CHAPTER 2

3507 Words
** Time has its own way on how people will meet, it's not about the matter of destiny, it's about the matter of the time. And it always be. **HE'S POV** I can't believe that I'm doing the exact opposite of what I did 3 years ago, it's been 3 years since the last time I saw her and I must admit, she looked different. Mas maganda, mas sexy at mas sophisticated but still, she has no effect on me. "Hey! What are you doing!" She exclaimed pushing me after I kissed her. Kitang kita ko ang inis sa mga mata niya kaya napangisi ako. "What's the problem babe?" I asked confusingly with a grin. "Babe? Don't call me that! We don't have any relationship at all for you to call me any endearment!" Natawa nalang ako ng sabihin niya iyon. Ano pa nga ba ang sasabihin niya, ganyan naman lahat ng babae. Kapag hindi mo pinapansin, that's the time they will seek for your attention at kapag ibinigay mo naman doon naman sila magpapakipot. The same thing with her, she used to love me and now she's refusing. How ironic! "Okay, you're my girlfriend then" I teased. Nakita ko naman na nagtangis ang kanyang bagang dahil sa sinabi ko and that's exactly what I want pero hindi lang yun ang gusto ko. I want her to feel the pain she exactly caused me 3 years ago. "Pardon? Mr. Vuenavista, I don't remember that I applied as your girlfriend? Maybe you just hallucinating the reason why your mind wasn't in a good state right now." She exclaimed angrily. Magsasalita pa sana ako ng biglang pumasok ang secretary kong si Maria. "Sir, your meeting is about to start in 5 minutes" Pagkasabi ni Maria nun ay tumango lamang ako rito at sumunod na palabas. Pero bago ko lumabas ay bumulong pa ako sa kanya na naramdaman kong ikinagulat niya. "We still need a lot of time to catch up, just wait for me to come back, Babe" **SHANNON'S POV** Ilang oras na rin akong narito sa company at mabuti nalang ay hindi pa bumabalik ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganun, the last time I saw him was 3 years ago at ang kaharap ko ngayon ay isang Johann na halos hindi ko kilala. He's not the same man I used to love. Hindi na siya yung Johann na mabait pero masungit, yung Johann na hindi umiimik pero kapag nagsalita ay paniguradong may sense. At higit sa lahat hindi na siya yung Johann na mahal ko pero hindi ako mahal. Flashback 5 years ago "Pa, san po ba talaga tayo pupunta?" Kuya Shun asked. I don't even know kung saan kami papunta dahil wala naman sinasabi si Papa samin. Basta ang alam ko lang ay lilipat kami ng bahay dahil pinarenovate ni Papa yung bahay namin pero wala naman akong natatandaan na may bahay kami dito sa gawing Pasay kaya imposible namang dito kami titira and I don't even remember na naghanap kami ng marerentahan. Hindi naman kumibo si Papa sa tanong ni Kuya, siguro ay nakukulitan na rin siya pero ano pa nga ba? Makulit naman talaga yang lalaking yan. Natahimik nalang ako ng biglang lumiko si Papa sa isang pamilyar na subdivisión. Teka lang alam ko to ahh. Napaisip nalang ako kung bakit kami narito pero hindi ko pinahalata kay papa na alam ko kung anong subdivision ito. "We're here." Nang sabihin ni papa iyon ay mas lalo akong naguluhan. Seriously? Bakit naman sa tapat ng bahay nila inihinto ang kotse? "Bumaba na kayong dalawa dyan." Saad ni papa na siya namang sinunod namin ni Kuya. "Hey! Ano ka ba kuya, nakakainis ka naman ehh." Nainis lang ako kasi tinapakan niya yun rubber shoes kong puti kaya narumihan ito. "Tsk....parang yan lang ang arte mo naman!" Saad naman nito sabay gulo sa buhok ko kaya lalo akong nainis at binatukan siya kaya hinabol niya ko. "HEY! YOU TWO TUMIGIL NGA KAYO!" Nang marinig namin ang sigaw ni papa ay tumigil na rin kami. Hindi ko lang kasi mapigilang maiinis kapag kasama ko itong lalaking ito. Nag doorbell na si Papa sa bahay nila Johann, hindi talaga ko nagkakamali sa bahay nila dahil nakalagay sa gate ang Vuenavista Residence. "Oh Pare, nandyan na pala kayo, pasok na tayo!" Lumabas ang isang lalaking nasa 40's na siguro ang edad. Magkaedad lang sila ni papa kung titignan ko and I'm quite sure that he's Johann's father dahil sa magkahawig sila at hindi iyon maipagkakaila. Nang makapasok kami sa bahay ay ang Asawa naman nito ang nakaharap namin. "Honey, nandyan na pala sila hindi mo man lang ako tinawag." Pagkasabi nito ay nagawi naman ang mata nito sa gawi ko na siyang ipinagtaka ko. "Hindi na kasi kita gustong abalahin, nagluluto ka pa kasi ng dinner kaya ako na ang nagbukas sa kanila." Sagot naman nito. Maya-maya'y si papa naman ang nagsalita at ipinakilala kaming dalawa ni Kuya Shun. "Oo nga pala, Pare, Mare, mga anak ko pala si Shun at Shan." Pagkasabi ni papa noon ay nagulat nalang ako ng biglang lumapit sakin ang ginang. "Oh my God, honey tingnan mo kamukha-kamukha siya ni Shannel hindi ba?" Saad nito na tukoy pa kay Mama. Napangiti naman si Papa sa sinabi niya. "Hija, you know what, you really looks like you're mother?"Aniya. "Kilala niyo po si Mama, Ma'am?" Tanong ko dito na nakapagpakunot ng noo nito. "Don't call me Ma'am hija, you can call me Tita Jasmine and yes kilala ko ang Mommy mo, she's my bestfriend" Nakangiti namang sabi nito na ikinatuwa ko. I didn't even know about my mother's whereabouts dahil ayaw pag-usapan ni papa which I understand dahil sa nalulungkot siya kapag nagkwekwento ito sa'min. "Talaga po t-tita Jasmine?" Tumango siya sabay ngiti. "Papa, who are they? Dito ba tayo titira? Nagugutom na'ko Pa." Napatingin nalang kami ng biglang nagsalita ang kuya kong makulit, nakakahiya talaga siya!. Binatukan naman siya ni Papa. "Ano ka ba umayos ka ngang bata ka." Mahina pero tama lang para marinig namin ang sinabi niya kay kuya. Si kuya naman ay kumunot pa ang noo pero nagbehave naman. "And he's exactly like you Seb" Natawa naman kami ng sabihin iyon ni Tita kay papa. "By the way, I'm your tito Jeferson, don't worry young man, nakaready na ang dinner." Hindi naman na nagsalita si Kuya pero kitang-kita ko kung paano lumitaw ang malaking ngiti nito. Timawa talaga ang lalaking yan kahit kailan. "Honey, tawagin mo na si Johann at Jess." Nang sabihin ni Tito iyon ay umakyat naman sa second floor si Tita samantalang iginiya na kami ni Tito papuntang dining area. Nang makaupo na kami ay namangha ako sa dami ng pagkaing nakahanda sa hapag kainan dahil parang may piyesta sa dami ng handa na nakalagay dito. Iba't ibang putahe kasi ang inihanda nila, ang kulang nalang yata ay lechon. Nakita ko naman si Kuya na dadamputin na ang kutsyara kaya dali ko siyang tinapik. "Mahiya ka naman, nasa ibang bahay tayo ohh" Mahina lang ang pagkakasabi ko nun sa kanya at alam kong narinig niya iyon. Tinignan lang niya ko ng masama at inilihis ang tingin sakin. "Ohh, kumpleto na tayo." Saad ni tito at nakita naman namin na kasama ni tita ang dalawa. "Sila na ba ang mga anak niyo?" Tanong naman ni Papa, hindi na'ko nag-abalang magtanong dahil kilala ko naman na ang dalawang taong nasa harapan ko ngayon. At alam kong kilala rin nila ako. "Ou pare, eto si Johann at eto naman si Jess. Kala mo ba pare ikaw lang ang may kambal? They are just at the same age ng mga anak mo." Saad naman ni tito na nagmamalaki. Totoo naman na parehas lang kami ng edad, we're eighteen mas matanda lang ata kami ni kuya ng 1 week. Pareho kasing December ang birthday naming apat. Syempre alam ko yun dahil kay Johann. "Malakas talaga ang dugo natin pare." Saad pa ni papa at nagtawanan pa sila nila tito at tita samantalang si Johann at Jess naman ay tahimik lang na nakaupo. Hindi ko alam kung tinitignan niya ako dahil ayaw kong tumingin sa kanya baka kasi isipin niya na sinusundan ko na nga siya sa school ehh sinundan ko pa siya sa bahay nila. "Johann, Jess. Siya si tito Seb niyo kaibigan namin ng papa niyo at sila naman ang mga anak niya si Shun at Shannon. They'll stay here muna hangga't hindi pa tapos ang renovation ng bahay nila, be good okay" Narinig ko namang sabi ni tita sa kanilang dalawa. Ngumiti lang si Jess pero si Johann ay parang wala lang hindi ko kasi mabasa ang expression niya. Nag-hi nalang ako sa kanila samantalang itong kapatid ko ay hindi pa magsasalita kung hindi ko pa siniko. Ilang minuto pa ang nakalipas ng matapos kaming kumain pero hindi pa namin naipapasok ang gamit namin saka hindi ko din kasi alam kung saan namin ilalagay ang mga gamit namin since hindi naman namin ito bahay. "Pa, we need to get our luggages, hindi pa natin naipapasok." Nakakainis talaga tong si Kuya parang alam niya kasi ang lahat ng iniisip ko pero masyado siyang vocal. "Oo nga pala I almost forgot, hindi niyo pa nga pala alam kung saan kayo matutulog pasensya na kayo. Napasarap kasi ang kwentuhan." Saad naman ni tito ng marinig niya ang sinabi ni Kuya. "Johann, tulungan mo muna sila Shun na ipasok ang gamit nila." Papa-akyat na nun si Shun sa hagdanan ng utusan ito ni Tita Jasmine. Bumaba naman ito kaagad at walang reklamong sinundan si Kuya Shun. Sumunod na rin ako dahil alam ko namang hindi bubuhatin ni Kuya ang gamit ko samantalang si Papa ay nagpaiwan sa living room dahil sabi ni tito ay kaya na daw namin ang pagpasok ng lahat ng gamit. Nakasunod ako sa likuran ni Johann na hindi man lang lumilingon sa gawi ko. Sabagay, ano nga bang iexpect ko ehh sa school nga parang hindi niya ko kilala kahit ako na mismo ang lumalapit "Shannon, ikaw ang bahala sa gamit mo! Ang swerte mo naman kung ako pa magbubuhat." Saad naman ni kuya na tatawa-tawa, hindi naman na'ko nag-abalang sagutin ang sinabi niya dahil paniguradong mauuwi na naman sa asaran kaya hinayaan ko na at isa pa, wala sa kanya ang atensyon ko ngayon. Nang makita kong nakapasok na si kuya dala ang maleta niya ay kinuha ko na ang kulay violet kong maleta. Hindi naman na'ko nagdala ng maraming gamit, yung mga kailangan ko lang. "Ahh t-teka Johann, it's m-mine ako na magbubuhat niyan." Kinuha ko ang maleta ko sa kanya pero hindi niya ibinigay. "Better get the other one." Simpleng tugon nito patukoy sa kulay Brown na maleta na si papa ang may-ari, akmang tatalikod na ito ng magsalita ako. "A-ano kasi, pwede bang pakibaba mo? Di ko kasi kayang b-buhatin eh." Hindi naman sa nag-iinarte ako pero hindi ko naman talaga kayang ibaba sa Van yung maleta dahil mabigat yun, hindi naman ako lalaki para magbuhat ng ganun kabigat. "Tsk." Narinig ko pang angal nito pero ibinaba din naman niya yun. "Thank you" Tumalikod na ito pagkatapos at sumunod nalang rin ako sa kanya, hindi ko lang mapigilan malungkot dahil parang hindi ako nag-eexist sa kanya kahit na alam kong wala naman talaga siyang pakialam sakin. Papasok na sana kami sa pinto ng huminto siya dahilan para mabunggo ako sa likuran niya, hindi kasi ako nakatingin at nakasunod lang sa kanya. "Hey, don't asume anything that you'll get close to me just because we're at the same roof." Nagulat man ako sa sinabi niya pero hindi na'ko nagtangkang magtanong, what for? He didn't even bother to look at me while saying that kaya paniguradong hindi din niya ko sasagutin ng maayos. And I know that he doesn't even care about my existence pero ganun pa man ay wala akong balak tigilan siya hanggang sa makuha ko ang attention niya. He will love me no matter what! End of flashback Haist.....I gasped when I remember some memories from the past. Talaga bang sinabi ko yun noon? Kapag naaalala ko ngayon kung gaano ko ka head over heels sa kanya ay parang gusto kong masuka. Pero I admit, kahit itanggi ko sa sarili ko ay hindi mawawala na naging masaya ko ng mga panahong iyon kahit puro masasakit na bagay ang narinig at natanggap ko mula sa kanya. "Miss Yu, naintindihan mo ba ang mga sinabi ko?" Nagulat nalang ako ng magsalita si maria, halos nakalimutan ko na kasi na nasa harapan ko na siya dahil sa lalim ng iniisip ko. "Ano nga ulit yun, Miss Hernandez?" Tanong ko naman sa kanya na siya namang ikanakunot ng noo nito at iiling-iling pa. "Ano ba kasing iniisip mo, masyado ka yatang pre-occupied Miss Yu, okay then, as what I'm saying, this is Mister Vuenavista's schedule for the whole week. Naglagay na rin ako ng some notes at details dito para malaman mo kung ano ang mga important meetings na hindi niya pwedeng ma-skip. One important thing is at the last part of this notebook, nakalagay dyan ang timpla ng kape ni sir, every 8am at 2pm siya nagkakape kaya wag mo yun kalimutan, another thing is that, you need to know kung maganda ba ang mood niya, dapat malaman mo yun kung ayaw mo masigawan dahil once na nagkamali kang magpapasok ng visitor na mainit ang ulo niya paniguradong tanggal ka." Ipinaliwanag lang nito kung ano-ano ba ang mga dapat kong gawin, I'm not familiar with this kind of stuff dahil never pa naman akong naging secretary. For godsake! I'm an Hr officer not a secretary pero ano pa nga bang magagawa ko? the management had decided and that's final. Okay na rin naman dahil nag-increase ang salary ko pero hindi ko alam kung matatagalan ko ba ang ugali niya. kahit naman hindi na ipaliwanag ni maria ang last part ay alam ko naman yun dahil nakasama ko siya sa isang bahay for 2 years. After ipaliwanag ni Maria ang mga dapat kong gawin ay pinapunta niya muna ako sa Hr department para ayusin ang records ko dun at isa pa ay kailangan ko munang asikasuhin ang ilang papeles na pinaasikaso sakin ni Maria about Johann's schedule for the next upcoming weeks dahil nagawa na niya yung whole week schedule ni Johann ay wala akong masyadong gagawin kundi ang iremind nalang ito about his schedule for the whole week. Sana lang ay walang maging problema. Pasado alas 2 na ng hapon ay patuloy pa din ako sa pag-ayus ng mga papeles ni Johann, medyo naguguluhan kasi ako dahil may mga papers na para sa schedule niya bukas at yung iba naman ay hindi ko alam kung saan ko isisingit dahil puno na rin ang schedule niya. Ang akala ko dati ay madali lang maging secretary but I'm wrong napakahirap pala. Napatigil lang ako sa pag-aayus ng mga papeles ng lumapit sakin si Maria. "Miss Yu, you have to be versatile, I know na mahirap sayo ito dahil hindi naman ito ang dati mong trabaho. Ganito nalang I'll give you my personal guideline para hindi ka mahirapan" Saad nito sabay abot ng isang tickler. Nagpasalamat naman ako sa kanya dahil dun. "Thank you, Miss Hernandez" "You're welcome, kailangan mo din kasi yan ehh." Nagtaka ko kung bakit parang may ibang ibig sabihin ang sinabi niya pero pinagpasawalang bahala ko nalang at ngumiti sa kanya. Binuklat ko lang ang tickler at may ibat-ibang nakasulat dun patungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin ng isang secretary, hindi pa man nalalayo ang pagbabasa ko ng mapansin kong hindi pa umaalis si Maria kaya tumingin ako dito. "Pasensya ka na Miss Yu, ipinapatawag ka kasi ni Sir." Napasimangot naman ako ng marinig kong sinabi niya iyon pero ano pa nga bang magagawa ko? Wala naman. As long as I'm commited in this company ay wala akong magagawa kundi ang sumunod. "Ngayon na?" Tumango naman ito kaya tumayo na ako para pumunta sa office ni Johann. Naglakad na'ko papunta sa office nito at ng nasa harap na'ko ay medyo kinabahan ako dahil sa hindi ko alam kung bakit naman niya ako pinatawag at isa pa ay hindi ko pa rin nalilimutan ang ginawa niya kanina kaya natatakot ako na baka kung ano ang gawin niya sakin. Inhale.... Exhale.... Pagkatapos kong gawin iyon, I composed my posture para hindi niya mahalatang tense ako, baka kasi isipin niya ay head over heels pa rin ako sa kanya. Pagkapasok ko ay tumambad sa harap ko ang isang silyang wala namang tao? Anong bang sinasabi ni Maria na hinahanap daw ako ni Sir kung wala naman siya dito. Akmang lalabas na sana ko ng marinig kong may magsalita. "Hey! Where are you going?" Alam ko naman kung sino yun pero hindi ako lumingon dahil pakiramdam ko ay nasa likod ko lang siya at hindi naman ako nagkamali. "Babe.." Nangilabot ako ng maramdaman ko ang mainit na hangin na dumapo saking tenga. "Ano ba!" Sigaw ko sabay layo sa kanya pero mas ikinagulat ko ng makita ko ang itsura niya. He's topless for goddamn sake. Those muscles that lives in his stomach made me swallowed my own saliva but before I think anything else, I stop my hallucination. Dali ko namang inilihis ang mga mata ko, this is the first time I saw him topless, mukhang kagagaling lang nito sa pagligo dahil amoy na amoy ko ang aftershave at shower gel na ginamit niya, napakamasculine, napailing nalang ako saking isipan ng maisip kong pinagnanasaan ko na siya. Kahit naman malaki ang pagnanasa ko sa kanya dati ay hindi ko ginawang silipan siya at isa pa, lust is different from love. I know that I blushed so hard at nakakahiya pero ganun pa man ay sinubukan kong tumingin ng deretso sa kanyang mga mata para hindi niya isiping apektado ko but I failed. "Looks like I still have an effect on you." He said in a bedtone voice. "W-with all due r-respect Mr. Vuenavista but as far as I remember, I have a right to be respected as a woman and an employee here in your company kaya hindi naman po tamang iharass niyo ko ng ganyan." Akusa ko sa kanya. Hindi ko mabasa ang isip niya pero ngumisi lang ito bago tumalikod, nakita ko naman na kinuha nito ang t-shirt na nakapatong sa couch doon at isinuot bago ito muling humarap sakin. "But I don't think this is so called harassment?" Nakangisi naman ito habang sinasabi iyon, I can't even imagine that he could be like this. Ano bang nangyari sa kanya at ano bang ginawa kong masama para gawin niya ito sakin. Nainis naman ako sa tinugon niya, I doubt he understood the woman code in the Philippines. Wala siya sa lugar para bastusin ako kahit na nga ba siya ang boss ay wala siyang karapatan kaya anong sinasabi niyang walang harassment sa ginawa niya. He even kissed me for gaddamn sake! I never knew na magagawa niya sakin ang ganitong bagay. "You know what...I can't take this anymore. I can bare to lose this job instead of being harassed at work. I'm afraid this will be my last day." Panakot ko naman sa kanya pero mukhang hindi effective dahil parang wala lang sa kanya ang sinabi ko. Nakakainis! Dahil parang natutuwa pa siya sa inaakto ko. "What else could I say? Yes?" Mapang-uyam naman niya na sabi sakin. Hindi ko alam kung ano bang tumatakbo sa isip ng taong ito but one thing is for sure. He's totally Insane! "I'm serious Mr. Vuenavista, if you continue doing this to me, I will quit this job." Alam ko namang napakakapal ng mukha ko para sabihin sa boss na magreresign ako pero yun na ang lumabas sa bibig ko kaya hindi ko na mababawi. Napatingin naman ako sa kanya ng masama ng bigla itong tumawa. "Hahahahahahahahaha.......Might as well do it then, since after we get married, you'll have to stay at our home" Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Ano daw? Is he insane? I don't even remember that I agreed on marrying him! siguro kung noon niya ko aalukin ay tatanggapin ko kahit alam kong ako lang ang nagmamahal pero ngayon na alam kong may iba siyang motibo? I doubt I'll accept it. And is he even proposing to me? I guess not, this is stupidity. "Are you insane? What marriage are you talking about." Takang tanong ko naman pero binigyan lang niya ko ng isang nakakakilabot na ngiti. Hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa uri ng tingin niya sakin. I'm afraid he'd did something that will reverse the wall I built for a long time. I can't bare to be hurt again. I can see it in his eyes, it wasn't happiness or excitement It's...... MADNESS... and it made me shivered.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD