"So... ang sinasabi mo ngayon sa akin ay nagkakausap na kayong dalawa ng kapitbahay mong minalas sa asawa?" tanong ni Donald. Tumango si Clinton. "Oo... ngayon lang kami nagkausap. Kailan lang naman kasi siya lumabas-labas ng kanilang bahay. Hindi naman kasi siya lumalabas talaga. Palagi lang siyang nasa loob ng bahay nila. At iyon na nga, nagkakausap na nga kami." "Hmm.... usap nga lang ba o baka naman tinitikman mo na siya?" Matalim na tinitigan ni Clinton ang kaniyang kaibigan. "Ano ba ang akala mo sa akin? Malibog na kagaya mo? Matagal na panahon na rin noong huli akong nakipagtalik at sa asawa ko pa iyon. Ni minsan hindi pumasok sa isip ko na tumikim ng ibang babae. Sa asawa ko lang sasaludo ang alaga kong ito," may diin niyang wika. Ngumisi si Donald. "Talaga lang, ha. Baka soone

