw bago dumating si Papa buti nalang at nataong linggo ngayon kaya walang akong gagawin. Pagkagaling ko sa simbahan ay dumeretso ko agad sa supermarket para bumili ng ilang pangstock na food dahil sa paubos na yung mga stocks ko, may kasama kasi kong timawa eh. "Manong dyan nalang po sa tabi!" Sabi ko sa taxi driver at inihinto naman ako nito sa tapat ng bahay. "Oh....Shannon, ngayon lang kita ulit nakita ah." Tawag ng isang lalaki. Sino na nga itong lalaking ito? "Ah ano hehe...busy sa work ehh." Saad ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito. Napansin siguro nitong hindi ko na matandaan ang pangalan niya, nagkaroon na yata ako ng memory gap eh. "Nakalimutan mo na agad, it's Jonathan. Jonathan Sandoval" Saad naman nito. "Jonathan, ou naman natatandaan kita, medyo pre-occupied kasi ko ngayon, alam mo naman busy sa trabaho, mukhang may lakad ka ahh?" tanong ko naman bigla ng makita ko na mukhang may lakad ito, mukha kasing ayus na ayus ang suot niya. "Yes medyo matatagalan ako ng konti bago bumalik, 2 to 3 months siguro kasi kailangan kong pumunta ng Guam para sa kapatid ko. May sakit kasi siya." "Ganun ba sige, mag-ingat ka. Pakisabi nalang sa kapatid mo na Get well soon" Pagsimpatya ko naman. "Thanks, sayang nga hindi man lang tayo nakapagdinner." Saad pa nito ng nakangiti, napangiti nalang din ako sa sinabi niya. Wala naman masama sa sinabi niya, friendly lang siguro talaga siya. "Hindi yun sayang, edi kapag umuwi ka dun tayo magdinner, kahit breakfast or lunch pa basta available ako." Biro ko naman dito na ikinatawa naming dalawa. "Sabi mo yan ha?" "Oo nga. Sige papasok nako, kailangan ko pa kasing magluto at baka gutom na yung mga kasama ko." Paalam ko naman sa kanya sabay ngiti dito. Ngumiti lang ito pabalik sakin. "Ingat ka." Pahabol ko pa dito at sabay ngiti na siya namang ginantihan nito ng ngiti at kumaway pa bago ko maisara ang gate. Wala naman masama sa ginawa ko dahil friendly siya kaya nagpapakafriendly lang din ako. Pumasok na'ko dala ang mga pinamili ko, nagtaka naman ako kung bakit parang walang tao sa bahay. Sabagay, si Kuya ay malamang lumabas na naman iyong isa na iyon which is not new dahil lagi naman niyang ginagawa iyon. Inilapag ko nalang ang pinamili ko sa kusina at inayos ito, nang matapos ko naman ng ayusin ang lahat ay nagluto na'ko for our luch hindi pa naman late for lunch dahil 11:30 am pa lang naman, I still have 30 minutes to cook. Simple lang naman ang niluto ko calderetang manok lang kaya hindi masyadong hussle. "Papa, andyan po ba kayo?" Tawag ko mula sa labas ng kwarto nito. Umuwi kasi ito kaninang umaga at halatang pagod kaya sinabi niyang matutulog muna siya. Parang nga siyang kakaiba, madalas ko kasing nakikitang masama ang pakiramdam niya pero ang lagi lang niyang sagot ay migraine lang dahil sa trabaho. Hindi naman ito sumagot kaya nagdesisyon akong buksan ang pinto at nataon namang bukas ito pero laking pagtataka ko ng wala akong nakitang tao. Sa loob loob ko ay san naman kaya pupunta yung mga yun ng araw ng linggo. As far as I remember, wala naman silang inaasikaso every Sunday kaya nakakapagtaka na wala sila dito. "Shannon, wala dyan si Papa" "Ay Ipis!" Nagulat kasi ko ng biglang may magsalita mula sa likuran ko. "HA! ASAN! ASAN! PATAYIN MO BILIS!" Hay kahit kailan talaga itong lalaking ito napakaduwag. Expression ko lang naman iyon kapag nagugulat ako, paano ba namang hindi ako magugulat kung ang expectation ko ay umalis siya ng bahay tapos nandito lang pala. Binatukan ko naman siya para matauhan. "Tsk...Ba't ka nambabatok! Hoy matanda pa din ako sayo ahh!" Parang bata naman nitong singhal. "Umayos ka kasi, napakaduwag mo ehh, san ba nagpunta si Papa?" "Nasa garden nagpapahangin." Pagkasabi niya nun ay tinalikuran ko na siya kaso ang loko kong kapatid eh may sapak yata talaga. "HEY! YUNG IPIS? NAPATAY MO NA BA?" "EWAN KO SAYO!" Pagkasabi ko nun ay iniwan ko na siya. Dumiretso naman ako sa likod bahay kung saan matatagpuan ang mini garden namin. Maliit lang iyon pero makikita ang ibat-ibang uri ng roses. Mahilig kasi si Mama dun sabi ni Papa kaya kahit wala na ito ay gusto pa rin niyang magpalagay ng garden. Nang makalabas ako nakita ko naman agad si Papa na nakatalikod at mukhang busy sa pakikipag-usap sa telepono tatalikod na sana ko para mamaya ko nalang siya tatawaging kumain pagkatapos niyang makipag-usap ng biglang marinig ko ang pangalan ko. "Kakausapin ko palang si Shannon, I'm just looking for the right timing." Nang marinig ko iyon ay nagduda naman ako kung ano ang sinasabi nito. Hindi kaya ito yung itinatago ni kuya sakin nung muntik na siyang madulas sakin last time. "Yeah...yeah....alam ko pare pero hindi kasi ganoon kadali iyon. Hindi naman simpleng bagay yung hihingin ko sa anak ko. It's a marriage at mahirap din sakin ito." Ano bang sinasabi ni papa at may nabanggit pa itong Marriage, parang kinabahan tuloy ako. Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Johann last time. "Okay lang iyon pare, alam ko naman na hindi na ikaw ang may hawak ng situation kaya naiintindihan ko." Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero sigurado akong may kinalaman ito sakin at sa Marriage? Hindi pa ako masyadong sigurado sa iniisip ko pero nakumpirma lang iyon ng sumu nod na sinabi ni papa. "Just tell Johann, that Shannon will attend their wedding. Ikakasal sila no matter what it takes." Parang pinagbasakan naman ako ng langit at lupa ng marinig ko yon sa bibig mismo ni Papa. Did he really mean that? "Papa..." Tawag ko ng mahina pero alam kong rinig niya. Nang lumingon naman ito ay batid ko ang gulat na makita ako hanggang sa hindi ko na napigilang itanong ang kanina pa bumabagabag sa isip ko. "D-did you s-set me up for an arrange marriage...." Bahagya pa kong huminto pero itinuloy ko pa rin para makumpirma ko ang nasa isip ko. "with .......J-Johann?" I asked hesitantly and he nodded. Hindi ko kasi alam kung ano ang nararamdaman ko. I know the fact that Johann had an effect to me then dahil minahal ko siya pero noon iyon. Now is d-different...Yeah I d-don't have any f-feelings for him....wala na talaga. **JOHANN'S POV** I asked Dad to take care of Shannon, wala silang alam sa balak ko, I just told them to ask tito Seb's approval to set us an arrange marriage. I know for a fact that this is kind of insane, dahil wala ng nagseset ng arrange marriage sa panahon ngayon. At alam ko din na hindi ganoon kadaling mapapayag si Tito Seb kaya naman ng sabihin sakin ni Daddy na tumanggi ito ay gumawa ako ng paraan para siya mismo ang maghabol samin. I did something para naman kahit papaano ay bumagsak ang ilang branches nila. They are not that big company kaya hindi ako nahirapan pero syempre ako lang rin ang nakakaalam ng bagay na iyon. And I succeeded dahil a week ago ibinalita sakin ni Daddy na kailangan daw ng pera ni Tito dahil bumabagsak na ang company nito. I know dad also, malambot ang puso niya kaya hindi ko sinabi sa kanya ang plano ko at alam kong hindi din sila papayag kaya bakit pa? I just did my part sinabi ko kay Dad na hindi ko mapapahiram ng pera si Tito unless he'll agree on my condition which is to set her daughter an arrange marriage with me, wala din naman magagawa si Dad dahil ako na ang may hawak ng company namin kaya wala na siyang access sa mga financial nito at alam kong hindi rin ako kokontrahin ni papa at mama sa gusto ko 'cuz I know for a fact that they like Shannon to be their daughter in law too. "Hello Dad, did they agree?" I asked firmly. "Oo anak, pumayag na sila. Bakit ba si Shannon ang gusto mong mapangasawa?" Tanong pa nito na halatang tuwang tuwa. "I guess you know the reason." I answered. "Hahaha Sabagay, maganda, mabait at napakasweet ng batang iyon. Hindi na'ko magtataka kung bakit ka nagdepress nung mga panahong umalis sila." Napahinto naman ako ng sabihin iyon ni papa. I unconsciously smiled bitterly. If you just knew it Dad. "Yeah you're right Dad, you don't have any idea how hard it was........to be left behind." I cut the line as I said that. **SHANNON'S POV** "Pa, bakit pumayag kayo and you decide without even consulting me!" Alam kong medyo napapataas ang boses ko pero hindi ko kasi mapigilan. Sino ba naman ang hindi magagalit kung malalaman mo na sa modernong panahon ngayon ay nagawa ka pang ipagkasundo ng parents mo sa isang arrange marriage. "Pa sumagot naman kayo, hindi ko pa pala ito malalaman kung hindi ko narinig ang pinag-uusapan niyo." Sumbat ko samantalang hindi naman makatingin sakin ng deretso si papa. Nandito kami ngayon sa living room at nag-uusap. "Shannon, sumosobra ka naman yata. Wag mo naman sigawan si papa." Singit naman ni kuya. In some point, I'm wrong pero masisisi niyo ba ako na maramdaman ang ganito? I feel alone! Pakiramdam ko ay pinagkaisahan ako ng buong pamilya. "Palibhasa hindi ikaw ang ipapakasal, if you are in my situation I doubt you'd behave as nothing big deal happens. Nasasabi mo yan dahil hindi ikaw ng nasa sitwasyon!" Naiinis ako dahil sa nangyayari, gusto ko ng paliwanag pero hindi naman sumasagot si papa. "But still, hindi mareresolba ang issue na'to kung paiiralin mo yang galit mo." Tama naman siya pero hindi ko mapigilang magalit dahil sa ginawa ni papa. Masakit dahil hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon na magkaboyfriend tapos ipapakasal ako at ang malala sa taong hindi ako mahal. "Pa, tell me, do you even care about my future?" Mapag-uyam kong tanong. Nakita ko namang bumakas ang pagkaguilty sa mga mata nito but still hindi pa rin siya sumagot. "So your silence says so....kaya mo po pala talagang gawin sakin ito, YOU ARE NOT EVEN THINKING IF I'M GOING TO BE HAPPY OR MISSERABLE!" Nang pagsigaw kong iyon ay doon lang siya nagsalita. "I don't have a choice 'nak, Our Company is not in a good condition at this moment. Wala naman kaso saking mawala ang lahat ng meron tayo pero hindi ko kakayanin na mawala ang pinaghirapan namin ng mama mo ng wala man lang akong ginawa." Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya pero hindi pa rin maipagkakaila na kaya niya akong ipagkanulo para lang sa bagay na iyon. "Kaya ako ang ipagpapalit niyo para maisalba ang kumpanya!" "It's not like that Shan, Papa did his best para maisalba ang company. As a matter of fact, tinangihan niya ang offer ni Tito Jefferson na ipakasal ka dahil gusto niyang ikaw ang magdesisyon." "Kung ganon ako lang pala ang hindi nakakaalam!" I angrily reprimanded, hindi naiwasan na may lumandas na luha sa mga mata ko. "Hindi sa ganun 'nak, kasama ko si Shun ng mga panahong inaayos ko ang kumpanya pero wala na talaga kong malapitan para maisalba ang kumpanya kaya napilitan akong lumapit kay Jefferson pero ang gusto niya ay ipakasal ka kay Johann. Hindi naman ako pumayag anak noong una pero ng sabihin niyang si Johann ang nag-insists ng condition na iyon ay napapayag ako." Alam ko ang ipinupunto ni papa. He's thinking the Johann and I will make a good couple since I was deeply into him in the first place. Pero ang hindi ko maisip ay kung bakit naman gagawin iyon ni Johann kung hindi naman niya ko mahal. "Pa, please don't do this...ayokong magpakasal sa kanya please..." Lumuhod ng umiiyak sa harap ni papa at kitang kita ko ang awa sa mga mata nito. Dali naman ako nitong inakay patayo at niyakap. "I'm sorry 'nak if I made this foolish decision. Don't worry....gagawan ko ng paraan, hindi kita ipapakasal kung ayaw mo." Umiyak ako sa bisig ng Papa ko. Sa isip ko ay malaki ang pasasalamat ko na importante ako sa papa ko na willing niyang igive up ang lahat para sakin. "How about the money they lend us Pa?" Tanong bigla ni Kuya na siya namang ikinalingon ko. "I'll g-give it back then." Sagot naman ni papa na mukhang alanganin. "How can you do it Pa, kung nagastos na natin ang pera para maisalaba ang kumpanya." Napatingin naman ako kay Papa ng sabihin iyon ni Kuya, halatang hindi rin nito alam ang gagawin. "Stop it Shun, g-gagawan ko ng paraan." Pagkasabi nun ni papa ay sakin naman napapunta ang tingin ni Kuya. "Shan, I'm serious about this matter, If I could just switch with you ako ang magpapakasal. I even offer myself para pakasalan ang anak nilang si Jess pero ikaw ang gusto nilang magpakasal..." "Shun, don't force your sister....hindi ko siya ipapakasal kung hindi niya gusto!" Tumayo na si Papa at ang huli ko nalang narinig ay ang pagsara ng pinto ng kwarto kung saan ito pumasok. "Look Shan, I don't want to force you in this set up pero isipin mo din sana kung ano ang magiging sakripisyo ni papa kung hindi niya mababayaran ang perang hiniram niya at ako na ang nagsasabi sayo wala siya magagawang paraan dahil lubog na tayo. Think about it Shan. It's about time para tayo naman ang magsacripisyo." Pagkasabi ni kuya nun ay parang naguilty naman ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maging desisyon, ngayon ay isa lang ang tumatakbo sa isip ko at yun ay kailangan kong makausap si Johann. ** Lumipas ang buong linggo na hindi na naungkat ang usapan tungkol sa kasal, hindi din ako nagkaroon pa ng pagkakataong makausap si Johann dahil bukas pa ang uwi nito galing Singapore. "Kuya, asan si Papa?" tanong ko rito matapos kong makitang nagkukurbata ito sa harap ng salamin sa living room pero tumingin lang ito sakin at ilan sandali pa bago ito sumagot. "Hindi siya umuwi kagabi. Don't worry, he's doing his best for your sake." Hindi ako manhid para hindi malaman ang pinupunto niya. Alam kong nagagalit siya sakin pero hindi ko lang mapigilan na masaktan sa inaakto niya dahil parang ako pa ang sinisisi niya sa nangyayari. "I don't even want this set up kaya wag mo naman sanang isisi sakin ang nangyayari." I exclaimed at doon lang siya napatingin ng deretso sakin. "I'm not blaming you! I just want you to be considerate enough." Singhal din niya sakin. Tumalikod nalang ako dahil alam kong mag-aaway lang kami kung magsasalita pa ako. Hindi ko magawang magalit sa kanya dahil alam kong iniisip din niya ang kapakanan ni papa pero ano bang tingin niya sakin? Na walang pakialam? If I could just do something to resolve this ay gagawin ko pero wag naman ang ipakasal ako. ** Nang makarating ako sa office ay dumeretso ako agad sa desk ko. I also check kung may text message ba galing kay Johann kung may bilin ba ito bago makabalik. As her secretary ay kailangan talaga na may personal contact ako sa kanya para just in case na may ipapagawa siyang urgent ay magagawa ko agad. Nang makita kong wala namang message from him aside sa mga text messages na nareresib ko galing sa kung kani-kanino ay ibinaba ko na ang cellphone ko at dumeretso sa loob ng office ni Johann pero parang ako pa ang nagulat. Pumapasok ako dito sa office ni Johann just to check on everything kung may kailangan ba kong ipasok na documents or something else. Pero ang hindi ko inaasahan na makita ay nandito na pala without me knowing at kalalabas lang nito galing banyo. May banyo kasi dito sa office niya at mukhang naghalf bath ito dahil basa ang buhok nito, mabuti naman ay nakasando na ito kaya hindi ako nag-alinlangan na lumapit. "Johann, we need to talk?" I asked firmly. "What did you just call me? Johann?" Tanong naman nito na nagtutukoy sa position na meron siya sa kumpanya. Tumingin naman ako sa relo ko at napangisi. "It's 7:30 in the morning, so technically speaking, hindi pa kita boss hangga't hindi pa working hours." Napangisi naman ito at umupo lang sa couch na nasa rigt side nang office niya. "You may sit, you want to talk right?" Turo naman nito sa tapat na upuan nito. Nang makaupo na'ko ay hindi nako nag-aksaya ng oras para tanungin siya patungkol sa kasal. "Why you'd asked my father to set an arrange marriage between the two of us?" May diin ang bawat salitang binitawan ko at alam kong halata niya ang iritasyon sa boses ko. "Because I want to." F*ck that reason, because he wants to? Hindi ako nakikipaglokohan sa kanya! "Bakit naman gusto mo? You have to know na hindi biro ang kasal Johann, it's sacred, at isa pa ay hindi naman natin mahal ang isa't-isa." "So? I don't care about your whereabouts; all I care is you to get married with me." He firmly said na seryosong nakatingin sa mata ko. "Ayoko.... Hindi ako magpapakasal sayo!" Pagkasabi ko nun ay tumalikod na'ko pero hindi pa man ako nakakalayo ay nahila na niya ang braso ko dahilan para makulong niya ko sa bisig niya. "Ano ba!" Kumawala ako pero malakas siya.... Ang huli ko nalang narinig ay nang ibulong niya ang isang nakakakilabot na bagay. "You'll be mine no matter what it takes........think 'bout Tito Seb's sacrifices, after you decide, go with me." Pagkasabi niya nun ay tumingin ito sa mukha ko at hinalikan ako sa labi. Isang halik na walang pagmamahal at nasisiguro kong That kiss is definitely not mine....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD