CHAPTER 12

1149 Words
Hinatid na ni Synj si Gaia sa kwarto nito para makapagpahinga na. Naiisip niya na pagod lang ito kaya kung ano ano ang nakikita kahit wala naman talaga itong nakita kanina sa veranda. Kahit pa iniisip niya na namalik mata lang ang dalaga, may isang bahagi sa isip niya na totoo nga ang nakikita nito. Naisip niya na isailalim ang dalaga sa MRI para makita niya kung ano na ang nangyari sa blood clot sa bahagi ng utak nito na dahilan ng pagkakaroon nito ng amnesia. "Gaia." Tawag pansin niya sa dalaga bago pa nito maisara ang pinto ng silid. "Synj?" tawag nito sa pangalan niya na tila nagtatanong. "Okay lang ba ipaschedule kita ng MRI para macheck natin ang lagay ng blood clot sa utak mo?" sagot niya sa dalaga. "Ikaw ang doctor, Kung sa tingin mo kailangan ko iyon walang problema." nakangiting sagot ni Gaia kay Synj. "Okay. Itatawag ko na agad sa hospital para maschedule ka na agad." masayang saad ni Synj. "Sige magpahinga ka na. Tatawagin nalang kita pag nakapagluto na ako." dagdag niya pa bago tumalikod sa dalaga. "Synj!" malambing na tawag ni Gaia sa binata bago pa ito tuluyang makalayo sa silid niya. "Yes?" sagot ni Synj ng humarap kay Gaia. "Thank you!" malambing pa din ang boses na may matamis na ngiti mula sa labi nito. "You're always welcome. Pahinga ka na." nakangiting saad ni Synj bago tuluyan ng lumayo at pumunta sa ibabang bahagi ng tahanan. Pagkasara pa lang ng pinto ng kwarto ay agad na tumungo si Gaia sa kama at pabagsak na humiga dito.  "Lumabas ka na diyan." seryoso niyang sabi habang nakahiga at nakatingin sa kisame. Nang walang sumagot at walang kumilos ay agad siyang umupo at tumingin sa may bintana ng silid niya. "Ako ba ang lalapit sa iyo o ikaw mismo ang magpapakita sa akin." seryoso niyang dagdag sa sinabi. Unti unti ay pumasok ang isang tao na mula sa bintana. "May kasama ka pa!" dagdag pa ni Gaia. Iiling iling lang ang taong kakapasok lang mula sa bintana at inilabas ang isang kamay sa bintana na parang may kinawayan itong inaanyayahang pumasok din sa silid. Maya maya pa ay pumasok na din ang isa pang tao. Bale dalawa ng tao na may bonet na nakaitim na longsleeve at itim na leggings ang nakaharap kay Gaia. "Anong kailangan nyo?" masinsinang niyang tanong habang nakatingin sa dalawang tao na di pa din kumikilos. Tila kumportable ang pakiramdadam ni Gaia sa mga taong kakapasok lang sa silid niya. Hindi siya nakaramdam ng takot o pagkabahala. Nagtaas ng kamay ang isa sa mga estranghero at tila kumaway kay Gaia. "Kilala nyo ba ako?" tanong muli ni Gaia. Nag-alis ng bonet ang isa sa mga tao at nakangiti itong nakatingin kay Gaia. "Hi Sky!" alanganing bati nito kay Gaia. Napangiti si Gaia sa nakita. "Ikaw tanggalin mo ba din ang bonet mo.... Moon!" masayang saad ni Gaia. Mabilis na tinanggal ni Moon ang bonet at kita sa mga mata ni Moon at Brite ang pagkagulat. "Paanong?" tila naguguluhang tanong ni Brite na nakatingin pa din kay Sky. Nakamasid lang si Moon na tila nakuha na ang nais iparating sa kanila ni Sky. "Okay na ako Brite." Panimula ni Sky sa kaibigan. Tumayo na si Sky mula sa kama at lumapit na sa mga kaibigan.  "Huwag nga kayong parang nagtataka. Baka kayo na ang may amnesia. Nalimutan nyo na kung ano ang kaya ni Sky." tila may pangungutya sa boses na saad ni Sky. Tila nahimasmasan ang dalawa at agad na lumapit sa pwesto ni Sky at tuwang tuwa na yumakap ang mga ito kay Sky na tila sabik na sabik din na makayakap ang dalawa. "Waaaa.... masaya ako kasi wala ka ng amnesia." masayang saad ni Brite na hindi pa din humihiwalay ng pagkakayakap kay Sky. "Shhhh. Baka marinig tayo ni Doc." saway naman ni Moon na ngayon ay bumitaw na sa pagkakayakap sa kaibigan. "Kelan ka pa nakaalala?" tanong ni Brite na ngayon ay humiwalay na din sa pagkakayakap kay Sky. "Nung nakita kita kanina. Parang nagrewind lahat sa akin at naalala ko ang lahat." maikling paliwanag ni Sky sa tanong ni Brite. "Ano kakatayin mo na si Doc na sinasabing asawa ka niya?" pang-aasar ni Moon kay Sky. "Hoy ano ka ba ang bait ng taong yun kaya kahit gusto kong pilipitin ang leeg niya hindi ko gagawin kasi di niya naman sinamantala ang pagkakataon." natatawang sagot ni Sky sa pang-aasar ni Moon. "Asan sila Sly, Star at Cloud?" tanong ni Sky sabay silip sa may bintana. "Wala sila." nakangiting sagot ni Brite. "Tumakas lang kami ni Moon kasi miss ka na namin." dagdag pa ni Brite. "Hindi nila ako namiss?" malungkot na tanong ni Sky kay Brite. "Naku naku naman. Softy ka na ba ngayon Sky?" nakangsing asar muli ni Moon kay Sky. "Hahaha. Oo ata. Kasi masyadong mabait ang kasama ko dito sa bahay. Nakakahawa pala yun." natatawang sagot naman ni Sky. TOK TOK TOK Sabay sabay silang napalingon sa pinto. "Gaia kakain na tayo." boses iyon ni Synj mula sa labas ng silid ni Sky. Nilagay ni Sky ang daliri sa labi upang sabihan ang dalawa na manahimik muna kasi tila may mapang-asar na tingin ang mga ito sa kaniya. "Okay Synj. Sunod nalang ako." sagot niya nang hindi man lang lumapit sa pinto. "Okay! Hintayin nalang kita sa dining area." sagot ni Synj. Nang maramdaman nila ang mga yabag ni Synj na palayo na sa silid ay agad namang inasar ni Brite at Moon si Sky. "Ano ba naman yang asawa mo wala man lang endearment sa iyo!" asar ni Brite kay Sky. "Oo nga hindi man lang 'Honey dinner is ready!'" dagdag pang pang-aalaska naman ni Moon.  Napuno ng asaran at tawanan ang silid ni Sky. Ngayon lang siya ulit nakatawa ng ganun simula ng maaksidente siya. Masaya naman siya kasama si Synj pero ipa pa din talaga ang naidulot sa kaniya na makasama muli ang mga kaibigan. Naghihintay si Synj sa may hapag-kainan ng mamalayan niyang palapit na si Sky duon. Tumayo siya at tila natigilan sa nakita.  "Synj! Si Brite at Moon nga pala!" pakilala ni Sky sa dalawa niyang kasama. Nakangiti ang mga ito at may pagkaway pa. "Mga kaibigan ko sila. Makikikain sa atin. Okay lang ba?" dagdag na saad pa ni Sky. Kita niya ang kalituhan sa mga mata ni Synj na hindi pa din naaalis ang tingin mula sa kanilang tatlo. "Magpaliwanag ka Sky!" nakangisi na namang asar ni Moon kay Sky. "Sky?" tila nagtatanong na saad ni Synj na pinagsasalit salitan ang tingin sa tatlong babaeng kaharap. "Doc mamaya na siya magpapaliwanag sa iyo. Gutom na kami kasi." makulit na sabi ni Brite na mabilis na naupo sa upuan sa dining table. Umupo si Synj na tila naguguluhan pa din sa mga oras na iyon. Wala na siyang nagawa kundi sabayan ang mga ito sa pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD