**
The first time I saw him, it was like heaven. I can't believe that I was able to fall in just a sudden of seconds when in fact I never believe in love at first sight but couldn't I now? It happened already. I just fell in love in just a snap. However, rejection always existed; one-sided love will never work the reason why I stopped loving him.
**
"Shannon! Let's eat, bumaba ka na." That's my brother who shouted.
"Okay, I'll be there just a second." I shouted back.
You've heard it right, I'm Shannon Raine Song Yu. 23 years old, hindi kami mayaman pero hindi din kami mahirap, yung tama lang, may maliit na restaurant na pinapatakbo kami which my father inherited from my grandparents.
About my mother? Well, I've never been able to even see her face in person but I know she's beautiful dahil halos puno ng larawan niya ang buong kabahayan namin.
She died when she had given birth to us, me and kuya Shun. Even though she's not here, we still love her kahit na hindi namin siya nakita at nakasama ay alam kong mahal na mahal niya kami. Accoding to papa, she insisted to continue her pregnancy kahit na maari niyang ikamatay dahil sa may sakit siya sa puso. Bilib na bilib ako sa kanya dahil nagawa niya kaming isilang ni kuya kahit na alam niyang mamatay siya which had happened. Tama na nga nalulungkot na naman ako kapag naiisip ko!
Bumaba na'ko makalipas ng ilang sandali, tinapos ko pa kasi yung mga paper works na hindi ko natapos sa office kanina kaya kinailangan kong iuwi ang mga ito.
"What took you so long, hindi mo ba alam na masamang pinaghihintay ang pagkain." My father reprimanded. He's that strict since we were young pero hindi naman yung tipo na wala siyang pagmamahal sa'min, he was strict but yet so sweet.
"Papa naman ehh, wag na po kayong magalit tinapos ko pa po kasi yung pinagawa ng boss ko sakin, sorry na po." Saad ko naman sa kanya with a sweet smile, tumingin lang siya sakin at tumango bago ulit nagsalita.
"Okay, just don't do it again" Saad niya at nagsimula na kaming kumain, si kuya naman ay tahimik lang sa isang tabi na siyang nakakapagtaka pero hinayaan ko nalang rin baka may iniisip lang siya kaya ganyan umasta.
Nang matapos kong hugasan ang pinagkainan namin ay dumeretso na'ko sa itaas para sana matulog na dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan pero hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ay nakasalubong ko si kuya na kakalabas lang sa kanyang kwarto, magkatabi lang kasi ang kwarto namin.
"Nandyan ka pala, tamang-tama kakausapin talaga kita ehh."
"Huh? What do you need?" I sarcastically asked. I know him too well. He'll only talk to me in a good sense kapag may kailangan siya. It's not that hindi kami magkasundo. Talaga lang maloko yang isang yan, childish kumbaga.
"Little sister, I just want to ask a little favor.....hmmmm kasi diba ako yung naka-assign sa resto bukas, so, if you could substitute me for m-" Hindi pa man siya natatapos ay sumagot na'ko alam ko na kasi ang patutunguhan ng usapan na ito.
"What for? It's your obligation to do your duty why would I substitute for you anyway?" I asked with rejection tone.
"Shannon please pumayag ka na, may date kasi ko bukas ehh." I can't believe that he really is my twin brother, we're far similar and exactly opposite.
"What can I do, wala din naman akong magagawa, just make sure that when I ask you a favor, you'll do it." Paninigurado ko. Alam ko namang wala akong magagawa dahil kapag siya ang nanghingi ng favor ay alam kong gagawa ng paraan yan para lang masabotahe ang mga lakad ko para matulungan lang siya the reason why I can't refuse dahil ang favor niyan ay sapilitan.
"YES! thank you little sister."
Pagkasabi niya nun ay ginulo pa niya ang buhok ko saka siya tumalikod at sisipol-sipol pa.
Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay napabuntong hininga nalang ako sa isiping wala na naman akong pahinga bukas dahil after ng duty ko sa office ay deretso naman ako sa restaurant namin. Si papa kasi ang nagsabi samin na kailangan namin siyang tulungan sa restaurant kahit kakaunting oras lang kaya from 6pm to 10pm ay nagduduty kami ni kuya alternately to take incharge sa mga inventory ng sales, stocks at kung ano-ano pa.
Humiga nalang ako sa kama para makatulog na dahil kailangan ko ng lakas para sa toxic work na kakaharapin ko na naman bukas.
Papatayin ko na sana ang ilaw ng mahagip ng mata ko ang isang bagay, ang bagay na nakapagpaalala sakin sa kanya.
"Narito pa rin pala ang mga ito." Saad ko bago ko dinampot ang mga sulat na nakalagay sa sobre, nakita ko kasi na nalaglag ang mga ito mula sa ibabaw ng aparador, tinangay siguro ng hangin dahil bukas ang bintana ng kwarto ko. Those are actually love letters na ako mismo ang may gawa, I never been able to give those to him in person dahil bago ko pa gawin iyon ay natauhan na'ko ng makita ko siya na masaya sa piling ng iba kaya bakit pa ko sisingit kung alam ko namang kahit sa haba ng panahon na hinahabol-habol ko siya ay hindi naman ako nagtagumpay na makuha siya.
Pinulot ko nalang ang mga iyon at ibinalik sa lalagyan. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko kayang itapon ang mga iyon dahil aminin ko man o hindi ay isa yung magandang ala-ala na kahit hindi na nadugtungan ay hindi ko pinagsisihan.
Nang maibalik ko na ang mga sulat sa lalagyan nito ay agad na akong humiga sa kulay violet kong kama at ipinikit ang aking mga mata hanggang makatulog.
**
Maaga akong pumasok para maayos ko ang mga dapat maayos sa office at ng makarating na ako sa table ko ay sinimulan ko na ang trabaho.
"Jane, andyan ba si sir? I need his signature for this document." Tanong ko sa secretary ni sir Jaime.
"Medyo busy siya ngayon at mukang mainit ang ulo pero sige tatanungin ko kung pwede kang pumasok." Pagkasabi niya noon ay tumawag ito sa connecting phone sa loob para tanunging si sir Jaime kung pwede akong pumasok.
Makalipas lang ng ilang sandali ay tumango na sakin si Jane at sinabing pwede na akong pumasok.
Nang makapasok na ako ay napansin ko na agad ang patong-patong na papeles na kailangan niyang pirmahan, naisip ko nalang na kaya siguro mainit ang ulo niya ay dahil sa dami ng trabahong kailangan niyang gawin.
"Ahhh sir, e-eto na po yung mga d-documents na kailangan niyo pong p-pirmahan." Nag-alangan pa ko ng sabihin ko iyon dahil baka magalit siya pero mukang okay naman dahil hindi naman siya sumagot kaya minabuti ko nalang ilagay ang mga documents sa table niya at hindi na nagsalita.
Papalabas na sana ako ng bigla siyang magsalita.
"Ms. Yu, I just wanted to inform you that, this would be your last day here." Nagulat naman ako sa sinabi niya kaya agad akong napalingon.
"PO? What do you mean sir?" Natatakot na parang kinakabahan ako sa sinabi niya dahil wala akong natatandaan na may ginawa akong mali at violations para matanggal ako sa trabaho at isa pa ay almost 3 years na'ko sa company na ito since grumaduate ako ng BSBA ay ito na agad ang trabahong una akong natanggap at wala akong balak umalis.
"You heard me right, this will be your last day so clean your desk now." Saad pa niya na nakatingin sa mga mata ko na seryosong-seryoso.
"Sir, with all due respect, I don't remember that I did any violations or whatsoever illegal matter to be fired this way." Pagkasabi ko nun ay natawa naman siya sa di ko mawaring dahilan.
"I never said that you're fired, you just need to clean your things up now because you'll be transferred to our main branch in manila. And you need to report to them immediately on Monday, since Friday naman ngayon, you still have 2 days para makahanap ng matutuluyan dun." Saad pa nito na kinalito ko. It's not something that I'm complaining about the decisions they made pero kasi naman, ayoko ng bumalik sa manila dahil sa mga nangyari noon na ayoko na munang balikan at ayoko na rin sanang magtagpo pa muli ang landas namin.
"Sir, May I know the reason behind my reassignment?" Gusto ko lang naman malaman dahil napakaunusual na magpapatransfer sila ng tao from province.
"I don't know either. They just told me to send my best employee in my department and so far ikaw ang may pinakamagandang record." Sagot naman nito na siyang nakakapagtaka, ano yun wala man lang evaluation?
Wala na rin naman akong magagawa kaya nagdesisyon na akong pumayag at bago pa ako lumabas sa office ni Sir ay iniabot na nito ang reassignment letter.
"Thank you po sir." Tumango naman ito ng sabihin ko 'yon at ipinagpatuloy lang ang kanyang ginagawa.
Lumabas na ako ng opisina niya at nagsimula na rin akong maglinis ng lahat ng mga gamit ko sa desk, tinanong pa nga ako ng mga kasamahan ko kung tinanggal daw ba ako sa trabaho pero pinaliwanag ko naman sa kanila na kailangan kong umalis dahil ililipat na ako sa main branch.
Bago ako umalis ay nagpaalam na rin ako sa kanila at niyaya pa nila kong kumain sa labas para magcelebrate pero hindi na ako pumayag dahil may duty pa ako sa restaurant.
Pasado 6pm na ng makarating ako sa restaurant at inasikaso lahat ng customer at konting assist sa mga staff namin, nang pasado 9:45 na ay nagsimula na rin mag-imis ng gamit ang lahat ng staff para sa pagsasara ng restaurant kaya naman pumunta na'ko sa POS para kunin na ang sales namin at ilagay sa Volt. Matapos kong gawin ang lahat ng iyon ay agad na rin akong nagtungo sa locker para kunin ang gamit ko ng makauwi na.
Nang makarating ako sa bahay ay nandun na si Papa, palagi kasi siyang nasa head office namin sa manila pero umuuwi siya araw-araw dahil ayaw daw niyang mahiwalay samin ni kuya. Inaasikaso din kasi niya ang ilang mga branches namin sa laguna, Pampanga, Manila at dito din sa batangas. Hindi pa malaki ang company namin pero tama lang para mabayaran at matustusan ang lahat ng pangangailangan at utang namin.
"Papa, can we talk?" Napatingin naman siya sakin.
"Ano bang sasabihin mo? Importante ba yan 'nak?" Tanong niya habang inaalis ang nektie niya, tinulungan ko nalang siya sa ginagawa niya dahil mukhang nahihirapan siya sa pagtanggal nito.
"Papa, I need to go back to manila." Saad ko matapos kong matanggal ang nektie niya.
Napatingin naman siya sakin na parang nagtataka kaya naman sinagot ko na siya kahit hindi pa niya ko tinatanong.
"They transferred me to the main branch po Pa, and I need to report on Monday."
"Bakit parang biglaan? hindi ko pa naman napalinis ang bahay natin sa manila, it's been 3 months na ng nagpadala ako ng housekeeper dun 'nak."
"Don't worry Pa, I can manage"
"Okay then, wala naman na akong magagawa, I'll just ask Shun to come with you."
"No! I can manage Pa, hindi na po ako bata, hayaan niyo na'po si kuya dito, ayoko naman na ma-hussle pa siya dahil sa gusto niyo siyang sumama sakin sa manila dahil lang sa natransfer ako dun." Pagtanggi ko, hindi naman sa ayaw kong makasama si kuya, kaya lang kasi, paniguradong sira lagi ang mood ko kung sakaling kasama ko siya sa bahay.
"Okay then, just wait for a month tapos lilipat na rin kami ni Shun sa manila."
"You don't need to do that 'Pa." Kontra pa sana ko pero bigla naman itong napasimangot.
"Shannon, hindi naman ako papayag na titira ka don mag-isa at isa pa ay nadoon din naman ang trabaho ko kaya mas makakabuti kung naroon din kami and about Shun, ako ang bahala sa kapatid mo." Hindi na ako kumontra pa dahil alam ko namang hindi ako mananalo.
**
Pasado alas 4:00 pm ng makarating ako sa Makati, sumakay na'ko ng taxi papasok ng Subdivision dahil nasa bandang dulo pa kasi ang bahay namin and I don't think that I can lift 2 lugages just because I wanted to economize my fare budget.
"Manong, dyan nalang po sa tabi. Magkano po ba?" Matapos kong bayaran ang sobrang mahal na pamasahe ay bumaba na rin ako ng taxi, besides, wala naman din akong magagawa kung magcocomplain pa ako sa 150 pesos na pamasahe kahit hindi masyadong malayo. What could I expect? I'm here in the Philippines.
Nasa tapat na'ko ng bahay namin at wala naman gaanong pinagbago ang itsura nito, parehas pa rin ng dati, 2 storey house.
Binuksan ko na ang gate para makapasok na'ko pero hindi ko pa man nabubuksan ito ng mapansin ko ang isang bahay na katabi ng bahay namin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko ito napansin kaninang bumaba ako, siguro masyado lang akong preoccupied para hindi mapansin ang bagong tayong bahay sa tabi namin. I actually don't know kung sino ang may ari ng bahay pero maganda siya infairness.
"Miss, bago ka dito?" Natigil nalang ang pag-iisip ko ng may tumawag sakin.
"Ah hindi, mataggal na'kong nakatira dito pero ngayon lang ako nakabalik." Yung lalaking nasa katabing bahay na tinitingnan ko ang tumawag sa'kin. Infairness sa kanya matangkad, maputi, maganda ang katawan......napailing nalang ako ng maisip kong idinedescribe ko na pala siya sa isip ko pero totoong gwapo din siya.
"Ahh kaya pala di kita nakikita, by the way, I'm Jonathan." Pakilala naman niya sakin sabay lapit niya at iniabot ang kamay. Napangiti nalang ako at inabot ko ang kamay niya.
"So dyan ka nakatira?" Tanong ko naman sa kanya sabay turo dun sa bahay na kanina ko pa tinitingnan.
"Yes, pero hindi sakin ang bahay na'yan that's actually owned by my sister. Pero since hindi naman daw niya nagagamit kaya ako muna ang tumitira pansamantala." Tumango nalang ako sa kanya at ngumiti.
"Sige ha. I need to fix my luggage pa kasi ehh." Pagkasabi ko nun ay tatalikod na sana ko.
"Ahh ano? Baka kailangan mo ng tulong." He offered pero tinangihan ko na dahil for godsake mag-isa lang ako dito kaya mahirap na magtiwala kahit na sabihing gwapo pa siya. At isa pa, hindi naman basehan ang itsura kung mapagkakatiwalaan ang isang tao.
"No need but thanks anyway, Shannon nga pala name ko." Ngumiti nalang ako sa kanya, sinabi ko narin ang pangalan ko dahil pansin kong tinawag niya kong ano kaya naalala kong hindi ko pala nasabi ang pangalan ko.
Hinila ko na ang dala kong maleta papasok sa loob ng bahay at inayos ang lahat ng gamit ko para wala na rin akong aasikasuhin dahil kapag pumasok na'ko bukas sa trabaho ay paniguradong hindi ko ito maasikaso kaya pipilitin kong ayusin ang lahat ng dapat linisin ngayon.
**
Nagising akong ng 5am dahil sa ingay ng alarm clock na isinet ko kagabi. Gustuhin ko mang ibalibag ang spongebob kong alarmclock ay hindi ko magawa. Inaantok pa'ko pero kailangan kong magreport sa office, 11 pm na rin kasi ko natapos kagabi sa paglilinis, hindi pa nga ako tapos ehh pero di bale kasi lilinisin ko nalang yun sa dayoff ko.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, sinuot ko lang ang uniporme ko, uniform based kasi sa company namin unlike sa other company na kahit ano pwede basta hindi gaanong daring. Naglagay nalang ako ng light make up at sinuklay nalang ang buhok kong natural curly at matapos kong mag-ayus at alam ko nang presentable ang itsura ko ay lumabas nako ng bahay.
Nagcommute nalang ako, dahil hindi ko din naman magagamit ang kotse ko dito, nastock na yata. Sa haba ba naman kasi ng panahon na hindi ko'to nagagamit. Baka nga ibenta ko nalang ang kotse kong si Mocha tapos bibili nalang ako ng bago.
Almost 8:00 am na ng makarating ako sa office, hindi naman ako late dahil 8 naman talaga ang pasok ko ang beside 10 minutes advance ang relo ko kaya practically speaking. 7:50am palang kaya naman 10 minutes early ako.
Pagkapasok ko sa company ay agad akong dumeretso sa information desk since hindi ko pa naman alam kung saan ang Hr department dito.
"Miss, I'm from batangas branch, pinadala ko dito ni Manager Jaime Rodriguez." Saad ko sa babaeng nasa front desk.
"Wait lang Ma'am, I'll just check it on my list, my I.d po ba kayong dala?" Tanong naman niya. ibinigay ko naman agad ang Company's I.D ko para naman mapadali na.
"Okay na'po Miss Yu, Akyat nalang po kayo sa 26th floor and kindly go to office of the CEO." Bagamat nagtataka ko ay sinunod ko nalang siya. Imposible naman sigurong magkamali siya dahil ichineck naman niya iyon sa company's record at alam ko naman na nakasubmit na rin ang lahat ng record ko dito.
"Thank you miss." Saad ko sa kanya ng nakangiti at ngumiti din siya pabalik at sinabing "You're welcome Ma'am" Matapos kong tumalikod ay dumeretso kaagad ako sa elevator at ng makasakay ako ay pinindot ko na ang 26th floor.
Ilang minuto din ang lilipas bago ko marating ang 26th floor, pahinto hinto kasi kaya medyo natatagalan. Napaisip nalang ako na kung bakit naman sa CEO ako pinapunta ng babae sa front desk. Ano naman ang gagawin ng isang HR officer na kagaya ko sa Vice president office, dapat nga ehh sa Hr department ako pinapunta.
Ting...
Nabalik nalang ako sa pag-iisip ng makita kong nasa 26th floor na'ko. Lumabas ako agad ng elevator at daling naglakad para puntahan ang office nito,naglakad nako at nadaanan ko pa ang Hr department kaya naman pumasok ako dun, nailang pa'ko nung una dahil pinagtitinginan ako ng mga empleyado pero maya-maya lang ay may lumapit sakin na isang babae na nasa mid 30's ang edad.
"Excuse me miss, how may I help you?" She asked. Hindi naman na'ko nagdalawang isip na magtanong sa kanya since nandito narin siya sa harapan ko.
"Good morning Ma'am, I'm Shannon Raine Song Yu. Actually, Mgr. Rodriguez from batangas branch sent me here. It's nice to meet you Ma'am." I said calmly showing my professionalism and offer my hand for a shakehand, napangiti naman ako ng tanggapin niya iyon.
"It's nice to meet you too Miss Yu, I'm Lorry Villanueva, the Hr manager here. You can call me Ma'am Lorry. By the way, Mr. Vuenavista is expecting for you. Follow me, I'll bring you to him" aniya.
Sinundan ko naman siya, ang hindi lang maalis sa isip ko ay ang sinasabi niyang Mr. Vuenavista, napaisip nalang ako at nailing sa isipin pumasok sa utak, mali siguro ang iniisip ko. Hindi naman siguro siya iyon at isa pa masyadong malaki ang manila para magkita kami.
"Miss Yu? Are you okay?" Tanong nito na ikapula ng mukha ko. Malamang nakita kasi nito na ngingisi-ngisi ako. She might think that I'm mentally incapable. Nakakahiya!
"Don't mind me Ma'am, may bigla lang po akong naalala" Saad ko sabay ngiti sa kanya. Si Ma'am lorry naman ay ngumiti lang pabalik.
Nang marating namin ang office ng CEO ay sumalubong sa'min ang isang babaeng nasa mid 20's nasa 26 or 27 na siguro siya at base sa itsura niya ay mukhang hindi siya komportable sa suot niya. Nang makalapit kami sa kanya ay doon ko na lang napagtanto kung bakit parang hindi siya mapakali.
"Ohh Maria, bakit kasi hindi mo pa ipaadjust yang uniform mo eh, masyado ng malaki ang tyan mo para suotin pa yan." Saad ni Ma'am Lorry sa kanya. Malaki na kasi ang tyan nito at mukhang kabuanan na kaya naman nagtataka ko kung bakit nagtatrabaho pa ito dahil dapat ay nagmaternity leave na ito.
"Hindi na kailangan yun Ma'am Lorry, mag mamaternity leave na rin naman na'ko kaya gastus lang kung magpapagawa pa'ko hindi ko rin naman magagamit ng matagal." Saad naman nito, napatingin naman bigla sakin si Ma'am Lorry at tila ba nalimutan na niya ako.
"Ahh ou nga pala Maria, Nandyan na ba si Sir? His new secretary is here." Saad pa ni Ma'am Lorry na siyang ipinagtaka ko. Ako new secretary?Sa pagkakaalam ko ay Hr officer ako at kailanman ay hindi ako nag-apply ng ibang position maliban don kaya anong sinasabi niya.
"Ay siya ba'yun sige Ma'am Lorry, iwan mo na siya. Ako na ang bahala sa kanya." Pagkasabi naman ni Maria nun ay umalis na rin si Ma'am pero bago pa ito umalis ay ngumiti muna ito sakin at sinabing galingan ko daw.
Nagtataka man ako sa sinabi niyang new secretary daw ay ipinagpasawalang bahala ko nalang dahil sa inaakala kong nagkamali lang siya pero ako pala ang nagkamali.
Dahil pagkapasok na pagkapasok namin sa Office ng CEO ay nagulantang ako sa taong nakaupo sa silya na iyon.
"Sir, nandito na po si Miss Yu, you're new secretary" Pagkasabi ni Maria nun ay lumabas na ito at kaming dalawa nalang ng lalaking nasa harap ko ang naiwan sa loob ng opisina. Nakangisi ito na tila ba ay nanalo sa lotto, nakakatakot ang paraan ng pagtingin niya pero ganun pa man, pinilit kong icomposed ang sarili ko at alisin ang gulat sa expression ko.
"G-good morning, Sir, it's my pleasure to see you" Nabulol pa'ko ng sabihin ko yon pero mas nagulat ako sa isinagot niya.
"It's a pleasure to see you too Babe" Hindi na'ko nakagalaw sa kinatatayuan ko ng lumapit ito at ang mas ikanagulat ko pa ay ang sunod niyang ginawa.
He kissed me.....