Ilang araw na napapansin ni Synj na tila wala sa sarili si Gaia. Ilang araw na itong di masyadong makausap at tila di na masigla kahit pa makipaglaro kay Shady ay di din nito ginagawa. Ang tanging ginagawa lang lagi ngayon ni Gaia ay umupo sa may veranda at tumanaw sa lawa ng Taal.
Hindi na siya mapakali kaya naman nilapitan niya ang dalaga. Umupo siya sa tabing beach chair nito at nagrelax siya muna at pinakiramdaman ang dalaga.
"Gaia!" tawag pansin niya dito.
Lumingon si Gaia kay Synj ng sandali at bumalik ang tanaw sa lawa.
"May problema ba?" tanong ni Synj sa dalaga na nanahimik pa din.
"Wala naman akong problema. Medyo nababagabag lang ako sa mga napapanaginipan ko." prangkang sagot naman ni Gaia sa tanong ni Synj.
Bahagyang nabahala si Synj sa narinig na sagot ng dalaga.
'Nakakaalala na kaya siya?' munting tinig sa isip ni Synj.
"Gusto mo bang ikwento sa akin ang mga napapanaginipan mo?" may pag-aalala sa boses ni Synj na pag-eencourage na magkwento ang dalaga sa kaniya.
Umupo ng ayos si Gaia at humarap kay Synj.
"May hindi ka ba sinasabi sa akin? Ano ba ako nung di pa ako naaaksidente? Sino ba ako sa pagkakakilala mo?" nakatitig na si Gaia kay Synj na siya namang hudyat ni Synj na umupo na din ng ayos at harapin ang dalaga.
"Ikwento mo sa akin kung sino ako." dagdag pa ng dalaga.
Napabuntong hininga si Synj na para bang ang hirap sa kaniya para ikwento dito kung sino nga ba talaga siya.
'Hindi ko din alam kung sino ka talaga. Paano ko ikekwento sa iyo ang pagkakakilala ko sayo gayung di naman ikaw talaga si Gaia.' tumatakbong bagay sa isip ni Synj habang nakatitig na sa mukha ng dalaga na puno ng kuryusidad.
"Hmmm. Where do I start?" tanong ni Synj na nakangiti sa dalaga.
Biglang tumalim ang tingin ni Gaia kay Synj na ikinagulat ng binata. Sabay hablot sa kaniya at pinahiga siya sa sahig.
Sa pagkagulat ni Synj ay di siya nakahuma agad at kita niyang mabilis na tumayo ang dalaga at tumakbo palapit sa gilid ng veranda na tila may hinahabol ito ng tingin.
"Shoot!" tanging salita na namutawi sa bibig ng dalaga na tila naiinis ito kasi di nahabol ang nais habulin.
Unti unti nang tumayo si Synj mula sa sahig at nilapitan si Gaia.
"What have you seen?" tanong niya dito ng makalapit siya dito.
"May tao kanina. Nakabitin diyan sa veranda." matapang na saad ni Gaia na magkasalubong ang kilay.
Natigilan si Synj. 'May nagmamanman ba sa amin? Natagpuan na ba si Gaia ng mga taong sinasabi ng lalaking iyon na naghahanap sa kaniya?' mga tanong na di niya maisatinig sa dalaga.
Mukhang kailangan niya na munang mailayo ang dalaga sa lugar na iyon. Baka ito na ang sinasabi ng lalaki na mga maghahanap sa dalaga pag dating ng araw. Hindi niya pa masabi sa dalaga ang totoo kasi di niya din alam kung makakabuti ba ito o makakasama sa dalagang kasama.
"Anong alam mo?" matapang na tanong ni Gaia kay Synj na ngayon ay parang nahimasmasan na sa pag-iisip.
"What do you mean by that?" tila naguguluhang tanong ni Synj sa tanong ni Gaia sa kaniya.
"Bakit may parang nagmamanman sa bahay? Ilang araw na akong nakakaramdam ng kakaiba. Parang laging may nakatingin sa akin o sa atin." sabi ni Gaia na tila sigurado ito sa sinasabi.
"Nagmamanman?" balik tanong ni Synj.
"Oo. Nagmamanman." sagot naman ni Gaia. "May atraso ka ba? May ginawang masama kaya may mga taong nagtatangka na pumasok dito sa bahay?" dagdag pa nito.
"Wala akong atraso o anupaman." pagtanggi ni Synj sa tila akusasyon ng dalaga sa kaniya.
"Ako?" nagtatanong na ang mga mata ni Gaia na nakatitig kay Synj. "Baka ako may atraso o anopaman."
"I don't think so!" paniniguradong sagot ni Synj.
Wala namang pag-aalala sa mga mata ni Gaia. Ngunit andun ang isang mas matapang na personalidad na ngayon lang napansin ni Synj na ngayon lang naipakita ng dalaga sa kaniya simula ng tumira ito dito. Alam niya naman na matapang ito pero ngayon parang mas naging matapang at nakikita niya na sa mga mata nito kung gaano ito kasiguro sa mga kinikilos nito.
****
"s**t! s**t! s**t! muntik na ako dun ah." bulong ni Brite habang nakabitin sa ilalim ng veranda na napagkakitaan sa kaniya ni Sky.
Naririnig niya ang mga pinag-uusapan nila Sky at ng kasamang lalaki.
"Pumasok na muna tayo sa loob. Baka namalik mata ka lang." narinig niyang sabi ng lalaki kay Sky at narinig na niya na ang mga yabag na papalayo sa kinaroroonan niya.
Mabilis na kumilos si Brite mula sa kinaroroonan at tinungo ang papalabas ng tahanan na ngayong tinitigilan ng kaibigan.
"Ano nakita mo na siya?" tinig na nagmumula sa earpiece na nakalagay sa tenga ni Brite.
"Hehe. Muntikan pa nga akong mahuli." tatawa tawang niyang sagot sa tanong sa kaniya ng kausap mula sa kabilang linya ng earpiece.
"Masaya ba siya?" tila may lungkot sa boses ng kausap ni Brite.
"Oo pero kanina kitang kita ko sa mga mata niya na parang si Sky na hindi naaksidente at may naaalala siya sa mga kilos niya kanina. Ganun pa din kalakas ang pakiramdam niya at napakabilis pa din ng kilos. Parang malapit ng magbalik sa atin si Sky." masayang balita ni Brite.
"Talaga ba? Baka makatay niya ang talipandas na umampon sa kaniya." may pagkabahala sa boses ni Moon.
"Mukha namang mabait yung doctor na yun. Baka nga mainlove na si Sky at di na bumalik sa atin kasi inaasikaso siya talaga dito." kahit nalulungkot ay masaya pa din si Brite sa sinabi kasi alam niyang mas magiging tahimik ang buhay ni Sky at hindi na muli masasabak sa magulo nilang mundo.
Alam nilang lahat na di basta basta aalis si Sky sa trabaho nila. Isa si Sky sa pinakamagaling na assassin sa organisasyon. Kahit nais pa ding makasama ni Brite si Sky ay mas nananaig ang kasiyahan niya na maging ligtas ito at kung maari wag ng makaalala pa para naman hindi na nito kailangan bumalik sa mundo na delikado na kinabibilangan nila.
Sa klase ng trabaho nila dapat wala silang pakielam sa isa't isa. Iyon ang isa sa mga patakaran sa organisasyong kinabibilangan ngunit si Sly mismo ang nagpakita sa kanila ng kabutihan at pagmamahal na kahit mga ulila sila at pinalaking mga walang awang assassin ay hindi hinayaan ni Sly na mamuhay sila ng parang mga bagay lang na ang pakay ay walang awang mga tao. Ninais ni Sly na kahit papano ay may mabuong pagkakaibigan sa mga alaga niya para naman sila sila din ang maging back up ng bawat isa sa panahon ng kagipitan.