Teaser

592 Words
Tumugtog na ang wedding song na siya namang inihanda ni Dad at Mom.......naglalakad na kami papunta ng altar at halos lahat ay nakatingin sakin na tila namamangha. Magiging masaya sana ako kung ganun rin ang nakikita kong reaksyon sa lalaking mahal na mahal ko pero HINDI dahil ang ngiti na iyon ay isa lang pilit na ngiti. Napipilitan siya! yan ang pumasok sa isip ko. Bahagya akong napahinto ng makita ko na may pumatak na luha sa mga mata niya, malayo siya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang bagay na iyon. Siguro ang iniisip ng lahat ng narito ay masaya lang ito but they are all wrong. Napipilitan lang siya ng dahil sa...........magiging ANAK namin. Kasalanan ko ito, dapat pa ba akong magpatuloy? "Hija, may problema ba?" Nakita kong nakatingin na pala sakin si Daddy at nag-aalala ang tingin nito. "N-No.... a-ayus lang po ako Dad. Kinakabahan lang po." Pagsisinungalin ko at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ni Johann. Ngumiti ito sakin sabay sabing "Y-you're so beautiful." Pero alam kong sa likod ng mga ngiti na iyon ay ang kalungkutan dahil ako ang babaeng kaharap niya at hindi ang babaeng mahal niya. Napatungo naman ako sa isiping iyon pero binigyan ko pa rin siya ng isang ngiti. Ngiti na puno ng pagmamahal! Nagpapakatanga na ba talaga ako? Nagiging makasarili ba talaga ako? Ganito na ba talaga ako kadesperada para lang makuha siya? At ganito na ba ako kasamang ina para gamitin ang anak ko para lang makuha ang ama niya? Ilan lang yan sa mga katanungan ko sa aking isipan. Alam kong may mali sa ginagawa ko pero bakit ba ako nagpapatuloy? Patuloy lang ang seremonya ng kasal at ganun din ang pag-aalinlangan sa isip ko. Tiningnan ko si Johann sa gilid ko pero ganun pa rin ang lungkot na namamayani sa kanya. "Miss Shannon Raine Yu, do you take Mr. Johann Carlo Vuenavista as your lawfully wedded husband?" Ani ng pari. Bahagya akong napahinto, what should I do? Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong isagot kaya napatungo nalang ako. Hanggang sa kusa nalang lumabas sa bibig ko ang salitang. "I-I DO" Kung ganon, tanga pa rin talaga ako, martyr at isang makasariling babae. Tama ba talaga ang isinagot ko?! Lumingon ako muli kay Johann na ngayon ay tila natataranta na, nakita ko pang tingin ng tingin ito sa relo niya. Kung ganon, mali na naman pala ang desisyon ko. "Mr. Johann Carlo Vuenavista, do you take Ms. Shannon Raine Yu as your lawfully wedded wife?" Narinig ko pang tanong ng pari pero wala roon ang isip niya. Tinititigan ko siya not because I'm expecting for a yes because for sure he would decline. Nang pangalawang beses na tinanong ng pari si Johann ay lumingon ito sakin. "Mr. Johann Carlo Vuenavista, do you take Ms. Shannon Raine Yu as your lawfully wedded wife?" Nakita kong nangungusap ang mga mata niya. Nasasaktan siya at kasalanan ko iyon! Ngumiti lang ako sa kanya hindi dahil sa nagdidiwang ako kundi para ipakita sa kanya na Malaya na siya. "I u-understand." Saad ko ng makahulugan sa kanya bago ako tuluyang humarap sa pari. "H-He doesn't" Saad ko sa pari. Mga salita na alam kong magpapabago ng buhay ko sa mahabang panahon at sana lang ay wala akong pagsisihan dito. This is how it goes, letting go is hard but what is harder is to imprison someone you love who loves someone else. Learn to let go.........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD