“SIGURADO KA BA?” tanong ni Tito Arquil. “O-Oo,” nauutal na sagot ng lalaki. Napabuntonghininga si Tito Arquil. “Ikulong ninyo na iyan.” Natapos sabihin iyon ni Tito Arquil ay agad sinunod ng mga pulis ang kanyang inutos. Kaya pagkaalis ng mga ito, napalingon na si Tito sa amin. Nakita ko naman sa mga mata niya ang lungkot. Alam ko na nasasaktan siya sa nalaman niya. “Amira, tara na. Hector, Ren—Aiden... mauna na kami. Ako na bahala sa asawa ko,” sabi ni Tito. “Dad, Kuya, mauna na kami. Mag-ingat kayo, ha? I will give you an update later pagdating namin ni Tito sa bahay,” sabi ko. Niyakap ako ni Daddy. Sumunod naman si Kuya. Natapos naming magyakapan, nangako naman si Tito na iingatan niya ako. “Arquil, tama ba na hahayaan ko pang sumama ang anak ko sa iyo?” tanong ni Daddy. “Ak

