CHAPTER 10

1073 Words
Hawak ni Sky ang baril niyang may silencer at itinutok sa bantay ng warehouse kung saan ang misyon niya. Walang kagatol gatol niyang ipinutok iyon sa ulo ng lalaking mabilis na humarap sa kaniya at akmang babarilin siya. Hindi makikita ang awa o ano mang pagsisisi sa mga mata niya. She's a cold blooded assassin. Nasa isang lugar siya sa Cavite kung saan may kailangan siyang iretrieve na impormasyon na pinapakuha ng client nila. Bago tuluyang makapasok sa information room si Sky halos ubusin niya ang mga bantay na nandun. "NO MERCY!" yan ang kinalakihan niya sa kampo ng mga assassins. May possibility din na makaharap niya ang mga nakasama sa loob ng kampo. Minopolize ng Assassins for hire ang mga professional killers para sila lang ang tatakbuhan ng mga taong may kailangan ng serbisyo nila. Nang makalapit na sa information room pinakiramdaman niya muna ang silid mula sa labas. Nang walang maramdaman at marinig ay mabilis niyang binuksan ang silid. Lumapit siya agad sa computer at naupo sa harapan nito at hinanap ang file na kailangan. Mabilis siyang nagtipa ng ng mga posibleng password sa file. Nang may narinig siyang yabag mabilis niyang winasak ang cpu upang kuhanin ang Harddrive nito. Ayaw niya ng maatrasado. Nang may pumasok sa silid ay agad nanlaki ang mga mata niya. "Yow Sky!" nakangisi nitong bati sa dalaga at nakatutok ang baril ng lalaking kakapasok lang sa kaniya. "Trip!" singhal niya na nakakunot ang noo at nakatutok din ang baril niya sa kaharap. "This will be fun!" iiling iling na pangungutya ng lalaki. Agad niyang pinaputukan ang kaharap ngunit mabilis itong nakailag . Mabilis siyang tumakbo sa may salamin at pinaputukan ito upang mabasag ito at mabilis siyang tumalon mula sa espasyong nabasagan ng salamin. Mabilis niyang inalagay sa bag niya ang harddrive at mabilis na tumakbo palayo habang pinagbabaril siya ng lalaki at may mga nakasalubong pa siyang mga kasama nito. Lahat pinaputukan niya ang mga nakakasalubong at lahat naman ay tinamaan niya sa noo. Accurate shooter siya kaso mabilis labg talaga kumilos si Trip. Kasama niya ang binata na sa kampo na din lumaki kasabayan niya. Hindi ito kabilang sa grupo ni Sly na kinabibilangan niya. Nang makalabas ay agad niyang hinanap ang motor na gamit at mabilis niya itong tinungo at sinakyan. Agad niyang inistart ito at pinaharurot palayo sa warehouse. Walang lingon likod na pinaandar ang motor. Kaya hindi niya nakita ng pinaputukan ang gulong ng motor niya na siya niya naman ikinatilapon sa semento. Unti unting nawala ang ulirat niya sa pagkakatama ng ulo niya sa semento. Huli niyang nakita bago makapikit ay ang lalaking nagngangalang Trip. "Sky lampa ka pala!" tatawa tawa nitong sabi sabay kuha ng bag na nakasukbit sa katawan ng dalaga na naglalaman ng haddrive. Binuhasan nito ng gasolina si Sky at mabilis na inihagis dito ang sigarilyo at iniwan ang dalagang nasusunog. Mabuti nalang may dumating agad na mga tao at inapula ang apoy na nakabalot sa dalaga. Siya namang saktong dating ng doctor na napadaan lang na pauwi na. Mabilis nitong itinabi ang sasakyan Hinawi ang mga taong nakapaligid sa taong nakahandusay sa kalsada. "Makikiraan po! Doctor po ako." malakas niyang sabi at nilapitan ito at tinignan ang nasunog na dalaga at tinignan ang pulso upang tignan kung buhay pa ito. Nang makapa ang pulsuhan ay may mumunting pintig ito at mabilis na kinuha ang cellphone sa bulsa at tumawag ng ambulansiya. Mabilis na nakarating ang ambulansya at maingat na inilagay ang dalaga sa stretcher at isinakay sa ambulansiya. Sumunod nalang ang doctor sa ambulansiya hanggang sa makarating sa hospital. Mabilis na ibinaba sa ambulansiya ang dalaga at ipinasok agad sa emergency room. "She can't be here. Prepare the operating room may tama ang ulo niya at kailangang malinis ang sunog sa katawan niya." mabilis na sabi ng doctor na nakakita kay Sky. Mabilis ang bawat kilos ng mga nurse at sinunod ang sabi ng doctor. Agad na nagpalit ang doctor ng damit para sa pag-opera sa dalaga. Habang nasa operating table nilinis ang sunog na mukha ng dalaga. Yun ang napuruhan ng magliyab ito. May malaking bukol sa ulo na naipon ang dugo sa utak nito at sanhi ng blood clot na kailangang matanggal. Aligaga ang lahat upang mailigtas ang dalaga. Inabot ng ilang oras ang ginawang operasyon bago ito dinala sa ICU. May mga dumating na mga pulis upang imbestigahan ang nangyari. "Sino ang nakakita sa biktima?" tanong ng imbestigador sa nurse na nasa nurse's station. "Si Doc Synj po." sabi ng isang nurse na itinuro ang kinalulugaran ni Synj. *** "Synj bakit parang kakaiba si Gaia?" tanong ni Zen sa kapatid. Kakatapos lang nila kumain ng hapunan at nagpaalam si Gaia na aakyat na kasi masakit ang ulo nito. "Di ba kahit naman may amnesia same personality pa din?" may pagtataka pa din sa boses. "Traumatic experience kasi Zen. Kaya nag-iba din ang personality niya." sagot nito na pilit ng pinapaniwala ang kapatid. "Ahh." sumang ayon nalang si Zen kahit di ito kumbinsido. "Synjie nagpupunta pa din ba si Ralph dito sa bahay mo?" malambing na boses na pag iiba ni Zen ng topic. "Oo madalas pa din naman pumupunta dito si Ralph. Check niya din from time to time si Gaia." sagot nito habang nagpupunas ng pinggan na hinugasan at inilalagay sa kabinet. Napangiti si Zen. "Synj di niya ba ako tinatanong sa iyo?" kuryuso nitong tanong. Tumigil si Synj at nag-isip. "Hindi!" maikli nitong sagot sabay balik ulit sa ginagawa. Napasimangot si Zen. "Wala na talaga akong pag-asa kay Ralph." malungkot niyang sabi at napangalumbaba sa lamesa. Nagbabad si Gaia sa bathtub. Gusto niyang marelax ang katawan parang napagod siya makipagkwentuhan kay Zen at makulit din kasi ito. Habang nakababad ay ipinikit niya ang mga mata. May narinig siyang nagbabarilan at pagsabog kaya bigla siyang napamulat. Napasapo siya sa kaniyang dibdib na parang hinahabol niya din ang hininga. "Shoot. Ilang araw na akong nakakapanaginip ng pagbabarilan." nasabi niya sa sarili sabay inilubog ang ulo sa bathtub. Nanatili ng ilang segundo ang paglubog ng ulo niya sa bathtub. Napaisip siya bakit parang sanay siya sa matagal na paglubog sa tubig. Eksperto siyang huminga ng marahan sa ilalim ng tubig. May mga nakikita siyang mga mukha ng mga babae at isang lalaki na may edad na. "Sky" nakangiting bati sa kaniya ng isa sa mga babae. "Brite!" mahinang sambit niya habang nakababad sa bathtub sabay napaahon siya mula sa pagkakalubog sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD